Inday TrendingInday Trending
Ang Huling Misyon ni Sarhento

Ang Huling Misyon ni Sarhento

Isang kilalang matikas na pulis si Ruben sa buong Sampaloc. Bukod sa pagiging magaling at matikas nito sa larangan ng baril at paghuli ng mga kriminal. Kilalang ma-prinsipyo at pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga tao.

“Ruben, kailan ka ba uuwi dito sa Bulacan?” tanong sa kanya ng asawa niyang si Grace habang magkausap sila sa telepono. “Hon, masyadong busy pa kasi ako ngayon. May pupuntahan pa ako sa susunod na Linggo.”

“Hindi ka ba pwedeng makiusap na bumisita man lang dito sa atin? Ruben halos mag da-dalawang buwan ka nang hindi umuuwi!” sumbat ni Grace sa asawa. “Grace, intindihin mo naman ako! Kailangan ako sa trabaho ko!”

“Puro ka nalang trabaho! Sila pa ang inuuna mo kumpara sa amin ng anak mo!” inis na sigaw ni Grace sa asawa. “Hon, please intindihin mo na muna ako. Babawi ako sa inyo pangako!” pakiusap ni Ruben sa ginang. “Ewan ko sayo. Nakakainis ka!”

Galit na ibinaba ni Grace ang telepono. Mahal na mahal niya si Ruben kaya pinipilit niyang unawain lahat. Pero sobra na. Halos wala na siyang oras para sa pamilya niya. Ayaw niyang tuluyang masira ang relasyon ng mag-ama niya. Napaiyak nalang si Grace sa sobrang inis sa asawa. Hindi na niya alam kong paano pa makikiusap dito.

Biglang pumasok sa kwarto niya ang anak na si Zack.

“Ma, bakit ka na naman umiiyak?” tanong ng binatilyo sa ina. “Wala to, nadala lang ako sa binabasa ko,” pagkukunwari ng Grace sa anak.

“Tinawagan niyo na naman ba si Papa?!” reklamo ng binata sa ginang.

“Zack, ano ba? Hinaan mo ang boses mo. Huwag kang sumigaw…” mahinahong pakiusap ng ginang sa anak.

“Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mo nang tatawagan si Papa?! Kung ayaw niyang umuwi hayaan mo na siya!” bulyaw ng lalaki sa ina.

“Zack bakit ba ganyan ka magsalita sa Papa mo?! Nagtatrabaho siya para sa atin. Nagsasakripisyo siya para sa atin. Intindihin natin siya anak!” paliwanag ng ginang sa binatilyo.

“Tama na Ma! Hindi na ako bata! Hindi mo na mabibilog ang ulo ko. Alam ko na kung anong klaseng ama si papa. Wala siyang pakialam sa atin puro nalang siya trabaho!” sumbat ni Zack sa ina.

Lumabas ng kwarto si Zack at naiwang mag isa si Grace. Batid ng ginang na malayo ang loob ni Zack sa ama. Dahil sa trabaho ni Ruben, nawawalan siya ng oras sa kanyang mag-ina. Kaya nakatanim na sa isipan ng binata na walang pakialam ang ama sa kanya.

Dalawang Linggo pa ang lumipas bago nakauwi ng Bulacan si Ruben. Bitbit ang masayang balita para sa kanyang mag-ina.

“Hon?” masayang tawag niya sa asawa pagpasok palang ng bahay nila.

Nagulat si Grace sa pagdating ng asawa. Hindi siya makapaniwalang umuwi na ito.

“Totoo ba itong nakikita ko? Nananaginip ba ako?” tanong nito sa sarili.

“Hon, totoo to. Nandito ako, umuwi na ako sa inyo. Huwag ka nang umiyak…. nandito na ako.” pilit na pinapatahan ni Ruben ang emosyonal na asawa.

“Ikaw kasi eh! Lagi mo nalang inuuna ang trabaho mo. Nawawalan ka na ng oras sa amin ng anak mo,” himutok ng ginang sa asawa. “Pasensya na hon, kailangan lang talaga. Ang totoo niyan, may magandang balita nga ako para sa inyo ni Zack.” nakangiti pang sabi ni sarhento.

“Ano yun?” walang ideyang tanong ni Grace. “Noong mga nakaraang Linggo napag-isip-isip ko, na matagal na panahon na pala akong naninilbihan sa gobyerno, maraming oras na ang ginugol ko sa trabaho ko. At dahil doon napabayaan ko kayo ni Zack, kaya naisip kong mag retiro sa trabaho ko upang makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa inyo ng anak ko.”

“Ruben…. totoo ba ang sinasabi mo?” maluha-luhang tanong ni Grace sa asawa. “Oo hon, totoo ang sinasabi ko. Noong nakaraang Linggo ko pa nakuha ang resignation approval ko.”

Hindi makapaniwala si Grace sa narinig. Masayang-masaya siya kaya niyakap niya ng mahigpit ang asawa. Ito na ang matagal na niyang hinihiling. Umaasa siyang ang desisyon ni Ruben na iwanan ang trabaho niya ay ang simula ng maayos na relasyon ng mag-ama. Lumalim nalang ang gabi pero hindi pa umuuwi si Zack sa bahay nila. Nag-aalala na pareho ang mag asawa sa anak.

“Hon, lagi bang gabi na umuuwi si Zack?” tanong nito sa asawa. “Nitong nakaraang Linggo lang nagsimulang di maagang umuuwi si Zack, hon. Ang sabi niya may program daw sila sa school nila,” paliwanag ni Grace sa asawa. Hindi nagtagal may narinig silang sumisigaw sa labas ng bahay nila.

“Sarhento! Sarhento! Sarhento!” Agad naman nilang inalam kung ano ang pakay nito. “Reyes anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ruben sa kapwa pulis. “Sir, magandang gabi po. Magandang gabi din po Ma’am.

Isang pulis pala ang kausap ng mag-asawa.

“Anong problema bakit ka nandito?” tanong ni sarhento. “Sarhento, baka po pwedeng matulungan niyo kami. May engkwentro po kasing nagaganap ngayon sa poblacion!” pakiusap nito. “Engkwentro? Kanino? Sinu-sino?” tanong ni Ruben sa kapwa pulis.

“Sa mga armadong grupo po na halos lahat kabataan!” sagot nito. “Sige sandali lang, kukunin ko ang gamit ko!” mabilis na tugon ni Ruben sa kasamahan.

Mabilis na sinundan ni Grace ang asawa sa kwarto.

“Ruben anong ibig sabihin nito?!” sigaw ni Grace sa asawa. “Grace ano bang hindi mo maintindihan?! Kailangan nila ng tulong! Hindi pwedeng pabayaan ko nalang sila!”

“Ang sabi mo titigil ka na at kami na ang iisipin mo! Pero bakit ganito na naman?!”

“Grace pwede ba unawain mo ako?”

“Hindi pa umuuwi ang anak natin, pero uunahin mo na naman ang trabaho mo?!” sumbat ni Grace kay sarhento. “Grace huling misyon ko na ito! Titigil na ako. Pagbigyan mo na ako…” pakiusap nito.

Walang nagawa si Grace at tuluyang umalis na ang asawa. Pagdating ni Ruben sa poblacion, nagkakagulo na lahat. Matapang niyang pinasok ang gusali kung saan naroroon ang mga kalaban.

“TIGIL!” sigaw niya sa binatilyong na korner niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito.

Malayo palang siya pansin na niyang nanginginig na sa takot ang binata.

“Humarap ka!” utos ni Ruben sa binata.

Laking gulat niya ng makitang ang anak niyang si Zack ang nasa harap niya.

“Papa……” takot na takot na tawag sa kanya ni Zack. “Papa….. tulungan niyo ako, Papa!”

“Zack! Gumising ka anak nananaginip ka!” sigaw ni Ruben sa anak.

Pagdilat ni Zack nasa harap na niya ang kanyang mga magulang. Kasabay noon narinig niya ang balita sa telebisyon. “Isang grupo ng kalalakihan ang nasakote ng mga pulis kagabi! Di umano ang grupong ito ay mga gumagamit ng ilegal na dr*ga!”

Laking pasasalamat niya na panaginip lang pala lahat. Ang imbitasyon na inalok sa kanya ng mga kabarkada niya kagabi ay ang maisama siya sa nasabing masamang gawain. Isang masamang bangungot ang nag paintindi sa kanya kung gaano niya kamahal ang Papa niya.

“Anak, patawarin mo sana ako sa lahat ng nagawa ko sayo inyo. Pangako babawi ako sa inyo ng Mama mo. Ang huling misyon ko ay ang magampanan ang pagiging asawa at pagiging anak ko sayo,” madamdaming paghingi ng tawag ni Ruben sa anak.

“Mahal na mahal kita Papa. Mahal na mahal ko kayo ni Mama.”

Simula noon naging masaya na ang pamilya nina Ruben at Grace. Masaya si Grace dahil napagtanto na ng kanyang asawa na sa lahat ng bagay, wala ng mas hihigit pa sa pagkakaroon ng masaya at buong pamilya.

Advertisement