Nakulong ang Binatang Ito sa Krimeng Hindi Naman Niya Ginawa, Ano Kaya ang Buhay na Nag-iintay sa Kaniya sa Loob ng Selda?
Sa edad na 24 anyos ay nabilango ang binatang si Edwin dahil siya ang naiturong nakasaksak sa lalaking naabutang wala ng buhay nung nagkaroon ng rambol sa kanilang barangay.
Nahatulan siya ng anim na taong pagkakabilango at kahit na maiksi lang ito kumpara sa ibang presyo tila ba naging katapusan na ito ng kaniyang buhay.
“Anak, anim na taon lang naman ito. Huwag ka nang panghinaan ng ganyan anak, wala naman may gustong mangyari ito,” saad ni Aling Gina, ang nanay ng binata.
“Nay, wala akong kasalanan. Nakisipak lang ako pero hindi ako ang sumaksak,” madiing sagot ni Edwin.
“Oh ayan na ang sinasabi ko sayo diba. Yung mga barkada iiwan ka niyan sa oras ng problema, tignan mo ikaw pa ang tinuro,” baling naman ng kaniyang ama na si Man Robin.
“Wala na tayong magagawa, maghintay ka na lang ng anim na taon,” dagdag pa ng kaniyang ama habang umiiling.
Hindi lamang nag-iisa si Edwin na may ganitong istorya dahil sa pagpasok niya sa selda ay marami siyang narinig at nalaman na mas malalala pa sa kaniyang pinagdadaanan.
“Huwag kang mag-alala, hindi naman totoo lahat ng napapanuod mo sa tv. Hindi ka lalaslasan dito at hindi ka rin kukuyugin, ako nga pala si Mang Timo pinakamatagal nang nakakulong dito,” saad sa kaniyang ng matandang lalaki.
“Hello po, Edwin po,” sagot naman ng binata na naka-upo lang sa isang sulok.
“Wala ka naman talagang kasalanan pero andito ka kaya ngayon down na down ka,” baling namang muli ng matanda.
“Ho? Paano niyo ho nalaman?” tanong ni Edwin rito.
“Naku, isang tingin ko pa lang sa’yo alam ko na agad. Bihasa na ako sa ganyan dahil marami na rin ang dumaan dito na katulad mo,” nakangiting sagot nito saka nagsagot ng soduko sa diaryong binabasa.
Hindi naman pala totoo ang lahat ng naririnig at pinapalabas sa telebisyon tungkol sa mga selda pero iniisip niyang swerte na lang rin siya dahil hindi ito nangyayari. Mabait ang kaniyang mga kasama niya sa loob lalo na si Mang Timo na siyang gumabay sa kaniya.
“Inay, pwede niyo ho ba ako bilhan ng bible? Yung mas bago, new testament daw ang tawag, malalim kasi masyado ang mga english sa pinapahiram sa akin ni Mang Timo,” saad ni Edwin sa kaniyang ina nang minsan itong dumalaw.
“Anak totoo ba iyan? Talaga bang nagbabasa ka ng bibliya? Naiintindihan mo ba?” natatawang saad ng ale sa binata.
“Sa totoo lang inay hindi ko naman talaga naiinitindihan pero masarap siyang basahin at masarap pakingan ang mga bible story na naririnig ko dito,” baling niya sa ina.
Nagkwentuhan pa ang dalawa ng mga masasayang kaganapan ni Edwin sa loob at ganun din ang kaniyang ina.
Marami pang natutunang gawin si Edwin sa loob ng selda. Bukod sa maaga na lagi ang gising niya ay disiplinado na rin ang lahat ng kaniyang kilos. Natutunan niya na ubusin ang lahat ng pagkain na nasa kaniyang plato dati kasi kahit na mahirap lang ang kanilang pamilya ay napakaselan nito sa pagkain. Natutunan rin niya ang maglaba at maglinis ng kaniyang higaan.
Natutunan din niya ang pagpipinta at paggawa ng basket gamit ang mga straw at iba pang recycled material.
“Sinong mag aakalang sa selda ko pa ho matututunan ang lahat ng ito,” masaya niyang wika kay Mang Timo habang gumagawa ng basket.
“Pero hindi ibig sabihin nito na maganda ang buhay sa dito sa loob. Itong mga ginagawa natin ay para lang hindi tayo mabulok sa selda, para pag lumaya na tayo ay may baon tayong aral. Hindi para bumalik dito sa loob kundi aral na huwag na ulit makulong,” sagot naman ni Mang Timo.
“Huwag po kayong mag-alala, bukod sa bagong talentong baon ko e bitbit ko rin po ang mga aral niyo,” nakangiting pahayag ng binata.
Nakalaya na si Edwin kahit wala pa mang anim na taon dahil sa parol, naging maganda at maayos kasi siya noong nasa loob ng selda at labis niyang ipinagpapasalamat iyon kay Mang Timo na gumabay sa kaniya.
Hindi na rin niya binalikan pa ang mga dating kaibigan na walang ibang itinuro sa kaniya kundi bisyo at gulo.
Nakahanap din naman kaagad ng trabaho ang binata at ginamit din niya ang lahat ng natutunan sa loob ng kulungan. Pumunta siya sa barangay upang libreng magbigay ng seminar kung paano ang pag gawa ng basket, bag at iba pa na maaring gawin sa mga akala nating basura.
Nagsisimba na rin ang lalaki at palagi rin ito dumadalo sa mga prayer meeting. Dinalaw rin niya si Mang Timo muli at masayang siyang nalaman na nakalaya na rin ito.
Nakulong man siya sa krimen na hindi naman niya ginawa, ginamit naman niya ang opurtunidad upang mas maging maayos ang buhay. At dasal din niyang hindi pagkakulong ang gumising sa ibang tao bago matuto sa mga pagkakamali.
Dahil oras ang pinakamatinding kalaban natin sa mundo, mabuhay tayo ng marangal at may takot sa Diyos.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!