Dinig na dinig hanggang sa kalsada ang pag aaway ng mag-asawang Sonny at Janice. Mistulang bundok ang pagitan ng dalawa kung magsigawan sa isa’t isa!
“Bakit dinala mo dito yang batang yan?!” sigaw ni Sonny sa asawa. “Sonny, ano bang gusto mong gawin ko, pabayaan ko nalang ang anak natin?!”
“Alam mong hindi ko anak ang batang yan!” bulyaw nito. “Sonny maniwala ka naman sa’kin! Nagsasabi ako ng totoo! Ikaw ang ama ni CJ!” halos maglupasay na sa iyak si Janice. “Tama na Janice! Hindi mo mabibilog ang ulo ko! Sapat nang nakita ko kayo ni Kuya sa kwarto! Sapat na yun na patunay sa panloloko mo sa’kin!” galit na galit na sigaw nito.
“Sonny walang nangyari sa amin ng Kuya mo!”
“Wala na akong panahon makinig sa mga kasinungalingan mo Janice! Tumigil ka na! Paalisin mo ang batang yan!”
Hindi makapagsalita si Janice. Aminado siyang nagkasala siya sa asawa, dahil sa pakikipagrelasyon niya sa kuya nito. Pero isang bagay ang sigurado siya, na si Sonny ang ama ng panganay niyang si CJ. Hindi na niya alam kung ano ang sasabihin sa asawa. Sarado ang isip nito sa kahit anong paliwanag niya.
Kaya humantong siya sa isang mahirap na desisyon.
“Sige mamili ka, hahayaan mong nandito si CJ o lalayo ako sayo kasama ang batang nasa sinapupunan ko?!”
Nagpantig ang tenga ni Sonny sa narinig. Alam niyang hindi niya kakayanin kung mailayo sa kanya ang magiging anak.
“Aminado akong may kasalanan ako sayo, pero matagal na yun! At matagal ko nang pinagsisisihan ang pakikipagrelasyon ko sa Kuya mo! Gusto ko nang ayusin ang pamilya natin!”
Hindi pinansin ni Sonny si Janice. Nanlilisik ang mata nito bago tuluyang umalis ng kwarto. Noong gabing yun magdamag na hindi umuwi si Sonny. Kaya alalang-alala sa kanya si Janice.
“Mama,” mahinahong tawag ng bata sa ina. “CJ, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong nito sa anak. “Mama, ako po ba ang may kasalanan kung bakit kayo nag away ni Papa?” inosenteng tanong ng bata sa ina.
Hindi alam ni Janice kung paano ipapaliwanag sa bata ang sitwasyon niya. Sinisisi niya ang sarili dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito kahirap ang pinagdadaanan ng anak. Isang mahigpit na yakap nalang ang naging sagot niya sa anak. Umaasa siyang balang araw maaayos ang relasyon ng mag-ama.
Mabilis na lumipas ang panahon at halos isang buwan ng nakatira si CJ sa bahay nila. Pero wala pa ring pagbabago sa trato ni Sonny sa kanya. Isang araw naabutan niyang naglalaro si CJ sa kwarto nila. Noong una hindi niya ito pinansin, hanggang sa makita niya na mga importanteng dokumento niya ito!
“Ikaw talagang bata ka! Bakit mo pinaglalaruan ang mga papeles ko?!”
Hindi na napigilan ni Sonny ang sarili. Parang may sumanib sa kanyang masamang elemento! Napagbuhatan niya ng kamay ang bata.
Mistulang nawala sa sarili si Sonny. Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit! Hindi niya nakontrol ang sarili. Hinataw niya ng sinturon ang kaawa-awang bata. Hanggang sa mapansin niyang wala nang malay ang bata. Doon lamang niya napagtanto ang kalunos-lunos na sinapit ng bata sa kamay niya. Hindi na siya nagdalawang isip na isugod ito sa ospital.
“Anong ginawa mo sa anak ko?! Bakit ka ganyan Sonny?! Wala kang awa!” hinagpis ng inang alalang-alala sa anak.
Hindi makapagsalita si Sonny. Hindi niya lubos maisip kong bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Lumabas ang doktor at malungkot na hinarap ang mag-asawa.
“Patawad, ginawa na namin lahat ng aming makakaya. Pero hindi na kinaya ng bata, sumuko na siya.” malungkot na balita nito.
Umalingawngaw sa buong ospital ang matinis na iyak ni Janice nang makita ang walang buhay at kaawa – awang anak.
“Kasalanan mo! Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang anak natin! Kasalanan mo! Kailangan mong makulong! Maybayad ka sa kasalanan mo sa anak ko!” sumbat ni Janice sa asawa.
Matapos ang pangyayari hindi nakaligtas si Sonny sa saligang batas. Dinampot siya at nahatulan na makulong habang buhay.
Nagsisisi na siya sa nagawa. Dahil sa galit niya sa asawa, nagawa niyang saktan ang inosenteng bata. Pero may isang bagay na gumugulo sa isipan niya, paano kong siya talaga ang tunay na ama ng bata? Paano kong totoo ang sinasabi ng asawa niya? Habang buhay niyang dadalhin sa konsensya niya, ang di makataong parusa niya sa anak.
Isang Linggo ng nasa kulungan si Sonny, isang sulat ang natanggap niya. Laking gulat niya ng mabasa kung anong nakasulat dito.
DNA TEST RESULT : 99.99999%
Kumpirmadong anak niya si CJ. Subalit huli na ang lahat. Wala na si CJ. Wala siyang ibang magawa kundi magdusa at maghinagpis sa kasalanang nagawa sa sariling anak. Magsisi man siya’y huli na. Buong buhay niyang dadalhin, maging hanggang sa kamat*yan ang kasalanang ito.
Tanging tahimik na panalangin at paghingi ng tawad na lamang ang kanyang tanging nagagawa sa likod ng mga bakal na selda.