Inday TrendingInday Trending
Kapag Lumagpas sa Edad na 25 ang Dalaga ay Mahihirapan na Siyang Magbuntis, Kaya Humingi Siya ng Tulong sa Gwapong Bestfriend

Kapag Lumagpas sa Edad na 25 ang Dalaga ay Mahihirapan na Siyang Magbuntis, Kaya Humingi Siya ng Tulong sa Gwapong Bestfriend

Hindi mapakali si Marie, ang lakas ng tibok ng puso niya at pinagpapawisan siya ng malamig. Sa 25 years na pananatili niya sa mundo, ngayon lang siya kinabahan nang ganito. Paano naman kasi, kagagaling niya lamang sa doktor kahapon at inihatid nito sa kanya ang isang masamang balita.

Kapag raw lumagpas na siya sa 25, mahihirapan na siyang magkaanak. Binigyan nito ng taning ang matris niya, Diyos ko po. Nasa lahi kasi nila ang mahirap magkaanak, ang mga tita niya, lahat ay hirap sa pagbubuntis. Ang dalawa nga ay walang anak dahil tinanggalan ng matris. Nag-eecho pa sa utak niya ang sinabi ng doktor.

“Malaki ang maitutulong ng pregnancy sayo, kailangan nga lang ay magkaanak kana para mas maging healthy ang uteruss mo. Pagpatak mo ng 25 pataas ay mahihirapan kanang magdala ng baby,” sabi nito.

Halos iuntog niya ang ulo niya sa pader magdamag, paano siya mabubuntis, eh wala naman siyang boyfriend?! May iniibig siya, pero hindi niya naman boyfriend. Bestfriend niya, si Tom.

Nang bumukas ang gate ng bahay nila at marinig niya ang kotse ng lalaki ay lalo siyang kinabahan, “Sht sht sht, eto na! Okay, calm down. Best friend mo sya, hindi ka dapat mailang sa kanya, calm down. Pero sht talaga!” sabi niya na pinapaypayan pa ang sarili.

“Babaeng demanding, bakit mo po ako pinapunta? Siguraduhin mong importante yan ha,” sabi ng lalaki. Kilala niya ito, magsusungit kunwari pero darating rin naman.

“I..went to visit the doctor kahapon, remember I had problems sa regla ko?” sabi niya, bumakas naman ang pag aalala sa mukha ng lalaki. Nagtuloy sa pagsasalita si Marie.

“I was advised na.. na hindi na raw ako magkakaanak, ano..I mean pag lagpas ko ng 25. Tomas, alam mo namang 26 na ako sa isang buwan,” malungkot na sabi niya.

“O di magpabuntis ka,” sabi nito.

“Alam mo namang..wala akong boyfriend. Lahat ng manliligaw ko ay biglang naglalaho,” sabi niya, biglang umilap ang mata ng lalaki.

“Huy!” pumalakpak pa siya sa mukha nito dahil para itong natulala.

“A-ano?”

“Tulungan mo ako. Enough na ang ipon ko, para sa..in vitro fertilization. Kung mayroon mang tao na kilalang kilala ko at may tiwala ako sa genes, ikaw yon. Tomas, anakan mo ako.”

Nanlaki ang mata ni Tom sa narinig, kasabay noon ay ang pamumula ng buong mukha niya. Napakurap kurap pa siya kung totoo ba ang sinabi ng dalaga. “Ano?”

“Sabi ko anakan mo ako. Pero hindi tayo mag..m-mag aano, gago! Pahingi lang ng sperm mo, sige na please, ayokong tumandang mag isa,” naluluhang sabi ng babae.

“Alam ko kung ano ang in vitro! Ilalagay sa sinapupunan mo ang sperm ko, pero, ang weird ng hiling mo.Nagulat lang ako.”

Malungkot na tumingin ang dalaga, “Kung ayaw mo naiintindihan ko, hindi rin naman ako hihingi ng sustento.”

Hindi alam ni Tom pero kusa nalang lumabas sa bibig niya, “Payag ako.”

Tila inaayunan naman sila ng tadhana dahil isang try lang ay nabuntis agad si Marie, habang lumalaki ang tyan niya ay di nawala si Tom sa tabi niya. Kung nahihibang nga lang siya, iisipin niya nang para silang tunay na mag asawa. Kaya lang hindi eh, palagi niyang pinapaalala sa sarili na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ng lalaki sa kanya. Imposible, edi sana noon pa.

Pero siya, mahal na mahal niya na ito. Kaya nga ang sakit sakit tuwing maalala niya ang katotohanan. Pati na rin ang isipin na kapag nanganak siya ay babalik na sa dati ang lahat.

“T-tomas, manganganak na ako!” sabi niya. Narito siya ngayon sa bahay ng lalaki, hiniling nito na dito na muna siya upang mabantayan siya nito, after all, anak rin nito ang ipinagbubuntis niya.

Natatarantang tumayo ang binata at binitbit siya sa kotse, nasa balikat nito ang hospital bag na inihanda nila ilang linggo na ang nakalipas.

Ang higpit ng hawak niya sa kamay ni Tom habang iniire ang bata.

“Kaya mo yan, push lang. Nandito ako!” sabi ni Tom.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng malakas na iyak ng sanggol. Kasunod noon ay nawalan na siya ng malay.

Dahan dahang iminulat ni Marie ang kanyang mga mata, pero pinagsisihan niya rin dahil namulatan niya si Tom na kaakbay ang isang magandang babae. Nakatingin pa ang dalawang ito sa kanya.

“Hi, how do you feel? Marie, remember Paula?” sabi ni Tom.

Pinilit niyang ngumiti, “O-Of course,” paano niya naman makakalimutan ang babaeng ito eh selos na selos siya rito noon pa. Naging girlfriend ito ni Tom dati, baka nagkabalikan. Aray! Hindi niya alam kung ano ang mas masakit, yung bandang ibaba niya na kapapanganak lang, o ang puso niya.

Buti nalang at kumatok na ang nurse at nabasag ang katahimikan sa kanilang tatlo, bitbit nito ang napakalusog na sanggol na babae.

“Mommy, gutom na si baby girl,” sabi nito. Hindi naman malaman ni Marie kung ano ang kanyang gagawin, nakaramdam ang dalawa kaya lumabas na muna ang mga ito, naiwan siyang kasama ang sanggol na babaeng kamukhang kamukha ng ama.

“Ikaw, paano ko makakalimutan nyan ang daddy mo? Eh kamukhang kamukha mo, hayaan mo na, ang cute cute naman ng anak ko na yan, mahal kita baby..” nakangiting sabi niya at pina-suso ang bata. Kahit paano, nawala ang hapdi sa puso niya.

Ilang sandali pa ang nakalipas, hindi niya maalis alis ang dibdib niya dahil nagigising ang sanggol. Bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa si Tom.

“Naisip ko lang baka gusto mo ng..i-ice cream,” sabi nito. Napasulyap ang binata sa dibdib niya na noon ay dinedede ng baby nila. Hindi malaman ni Tom kung tatalikod ba siya o ano, sakto namang binitawan na ng baby ang dibdib ni Marie kaya nakita niya iyon ng buong buo. Hiyang hiya naman ang babae na tinakpan iyon.

Pinilit ni Marie na ibahin ang usapan upang mawala ang pagkailang, “Ano, ah..naayos mo na ba ang birth certificate niya?”

“Oo, isinulat ko ang apelyido ko,” simpleng sabi ng binata na ikinagulat ni Marie, aminin niya man o hindi, kinilig siya roon.

Mabilis lumipas ang mga araw at nakauwi na si Marie, pero taliwas sa inaasahan niya ay hindi pa rin siya nakabalik sa kanila. Iniuwi pa rin siya ni Tom sa bahay nito, bigyan niya raw ng pagkakataon na makasama ang anak.

Ayos na sana eh, kaya lang naroon rin lagi si Paula. Parang nananadya pa ang dalawa na mag aakbay kung kailang dadaan siya.

Isang araw ay tahimik na pinadedede ni Marie ang anak sa bakuran, nang medyo lumakas na ang hangin ay naisipan niya nang pumasok sa loob. Saktong pagsulyap niya sa salas ay nakita niyang niyayakap ni Tom si Paula, alam niyang nakita siya ng mga ito pero di siya pinansin.

Tahimik siyang umakyat pataas, sugatan ang puso at nagpipigil ng luha. Di niya na kaya, baka mabinat pa sya sa nararanasan niya sa bahay na ito araw araw. Gulong gulo siya, kung titigan at asikasuhin siya ni Tom ay nakakakilig talaga, tapos biglang ganoon rin pala ito kay Paula.

Tutal naman ay doon din ang bagsak nila, aalis rin sya sa bahay na ito, bakit niya pa patatagalin? Nag empake siya at tinawagan ang kapatid niya, sinabihan niya itong kunin ang mga gamit niya kay Tom. Habang siya naman ay magta-taxi na pauwi. Bitbit niya ang maliit na bag na naglalaman ng gamit ni Baby Sophia at pababa na sila ng hagdan nang mapasulyap sa kanila ang binata.

Agad itong tumayo nang makitang may dala siyang bag. “Where are you going?” maang na tanong nito.

“Home.”

“Why?” naroon ang pagkagulat at pagkataranta sa mukha nito. Wow, hindi ba talaga nito alam?!

“Why not? Uuwi na rin naman talaga dapat ako. Dahil remember, ang usapan naman natin bibigyan mo lang ako ng baby. Tapos na iyon, naibigay mo na. No reason for me to stay here,” matigas na sabi niya at nagmartsa na palabas. Hindi niya na hinintay pa itong magsalita, agad siyang lumabas ng gate at naghintay ng taxi.

Nang ilang minuto na ang nakalipas at wala pang dumarating ay naglakad lakad na siya. Pero di pa siya nakakalayo ay tumigil sa tapat niya ang kotse ni Tom, napairap siya rito.

“Hindi mo na kami kailangang ihatid, maaabala pa kayo ni Paula.”

“Uwi.”

“Uuwi na talaga ako,”

“No. Marie, get in the car and I’ll take you back sa bahay natin.” tiim bagang na sabi nito.

Napabuntong hininga si Marie, nakakapikon na! “Okay don’t you get it? The more na nag-stay ako sa bahay mo, the more na nahuhulog ang loob ko sayo. At hirap na hirap ako kasi araw araw pinamumukha mo sa akin ang p*tanginang katotohanan na kahit kailan hindi moko magugustuhan! Okay?! Okay na?! Now go back, hinihintay kana ng love of your life!” bulyaw niya. Bahala na, wala na siyang maisip na dahilan kaya nagsabi na siya nang totoo.

Mabilis namang bumaba ang binata sa kotse, sa isang iglap ay nasa harap niya na ito at pinipigil ang ngiti.

“Listen to me woman. You are the love of my life, you and that precious baby of ours. Si Paula, k-kinausap ko lang sya para pagselosin ka. Hindi ko alam kung paano aamin sayo, ang dali ko namang manligaw sa ibang babae pero pagdating sayo ang torpe ko. Nakukuntento na ako sa panghaharang sa mga manliligaw mo pero di ako makapagtapat, kaya nung humiling kang magkaanak tayo, Diyos ko, para akong pinagpala ng langit,” sinserong sabi ng lalaki.

Gulat na gulat naman si Marie, hindi ito ang inaasahan niya. Hindi niya mapigilang mapangiti.

“Kung di ka naniniwala tara, kausapin mo si Paula. May boyfriend na yon at engaged na. Tinutulungan lang ako kasi alam niya na mahal na mahal kita at-” napatigil ang lalaki nang dampian niya ito ng halik sa labi. Gusto niya sanang tagalan, kaya lang ay bitbit niya ang baby nila.

“Uwi na tayo?” masuyong sabi nito. Kinikilig na tumango si Marie, sinalubong sila ng tatawa tawang si Paula.

“Sa wakas, nagkaaminan rin. Diyos ko, ang hirap umacting ha,”

Makalipas ang ilang buwan ay nagpakasal sina Marie at Tom.

“Mahal na mahal kita Tomas,” sabi ni Marie sa mister.

“Mas mahal kita, misis,” sagot naman ni Tomas at hinalikan ang babae. Tapos noon ay dinampian niya ng halik ang tiyan ng babae na noo’y buntis ulit, at this time, ginawa na nila ang sanggol sa natural na paraan.

Parang nagdahilan lang ang Diyos at binigyan siya ng panandaliang sakit para magkaaminan silang dalawa.

Advertisement