Balak ng Lalaking Ipakalat ang Lahi Niya Kahit Wala Siyang Planong Magbigay ng Suporta; Matindi ang Balik ng Karma sa Kaniya

Balak ng Lalaking Ipakalat ang Lahi Niya Kahit Wala Siyang Planong Magbigay ng Suporta; Matindi ang Balik ng Karma sa Kaniya

InspiringKarmaStories

“Alvin, buntis ako,” malungkot na wika ni Samantha sa nobyo.

“Gano’n ba? It’s a blessing kaya huwag kang malulungkot,” masayang sambit ng lalaki ngunit sa totoo ay namomroblema ito. Pang-tatlong girlfriend niya si Samantha, na nagsabing buntis ito ngayong taon.

Paano ba nabubuntis ang mga ito kung naglalagay naman siya ng proteksyon sa t’wing nakikipag-niig siya sa kaniyang mga nobya? Hahanap siya ng paraan upang takasan ang kaniyang obligasyon. Hindi pa siya handang maging ama at asawa. Mas masarap ang buhay binata, walang obligasyong iniisip at malayang nakakapili ng babaeng iyong mamahalin.

“Alvin, kailangan ko ng pera para sa pre-natal check up ko ngayong Martes. Kailan mo ba ako bibigyan? Lagi ka na lang nangangako wala ka namang naiaabot,” inis na wika ni Samantha sa kabilang linya.

“Pwede ba Samantha, kung gusto mong bigyan kita, maghintay ka! Hindi ko pinupulot ang pera sa kung saan,” inis ring wika ni Alvin. Patong-patong na ang problema niya dumadagdag pa ‘to si Samantha.

“Pwede ko bang sabihin iyon sa papa-check-up-an ko? Huwag akong singilin dahil hindi ko pinupulot sa kung saan-saan ang pera. Sir*ulo ka pala e. Binuntis mo ako tapos nahihirapan kang suportahan ang anak mo. Kailangan ko ang pera bago pa dumating ang Martes, kung hindi mo maibibigay iyon ay magpahiyaan na tayo!” Gigil na wika ni Samantha sa kabilang linya saka pabagsak na ibinaba ang tawag.

Agad na nilamukos ni Alvin ang papel na nasa kaniyang harapan. Saan siya kukuha ngayon ng pera? Si Anna ay kailangan ding magpa-check up sa Huwebes. Si Karen naman sa Lunes. Nahihirapan na siya at hindi na niya alam ang gagawin.

Sa kawalang maisip ay pinunit ni Alvin ang kaniyang sim card. Magpapalit na lamang siya ng sim card at babaguhin ang kaniyang mobile number. Sa paraang iyon ay hindi na siya matatawagan pa ng tatlong babaeng kaniyang sabay na nabuntis. Upang mas lalong hindi na siya mahanap ng tatlo ay lumipat na rin siya ng tirahan, mabuti na lamang talaga at walang nakakaalam sa pinagtatrabahuan niya.

Muling naging masaya ang buhay ni Alvin. Wala nang nanggugulo sa kaniya at nanghihingi ng pera. Ngayon ay may bago na naman siyang mga nobya. Sadyang masarap nga talaga ang buhay bilang single

Nasa date siya ngayon sa kaniyang pangalawang nobya na si Tina. Tatlo ulit ang kaniyang nobya si Tina, si Bea at si Jennifer. Ang araw ni Tina ay Lunes at Biyernes. Si Bea naman ay Martes at Huwebes, habang si Bea naman ay Meyerkules at Sabado, bakante ang Linggo.

“Namiss kita babe,” malambing na sambit ni Alvin sa nobya.

“Namimiss rin kita araw-araw, babe. Bakit kasi hindi na lang tayo araw-araw magkita?” may himig tampong wika ni Tina.

“Hindi pwede, babe. Alam mo naman ang work ko ‘di b—”

“Work!” Biglang singit ng boses babae.

“Sino ka? Bakit nangingialam ka sa usapan namin ng nobyo ko?” Takang tanong ni Tina sa babaeng may kargang bata, gulat na gulat naman ang mukha ni Alvin nang makita ang babae.

“Bakit hindi mo ako ipakilala sa babe mo, Alvin?” wika ni Samantha.

“Sam, mag-usap na lang tayo nang tayo lang,” nakikiusap na sambit nito.

“Hindi. Dito tayo mag-usap sa harapan ng babe mo,” matigas na wika ni Samantha. “Ako lang naman ang nobyang binuntis ng nobyo mo at tinakasan. Take note, hindi lang ako ang ginawan niya ng ganito. Meron pang dalawa! Kaya kung ayaw mong magaya sa’min, ngayon pa lang ay layuan mo na ang walang kwentang taong ito!”

“Totoo ba ito, Alvin?” Galit na wika ni Tina.

“I can explain babe.”

“Explain mo mukha mo!” Gigil na wika ni Tina saka sinampal ng malakas si Alvin sabay alis.

Nang mawala si Tina sa paningin nila ay saka naman hinarap ni Alvin si Samantha.

“Kinakarma ka na, Alvin. Ang tagal ka naming hinanap para papanagutin sa ginawa mo sa’ming tatlo. Napakababoy mo! Hindi ko lubos maisip na nagmahal ako ng taong kagaya mong demonyo! Sa korte na lang tayo magkita at sisiguraduhin namin nina Anna at Karen na mabubulok ka sa kulungan!” Mahabang wika ni Samantha at bago tuluyang umalis ay iniwanan muna niya ito ng isang malutong na sampal.

Gaya nang sinabi ni Samantha kay Alvin ay naipakulong nga nila ang lalaki sa tulong-tulong na puwersa nilang tatlo nina Karen at Anna. Hindi dapat hinahayaan ang mga ganitong lalaki. Napaka-iresponsable at napaka-walang konsensya! Balak lang magpakalat ng lahi ngunit walang paninindigan, pinagsabay-sabay pa silang tatlo.

Laging tatandaan: May kabayaran ang lahat ng pagkakamaling iyong inutang sa iba. At ito na nga ang kabayaran sa lahat ng ginagawang kawalanghiyaan ni Alvin. Huwag tutularan!

More Stories