Sunod-sunod ang Dagok sa Buhay ng Lalaki Kaya’t Nais na Niyang Sumuko; Isang Aksidente ang Nagpanumbalik sa Kaniyang Lumalamlam na Pag-asa

Hindi magandang balita ang bumungad kay Charles nang umagang iyon. Ipinatawag siya sa opisina ng kaniyang boss.

“Medyo hindi maganda ang performance mo lately. Three consecutive quarters nang hindi ka nakakabenta. What’s wrong?” tanong sa kaniya ng boss.

Si Charles ay nagtatrabaho sa isang malaking insurance and life plan company. Kamakailan lamang ay sumakabilang-buhay ang kaniyang mga magulang dahil nasunog ang kanilang bahay dahil sa napabayaang rice cooker. Naghiwalay pa sila ng kaniyang long-term girlfriend dahil nahuli niya itong may ibang kaharutang lalaki sa chat.

“Sorry Sir… medyo wala lang ako sa focus lately. Pero babawi po ako, promise po iyan,” nahihiyang sabi ni Charles.

“Look at yourself, Charles. Mukhang nakainom ka pa… hindi ba bawal pumasok dito sa opisina na tipsy? I think kailangan mo munang magpahinga. I’m giving you an option. Kailangan mo muna sigurong magpahinga, you know, just breathe some fresh air,” sabi ng boss ni Charles.

“W-What do you mean Sir?” kinakabahang tanong ni Charles.

“Kailangang mag-lay off ng ibang empleyado ng kompanya dahil sa nangyaring krisis dahil sa pandemic. So… our big bosses have decided na magtanggal ng mga empleyado na hindi maganda ang performance simula first quarter and so on. And isa ka roon, Charles,” paliwanag ng boss.

“You can’t do this to me, sir. I’ve been a good employee naman po,” naluluhang sabi ni Charles.

Advertisement

“But you are still under probationary status dahil hindi ka pa naman regular. Bukod sa sales, tiningnan din naman sa Human Resources ang mga lates and absences mo. Lagpas ka na sa itinakdang lates and absences. I’m sorry Charles. I’m giving you three days para tapusin ang mga dapat mo pang tapusin at i-endorse ang mga requirements sa papalit sa iyo,” panuto ng boss.

“What if hindi ko gawin?” tanong ni Charles.

“Then hindi kami magbibigay ng certificate of employment sa iyo. Hindi ka namin mabibigyan ng clearance. Common, Charles. Gawin mo namang graceful exit. You’ve been our good employee naman, sabi mo nga. So please… do your job until the end. You have three days.”

Walang nagawa si Charles. Tama naman ang boss niya. Hindi naging maganda ang performance niya dahil sa mga nangyari sa kaniyang personal na buhay. Naging pasaway siya. Maraming liban at pagkahuli sa pagpasok sa trabaho. Minsan, tipsy o nakaiinom pa kapag pumapasok sa opisina.

Sumakay si Charles sa kaniyang motorsiklo. Wala siya sa sarili. Pinaharurot niya ito. Hindi niya nakikita ang mga sasakyan sa daan. Wala siya sa pokus. Parang gusto na lamang din niyang mawala sa mundo at sumama sa kaniyang mga magulang. Isinisi niya sa sarili ang mga nangyari. Naging pabaya siyang anak. Wala siyang kuwentang anak.

Hanggang sa hindi namalayan ni Charles na maling lane na pala ang kaniyang binabaybay. May nakasalubong siyang malaking kotse. Bumangga siya rito at tumilapon ang kaniyang helmet. Nagdilim ang lahat sa kaniya…

Pagdilat niya ng kaniyang mga mata, nabungaran niya ang puting kisame ng kuwarto sa ospital na kaniyang kinahihigaan. Iginala niya ang kaniyang paningin. May lumapit sa kaniyang isang magandang babae.

“Mabuti naman at gising ka na… dalawang araw ka nang walang malay. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Nabangga kita. Handa ako sa anumang kasong ihahan mo laban sa akin,” sabi ng babae, na tantiya niya ay kaedad din lamang niya.

Advertisement

“Ano bang nangyari sa akin Miss?” tanong ni Charles.

“I’m Erika nga pala. Nagkasalubong tayo sa isang lane. Nabangga kita at tumilapon ka. Maayos naman daw ang lagay mo sabi ng doktor. Pasensiya ka na sa akin. Hindi rin kasi ako nakapagmenor dahil kakatuto ko lamang kung paanong mag-drive,” sinsero ang babaeng nagngangalang Erika sa paghingi niya ng tawad.

“Ganoon ba? Sana tinuluyan mo na lamang ako. Sana hinayaan mo na lang ako… walang silbi ang buhay ko. Walang kuwenta. Basura…” at hindi napigilan ni Charles ang maging emosyunal. Lumapit naman ang babae, kumuha ng panyo, at pinunasan ang kaniyang mga luha.

“Huwag kang ganiyang magsalita. Ano ka ba? Maganda pa rin naman ang buhay. Minsan nasa itaas tayo pero minsan nasa ibaba rin. Life is like a wheel, hindi permanente ang lahat. Kaya hangga’t humihinga ka, may pag-asa pa. Don’t lose your hope,” pagpapayo ni Erika.

“Kaya mo nasasabi iyan dahil hindi mo naranasan ang mga pinagdaanan ko. Hindi mo alam ang kuwento ko,” sabi ni Charles.

“Yes, totoo naman. Iba ang kuwento ko sa kuwento mo. Huwag kang mag-alala. Ikukuwento ko sa iyo kapag malakas ka na,” nakangiting sabi ni Erika.

Hindi siya iniwan ni Erika hangga’t hindi siya gumagaling. Kargo de konsensiya raw niya kasi kung pababayaan siya nito. Ito na rin ang nagbayad ng kaniyang hospital bills at mga gamot. Binayaran din nito ang nasira niyang motorsiklo. Naging magkaibigan sina Charles at Erika.

Sa pagdaan ng mga araw, nagsimula nang magsalaysay ng kaniyang buhay si Erika. Hindi makapaniwala si Charles sa mga pinagdaanan nito noong bata pa lamang ito.

Advertisement

Dahil mayaman umano, nakaaway nila sa agawan ng yaman ang kanilang angkan. Naranasan na niyang makidnap, malagay sa alanganin ang buhay, at mapagsamantalahan. Subalit mas pinili umano ni Erika ang harapin ang lahat dahil kung magpapagupo siya sa problema, talong-talo na siya.

Sa ngayon, naipakulong daw niya ang mga kaanak na gumawa nang masama sa kaniyang mga magulang. Pinili raw ni Erika na patawarin sila at patawarin ang kaniyang sarili.

Matapos ang ilang buwan, nahulog ang damdamin nila sa isa’t isa. Hindi man dumaan sa ligawan, nagpasya silang maging magkasintahan. Muling nagkaroon ng direksyon ang buhay ni Charles dahil sa pagdating ni Erika sa kaniyang buhay. Sino bang mag-aakalang manunumbalik ang lahat pagkatapos ng isang trahedya?

“Hindi ako naniniwalang walang aksidente sa buhay natin. Kasi sa aksidente kita nakilala eh,” biro ni Charles kay Erika.

“A beautiful disaster. Mahal na mahal kita, asawa ko,” paglalambing ni Erika kay Charles.

Nakahanap ulit ng mas magandang trabaho si Charles, at matapos makaipon, nagpasya sila ni Erika na magpakasal na. makalipas ang dalawang taon, biniyayaan na sila ng isang guwapong supling.