Inday TrendingInday Trending
Nakagawa ng Labag sa Batas ang Matalik na Kaibigan ng Lalaking Ito; Pagtakpan Kaya Niya ang Kasalanan Nito?

Nakagawa ng Labag sa Batas ang Matalik na Kaibigan ng Lalaking Ito; Pagtakpan Kaya Niya ang Kasalanan Nito?

Sanggang-dikit.

Mula pagkabata pa lamang ay magkaibigan na sina Jojo at Charlie. Sabay silang naglaro, nagpat*li, at sabay na nagbinata. Alam nila ang kalakasan at kahinaan ng isa’t isa. Maging ang mga magulang nila ay magkakaibigan din.

Ngunit nang sumapit ang kanilang buhay-kolehiyo, napaghiwalay sila sa isa’t isa. Mas pinili ni Jojo na huwag nang tumuloy sa pag-aaral dahil nang mga panahon na iyon ay kumikita na siya sa kaniyang hanapbuhay bilang part-time model. Mas gusto niyang gamitin ang kaniyang kaguwapuhan upang kumita ng pera.

Si Charlie naman, tumuloy sa kursong Business Management.

“Hoy loko ka… kung kani-kanino ka nagpapagamit. Sinong beking direktor na naman ang nakatikim sa iyo para magkaroon ka ng raket?” minsan ay untag ni Charlie sa kaniyang kaibigan nang magkita sila. Bago na naman kasi ang cellphone nito.

“Eh… huwag kang madaldal ah… pumayag akong maging sugar baby ni…” at ibinulong ni Jojo ang pangalan ng beking direktor sa kaibigan.

“Ha? Beki pala ‘yun? Hindi ba’t siya ang direktor ng pelikulang kakatanggap lamang ng prestihiyosong parangal sa ibang bansa?” gulat na gulat na tanong ni Charlie.

“Oo, siya nga. Eh wala eh… guwapo at yummy talaga itong kaibigan mo. Siya naman ang lumapit. Bibigyan niya ako ng career at mga raket. Basta ang kapalit, alam mo na… papayag akong ibahay niya at gawin ko ang mga gusto niya,” pamamalaki pa ni Jojo.

“Hoy Jojo, sinasabihan kita ha. Mag-ingat ka sa mga pinaggagagawa mo. Baka mamaya, mapahamak ka niyan. Payong kaibigan lang. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo kaya dapat may kapote ka ah…” payo ni Charlie kay Jojo.

“Oo naman, huwag kang mag-alala. Maingat din naman ako,” wika ni Jojo.

“Sige lang ‘tol… kung ano ang mas makabubuti sa iyo. Malaki ka na,” saad naman ni Charlie. Hindi naman niya makokontrol ang mga kilos at desisyon ng kaniyang kaibigan.

Makalipas ang dalawang buwan, nawalan ng balita at komunikasyon si Charlie kay Jojo. Naging abala na rin kasi siya sa pag-aaral.

Ngunit isang gabi, nagulat siya nang biglang humahangos na nagpunta ang kaibigan sa kaniyang apartment. Parang balisang-balisa ito.

“Anong nangyari sa iyo?” tanong ni Charlie sa kaibigan.

“‘T-Tol… kasi si direk… yung kinakasama ko… hindi ko na gusto ang mga kababuyan na pinapagawa niya sa akin,” naiiyak na kuwento ni Jojo sa kaibigan. “Napakahayop niya. Nakakadiri siya, ‘tol… may mga bagay na weirdo sa kaniya at iyon ang gusto niyang ipagawa sa akin, kasama ang mga kaibigan niya…”

Napansin ni Charlie na may bahid ng dugo ang damit ni Jojo.

“Bakit may mga tilamsik ng dugo ang damit mo? May ginawa ka ba sa kaniya?”

“T-Tol… nagdilim kasi ang paningin ko noong pilit niyang ipinapapasok sa likuran ko ang binili niyang pipino… hindi ko kinaya… napukpok ko ng lampshade ang ulo niya, saka ako tumakas… tulungan mo ‘ko Charlie, ayokong makulong… ayokong makulong…” hindi magkandatutong pakiusap ni Jojo sa kaniyang kaibigan.

At nakumpirma na nga nila sa balita kung ano ang nangyari sa direktor. Laman na ito ng balita kinabukasan. Sumakabilang-buhay umano ito dahil sa natamong sugat mula sa ulo. Nawawala rin umano ang mga pera at alahas nito sa wasak na kaha de yero. Pinaghahanap ng mga awtoridad ang kinakasama nitong baguhang artista na si Jojo. Nalantad sa publiko ang kanilang lihim na relasyon.

“A-Anong gagawin ko Charlie… mababaon ako nang buhay sa lupa ng pamilya ko kapag nalaman nila ang pinasok ko… makukulong ako… makukulong ako…” natatarantang sabi ni Jojo sa kaibigan.

“Sa palagay ko, kailangan mong lumantad ‘tol, at depensahan ang sarili mo. May abogado naman na puwedeng magtanggol sa iyo. Sabihin mong ipinagtanggol mo lamang ang iyong sarili…”

Subalit ayaw lumantad ni Jojo.

“Ikubli mo na lamang ako rito, Charlie. Magkaibigan tayo. Tutulungan mo ako, ‘di ba?”

Natahimik lamang si Charlie. Tumango na lamang siya.

Ngunit makalipas ang isang araw…

“Hayop ka Charlie… magkaibigan tayo… pero bakit mo ako ipinagkanulo? Ngayon, narito ako sa kulungan….” galit na sumbat ni Jojo sa kaibigan.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Jojo. Isinuplong siya ni Charlie.

“Kaibigan kita, Jojo. Kaya ko ito ginawa. Mas lalo mo lamang ipapahamak ang sarili mo kapag hindi mo hinarap ang kaso mo. Kaibigan kita at nasasaktan ako sa nangyari sa iyo, pero hindi naman kita pababayaan, ‘tol. Narito ako para alalayan ka, kasama ng pamilya mo. Kung anuman ang maging konsekwensya ng mga nagawa at nangyari, maluwag nating tanggapin,” wika ni Charlie.

Napayuko na lamang si Jojo. Napaiyak siya.

“Patawarin mo ako, Charlie, kung dinamay pa kita sa kawalanghiyaan ko. Simula pagkabata natin, ikaw na talaga ang mas matuwid sa ating dalawa. Kung nakinig lang sana ako sa iyo noon, sana hindi ito nangyari sa akin. Sana wala ako sa bilangguan ngayon,” nagsisising pahayag ni Charlie.

Matapos ang paglilitis ay napatawang guilty si Charlie at tuluyang nakulong. Subalit maluwag niyang tinanggap ang lahat dahil nariyan si Charlie at ang kaniyang pamilya, na alam niyang nakaagapay sa kaniya.

Advertisement