Kinilig ang Babae sa Gwapong Dentista, Di Niya Akalain na Dati pa Pala Ito May Pagtingin sa Kanya
Nakakunot pa ang noo ni Kristine nang bumaba siya sa kotse, nakakainis naman kasi, kung bakit kailangan pang may medical bago tuluyang makapag start ng trabaho. Bagong lipat lamang siya sa isang kumpanya kaya ulit nanaman siya sa requirements, kumpleto niya na ang NBI, Philhealth, SSS, pati medical, ito nalang ang kulang, dental check up.
Ayos na sana kahapon, kaya lang ay maagang umuwi ang dentista raw. Kaya naman doble badtrip siya, lalo pa at tumatawag ang mommy niya, kinukulit siya na nasa probinsya raw ngayon ang lalaking ipapakilala nito sa kanya. Diyos ko naman!
Pagpasok niya sa clinic ay wala pang masyadong tao kaya nakahinga siya nang maluwag, nang tawagin siya ng receptionist ay dire diretso na siyang pumasok.
“Good morning,” sabi niya, inaayos niya ang mga papel na kailangang pirmahan ng dentista pagkatapos ng check up niya.
“Sit down miss,” sabi ng baritonong boses. Pagsulyap ni Kristine ay halos malaglag ang panty niya, ang gwapo ni Doc! Anak ng teteng, kung kailan namang hindi siya nag ayos!
Nakangiti ito at may kung ano sa mata na hindi niya maunawaan, nagsuot na ito ng gloves at sinenyasan siyang humiga. Nakaramdam siya ng pagkailang lalo pa at nang itapat nito sa kanya ang ilaw. Ang lapit lapit ng mukha nito sa kanya.
“Nganga ka pa, paki-lakihan,” sabi nito. Buti nalang naka facemask ito at hindi niya kita ang buong mukha kundi ay baka natunaw na siya sa pagkailang.
Sobrang conscious ni Kristine, baka tumutulo na ang laway niya.
“Okay naman, healthy ang teeth mo. Although may isang hindi aligned, usually nagre-recommend ako ng braces pero sa case mo it seems okay.” sabi ng doctor at pinirmahan na ang papel.
Tulalang napatango nalang si Kristine, palabas na siya nang muli siyang tawagin ng doktor.
“K-kristine right? Baka gusto mo ng cleaning, may promo kami kasi bago ang clinic, libre nalang sayo,” sabi nito.
Muli, tumango lang si Kristine at lumabas na. Kinikilig kasi siya.
Si Dr. Joseph Martin naman ay halos masuntok ang sarili, napaka-corny niya pa rin! Di niya alam, matalino naman siya, gwapo sabi ng iba, pero pagdating sa diskarte sa chicks ay naco-cornyhan siya sa sarili niya.
Hindi alam ni Kristine kung ano ang nagtulak sa kanya ay bumalik siyang muli sa klinika ng dentista, di nagtagal ay lalong lumalim ang kanilang samahan.
Hindi sila mapaghiwalay, kapag may pasok si Kristine ay sinusundo siya ni Joseph at kapag naman wala ay magkasama pa rin sila sa mall, o sa bahay ng babae. Hindi na nila nailihim pa sa isa’t isa ang nararamdaman, sobrang ligayang hinalikan ni Joseph si Kristine nang sagutin siya nito at maging official na ang kanilang relasyon.
“I think, kung.. kung okay lang sana, you should meet my mom babe,” sabi ni Kristine isang Sabado.
“H-ha?” gulat na sabi ni Joseph.
“You should meet her, para hindi niya na ako nirereto doon sa sinasabi niyang lalaki. I mean, she should know na I’m taken na diba?” sabi ng babae. Tumango tango lang naman ang binata.
Kinabukasan ay ang laki ng ngiti ni Kristine dahil papunta na sila ng nobyo sa probinsya. Medyo nagulat pa siya dahil kabisado na ng nobyo ang daan, sabi nito ay nagmedical mission na rin kasi ito doon noon.
“Ma! andito na ako, may ipapakilala ako sayo!” sigaw niya pagkababang pagkababa ng sasakyan. Hila hila niya ang nobyo na hindi niya maintindihan kasi kanina pa ngiti nang ngiti.
Sumalubong naman agad ang ginang, ang laki rin ng ngiti nito nang mapasulyap sa nobyo niya.
“Ay sus, ay kaya naman pala hindi na umuuwi sa probinsya, ay nakita na pala sa Maynila!” kantsaw nito.
“Ma, yun na nga ang sasabihin ko, may boyfriend na ako kaya please lang wag mo na akong ire-reto doon sa binatang sinasabi mo,” mabait na pakiusap niya.
Natawa naman bigla ang ginang na ipinagtaka ni Kristine.
“Bakit ka tumatawa ma? Seryoso po ako,”
“Kasi naman, hindi na talaga kita ipapakilala doon sa binatang sinasabi ko, kasi boyfriend mo na sya!” masayang sabi nito.
Gulong gulo naman ang dalaga na napasulyap sa katabing binata, pinisil ni Joseph ang kamay niya.
“P-paano kayo nagkakilala ni Mama?” takang sabi niya.
“Hindi mo talaga ako natatandaan ano? Sabagay, 5 years old palang tayo nun. Pero ako, crush na kita dati pa. Kaya nga after kong mag aral ng dentistry sa US at bumalik ako rito, agad akong na-curious kung kumusta kana. Sakto naman, sabi ni Tita ipagde-date niya raw tayo, Tintin,” kumindat pa ito.
Biglang naalala ni Kristine ang kalaro niya dati, ang cute at makulit na batang laging nang aasar sa kanya. “Teptep?!”
Masayang hinalikan siya ng nobyo,”Malay ko bang tadhana na ang gagawa ng paraan para magkita tayo sa Maynila, hindi mo ako palagi sinisipot dito sa probinsya eh,” masuyong sabi nito.
Makalipas ang dalawang taon ay nagpakasal rin ang dalawa. Ngayon ay masaya na silang namumuhay habang ipinagbubuntis ni Kristine ang kanilang panganay.