Inday TrendingInday Trending
Nagsimula sa Asaran

Nagsimula sa Asaran

Maganda ang gising ni Lovely ng umagang iyon. Maaga siyang nagising at mukhang lumaklak yata ng enervon ang kanyang espiritu habang tulog siya dahil milagrong ang sigla-sigla niya. Hindi siya aligagang pumasok sa trabaho, ngiting ngiti lang.

Ngunit nagbago ang lahat nang makasalubong niya ang pinakakinaiinisan niyang tao sa balat ng lupa. Walang iba kundi si Mike. Hindi niya talaga mawari kung bakit pero mukha palang nito ay sirang-sira na ang araw niya.

“Hi, magandang umaga binibini.” nakangising bati nito sa kanya. Ito ang kinaiinisan niya sa lalaki, ang antipatiko nitong pagmumukha.

“Ano naman ang ikinaganda ng umaga?” ismid niya.

“Ang araw at ikaw,” anito na ikinataas ng balahibo niya sa batok.

“Kadiri!” wika niya at mabilis na naglakad upang lampasan ito.

“Bakit? Maganda ka naman talaga ah,” habol pa nito sa pang-aasar sa kanya.

“Oh! Shut up, hindi ko hinihingi ang opinyon mo!” inis niyang sambit. Tanging mahinang tawa lang naman ang tinugon nito at hindi na nagasalitang muli.

Kung hayop lang silang dalawa ay baka isa silang aso’t-pusa. Minsan man ay hindi nagkatagpo ang loob nila, laging mainit ang ulo niya sa lalaki kahit lagi itong nakangisi kapag kaharap siya.

“Oy, Lovely balita ko imbitado ka daw sa kasal ni Princess at Rex, sabi nila isa ka daw sa mga abay.” kausap sa kanya ni April, ang kanyang officemate.

“Talaga ba? Kailan daw ‘yon?”

“Sa susunod na huwebes,” anito.

“Sasama ka rin ba? Sasabay nalang ako sa’yo,” nakangiti niyang sambit.

“Oo ba, walang problema.”

Dumating na nga ang Huwebes, ang pinaka-importanteng araw nina Princess at Rex, ang engrandeng kasal ng mga ito. Pareho niyang kasamahan sa trabaho ang dalawa at saksi siya sa love story nila. Naka-pila na siya kasama ang mga magiging abay din ng biglang may tumabi sa kanya at nagsalita.

“Hanep, si crush pa talaga ang partner ko.”

Hindi na niya kailangan pang lumingon upang kumpirmahin kung tama ba ang kanyang hinalang si Mike ang nagsasalitang iyon. Boses palang nitong tunog palaka ay kilala na niya. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay at lumamukos ang kanyang mukha.

“Bakit ka nandito?”

“Nandito ako para sa’yo,” walang kagatul-gatol nitong sagot.

“Hindi kita kialangan. Kaya sa iba kana lang manira ng araw,” asik niya.

“Sinisira ko ba? Ang gusto ko lang naman ay buuin ang araw mo.”

Naha-highblood na yata siya dahil bigla-bigla ay nanakit ang kanyang batok dahil sa lalaki.

Walang siyang nagawa, ito na nga kanyang naging kaparehang maglakad sa gitna patungong altar.

Nang matapos ang kasal ay agad na lumipat ang lahat sa reception. Nagkakagulo ang mga kababaihan dahil sa bulaklak ng bride. Wala naman siyang interes makipag-agawan kaya nanatili na lamang siya sa kanyang inuupuan nang bigla-bigla ay sa kanya iyon napunta.

“Ay ano ba naman ‘yan. Kami na halos makipagtulakan masalo lang ‘yan ay hindi pinalad.” reklamo ng ilang nakipag-agawan sa bulaklak.

Kung maaari lang niyang ibalik iyon sa bride ay ginawa na niya. Hawak-hawak ang bulaklak na kusang napunta sa kanya ay muntik na siyang mabuwal sa kinatatayuan ng lumapit sa kanya si Mike habang nakangisi at hawak-hawak ang garter ng groom.

“Sabi ko na nga ba. Ikaw talaga ang destiny ko e,” anito sa malakas na paraan. Hindi na kailangan pa ng mikropono dahil boses palang nito ay sapat na upang marinig ng lahat.

“Maghunsdili ka nga!” sigaw naman niya dahilan upang magtawanan ang lahat.

“Bagay na bagay talaga kayo,” kantiyaw pa ng mga ito.

Hindi na lamang niya pinansin pa ang mga panunukso at nagfocus nalang siya sa emcee dahil sinasabi nito kung ano ang larong gagawin nila ni Mike. Labag man sa kalooban niya’y ayaw naman niyang maging KJ. Nang kinagat na nito ang nakuhang garter gamit ang bibig ay napapangiwi siya sa pandidiri at inis.

“Huwag na huwag mong ilalapat sa balat ko ang labi mo, kung ayaw mong p*atayin kita.” pagbabanta niya pa.

Simula noon ay hindi na siya tinantanan ng lalaki. Halos araw-araw na itong nang-iistorbo sa kanya. Palagi niya naman itong itinataboy at sinusungitan.

Ngunit isang araw ay bigla na lamang itong hindi nagpakita at nagparamdam sa kanya. Ipinagpasalamat naman niya ang bagay na iyon dahil wala nang mang-iinis sa kanya. Pero nang kinabukasan ay wala parin ito, nagtaka na siya at nanibago. Hindi niya malaman ngunit hinahanap niya ang presensiya ni Mike. Ang nang-iinis nitong ngiti, ang boses palaka nitong boses, at kung anu-ano pa.

Makalipas ang tatlong Linggo ay saka lamang ito nagparamdam sa kanya. Ngunit hindi na ito katulad ng dati na sobrang sigla at lagi siyang iniinis. Tahimik na lamang ito at umiiwas.

May nagawa ba siyang kasalanan sa lalaki? Na-miss pa naman niya ito tapos gano’n nalang bigla ang pakikitungo nito.

“Anyare sa kanya?” takang tanong niya sa sarili.

Halos isang Linggo na itong nawala at kakabalik lamang nito ngunit ang tignan siya ng deretso sa mga mata ay hindi nito magawa, iniiwasan siya ni Mike at apektado siya. Hanggang sa hindi na siya nakatiis ay kinumpronta niya ang lalaki.

“Anong problema mo?”

“Ha? Wala naman. Bakit?” pormal na sambit nito.

“Bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako?”

“Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Narinig kita noon, sabi mo kay April. Naaalibadbaran kana sa’kin at naiinis kana talaga. Araw-araw ko nalang sinisira ang mood mo, ginagawa kitang libangan. Habang tuwang-tuwa ako ay naha-hihgblood ka. Sabi mo pa, kailan ako magsasawa sa pang-iinis at pang-iistorbo ko sa’yo. Ito na ‘yon,” anito. Bahagyang kinurot ang puso niya sa sakit na nabasa niya sa mga mata nito.

“Iniiwasan na kita hindi na kita ini-istorbo, dapat maging masay-”

“Mas masaya ako kapag nand’yan ka.” putol niya sa sasabihin nito. “Noong bigla ka nalang hindi nagparamdam ay nanibago ako, hinahanap-hanap ko ang pangungulit mo at ang pang-iinis mo. Ang mga corny mong hugot, ang boses mong tunog palaka, ang lahat. Namiss ko ang lahat, kaya nasasaktan ako kasi iniiwasan mo ako pagkatapos mo akong sanayin na nand’yan ka.” mangiyak-iyak niyang wika. “Mahal na kasi yata kita e,” hindi na niya napigilan ang hindi umiyak.

Nilapitan naman siya nito at niyakap ng mahigpit. “Anong sinabi mo? Hindi ko narinig e.”

“Ang sabi ko, mahal na yata kita.” ulit naman niya.

“Mahal din kita Ms. Lovely,” anito saka ginawaran ng magaan na halik ang kanyang noo. “Mahal na mahal kita.” ulit pa ni Mike.

Sadyang nakakawindang ang pag-ibig. Hindi natin kayang hulaan kung sino ang pwedeng ibigin ng nakakalito nating puso.

Images courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement