Inday TrendingInday Trending
Iyak nang Iyak ang Babae Dala ng Pangungilila sa Ina; Nasaan Nga Ba Ito?

Iyak nang Iyak ang Babae Dala ng Pangungilila sa Ina; Nasaan Nga Ba Ito?

“Lydia, bakit hindi ka pa nakakapagbihis? Ngayon ang graduation mo kaya dapat maghanda ka na,” wika ng tiyahin niyang si Penny. “Umiiyak ka ba, Lydia?” Nag-aalalang tanong nito.

“Namiss ko lang po si mama tita,” ani Lydia sabay punas ng luha sa pisngi. Kaya tinitignan ko muna ang mga litrato namin mula noong first year college ko at hanggang sa huling kuha naming dalawa.”

“Naiintindihan ko anak na miss na misa mo na talaga si Ate Vina, kahit kami naman ay ganiyan din ang nararamdaman,” mangiyak-iyak ding wika ni Penny.

“Natatandaan ko po noong first year college ako, nand’yan lagi si mama. Siya ang kasa-kasama ko palagi kapag nagpapa-enroll ako hanggang noong nag-third year college ako’y naroon pa rin siya. Pero ngayong graduation ko ako’y w-wala na siya,” tumatangis na wika ni Lydia.

“Hindi ginusto ni Ate Vina ang iwan tayo, Lydia. Lalong-lalo ka na. Kung pwede nga lang siyang makipagdigmaan sa sakit niya’y ginawa na niya. Hindi man natin nakikita ang mama mo. Sigurado naman ako na nandito din siya sa pinakamahalagang araw mo, Lydia,” ani Penny.

“Miss na miss ko na po si mama, tita.” Humagulhol na wika ni Lydia.

Sa bawat magandang nagaganap sa buhay noon ni Lydia ay nar’yan palagi ang mama niya, sumu-suporta sa kanya. Noong nalaman nilang may malalang sakit ang mama niya at nalalabi na lang ang buhay nito ay iyak rin siya nang iyak. Tumahan lang siya noong nangako ito.

“Anak, Lydia, tahan na. Pinapangako kong kasama mo ako hanggang sa grumaduate ka ng kolehiyo. Kakayanin ko at lalabanan ko ang c*ancer na ito hanggang sa makatapos ka na.

Kapag nangyari ‘yon ako ang pinakamasaya at proud na proud sa’yo. Kaya hindi pwedeng hindi mo ako makasama sa mahalagang bahagi na iyon ng buhay mo,” pangako ni Vina ang ina ni Lydia.

“Pangako iyan, mama?” Humihikbing tanong ni Lydia.

“Opo. Pangako anak, kaya tahan na okay? Kaya ni mama na labanan ang sakit na ito,” anito saka siya niyakap ng mahigpit.

Ngunit hindi na nito nagawang tuparin ang ipinangako noon dahil sa kalagitnaan ng fourth year college ay tuluyan nang ginupo ang mama niya ng sakit nitong c*ancer.

Matapos ang seremonya ay naging abala ang lahat sa pictorial. Ito na ang huling araw nila sa paaralan kaya dapat lang na namnamin nila ang pagkuha ng litrato. Ngunit hindi iyon ang nais gawin ni Lydia.

“Tita, mauuna na po ako. Magkita-kita na lang po tayo mamaya sa bahay,” paalam ni Lydia.

“Saan ka pupunta, Lydia?” Takang tanong ni Penny.

Tabinging ngumiti si Lydia. “Kay mama po,” sagot niya.Dumaan muna si Lydia sa isang fastfood chain upang bumili ng dalawang order ng pagkain na paborito nilang bilhin noon ng mama niya. Pagkatapos naman ay dumaan muna siya sa Dangwa upang bumili ng bulaklak, regalo sa puntod nito. Saka siya tuluyang pumunta sa puntod ng ina.

“Hi mama,” bati niya sa puntod nito. “Tingnan mo mama, grumaduate na po ako oh! Salutatorian ako ma,” masayang kausap niya sa hangin. “Oo hindi man ako ang ang nasa first rank. Alam ko naman na para sa’yo ako ang number one,” nakangiting wika ni Lydia.

“‘Di ba sabi mo noon magiging proud ka sa’kin kapag nakita mo akong grumaduate. Malamang proud na proud ka sa’kin ngayon. Alam ko, ma, na nakikita mo ako ngayon. Masaya ako ma, kasi sa wakas naka-graduate na ako. Pero sa kabilang banda malungkot ako kasi wala ka dito.

Wala ka para suportahan ako. Pero kahit gano’n masaya ako kasi alam kong hindi ka na sasaktan d’yan. I love you mama,” umiiyak niyang kausap sa hangin.

“Ang drama ko na naman tuloy,” natatawa ngunit naiiyak niyang sambit habang inilalapag ang mga dala sa ibabaw ng puntod nito.

  • “I made it, mama. Nag-uumpisa ng matupad ang pangarap natin noon. Alam kong kasama pa rin kita sa lahat ng mangyayari sa buhay ko. Mahal na mahal kita mama. Kailanman ay walang makakapalit sa’yo,” ma-emosyong sambit ni Lydia. “Kain na tayo mama,” aya niya sa puntod ng ina.

    Hindi man niya nakikita ang ina. Alam niyang kasama lamang niya ito ngayon at gaya ng dati ay sabay silang kumakain habang tumatawa.

    Kailanman ay walang makakapalit sa mga magulang natin. Nag-iisa lamang sila. Dumating man ang araw na kunin sila sa’tin, mananatili ang alaala at pagmamahal nila sa puso natin.

    Advertisement