Inday TrendingInday Trending
Nalulong sa Pagsusugal ang Misis Upang Maibsan ang Kalungkutan Dahil Hindi Sila Mabiyayaan ng Anak ng Kaniyang Mister; Ito Pala Ang Magiging Ugat ng Kanilang Tuluyang Paghihiwalay

Nalulong sa Pagsusugal ang Misis Upang Maibsan ang Kalungkutan Dahil Hindi Sila Mabiyayaan ng Anak ng Kaniyang Mister; Ito Pala Ang Magiging Ugat ng Kanilang Tuluyang Paghihiwalay

“Ano ba naman iyan, Imelda? Pagod na pagod na nga ako sa trabaho, sardinas lang ang ulam natin?” galit na sumbat ng mister na si Dado habang hawak nito ang platong ipinantaklob sa mangkok na may lamang sardinas. Nasa kaniyang kuwarto naman si Imelda at abala sa pagpunas ng mga mitsa ng mahjong na lagi nilang nilalaro ng kaniyang mga kumare.

“Eh, hindi na ako nakapagluto kanina. Saka hindi naman kasi marunong magluto si Irma, hayaan mo tuturuan ko iyang magluto,” sagot ni Imelda sa mister. Si Irma ang 18 taong gulang na dalagang malayong kaanak ni Imelda, na nakiusap na manilbihan sa kanila bilang kasambahay.

Pumasok si Dado sa loob at kuwarto at hinarap si Imelda.

“Paano kasi, puro ka na lang mahjong! Wala ka nang inatupag kundi magsugal. Napapabayaan mo na ang mga gawaing-bahay dito. Ano bang nakukuha mo sa paglalaro niyan?” galit na tanong ni Dado sa kaniyang asawa.

“Ano bang pakialam mo? Dito ako masaya. Eh kung may anak na sana tayo ngayon eh di sana hindi ko na kailangan pang maghanap ng ikalilibang?” galit naman na sagot ni Imelda.

“Ah… ngayon sinusumbat mo sa akin na baog ako at hindi kita mabigyan ng anak kaya ka nagkakaganyan ganoon ba? Akala ko ba, tanggap mo iyon?”

“Oo, Dado. Tanggap ko na inutil ang s*milya mo. Pero hindi mo masisisi sa akin na hindi malungkot. Walang babaeng may asawa na hindi naghangad na maging isang ina. Tandaan mo iyan!” sumbat ni Imelda kay Dado.

At doon na natapos ang kanilang pag-uusap. Nasaktan si Dado sa mga sinabi ni Imelda. Ayaw ni Imelda ang pag-aampon.

Tatlong taon nang kasal sina Dado at Imelda. Sa pangalawang taon ng kanilang pagsasama, nagtataka sila kung bakit hindi pa sila binibiyayaan ng supling. Nagsayaw na sila sa Obando, Bulacan at ginawa ang lahat ng ritwal, subalit wala talaga. Hanggang sa pareho na silang nagpakonsulta sa espesyalista. Napag-alamang baog si Dado.

Dahil naiinip sa tuwing wala ang asawa dahil sa pagtatrabaho, natutong magsugal si Imelda, sa aya na rin ng kaniyang mga kaibigan. Kahit paano, naiibsan ang kaniyang kalungkutan. Kaya kinuha rin niya bilang kasambahay ang malayong kaanak na si Irma upang may mag-asikaso sa mga gawaing-bahay kapag sakaling ginagabi siya sa pag-uwi mula sa pagmamahjong.

Isang gabi, nangalabit si Dado. Todo naman ang pagtanggi ni Imelda.

“Sige na… ang tagal na nating walang loving-loving eh, mas nahahawakan mo pa ang mga piyesa mo sa mahjong kaysa sa akin,” nag-aakit na bulong ni Dado sa misis.

“Tigilan mo nga ako, Dado. Pagod ako. Saka wala ako sa mood,” matabang na tugon ni Imelda. Bumaling siya sa kabila upang iwasan ang mukha ng mister.

“Eh lagi ka namang wala sa mood eh. Sige na…” muling pagtatangka ni Dado.

“Huwag na. Magkamay ka na lang. Sayang din naman. Wala naman tayong mabubuo,” pakli ni Imelda. Nagtiim ang mga bagang ni Dado. Napahiya. Wala namang pakialam si Imelda kung nasaktan man ang ego ng mister. Totoo naman ang kaniyang sinasabi.

Ang totoo niyan, gustong-gusto na rin ni Imelda ang makipagtal*k ngunit hindi sa kaniyang mister. Iba ang pinapatansiya niya. Si Ernesto—ang bago nilang kalaro sa mahjong. Napakagaling kasi nito sa paglalaro ng madyong, guwapo, at iba kung tumitig kay Imelda. Gusto niyang iwaksi ang kaniyang mga iniisip, kasalanan iyon dahil may asawa na siya, subalit tao lamang siya. Babae siya na may pangangailangan.

“Ako na lang ang bubuntis sa iyo, Imelda. Tutal, wala namang kakayahan ang mister mo para makabuo na kayo,” minsan ay sabi ni Ernesto sa kaniya habang si Imelda ay nasa loob ng kotse nito.

“Hindi puwede. Gusto mo bang p*tayin ako ng asawa ko? Baog siya, at kapag nabuntis ako, tiyak na hindi maniniwala iyon na sa kaniya ang dinadala ko,” sagot ni Imelda.

“Kung gayon, hiwalayan mo na lang siya. Nasa batas iyon. Kapag ang mag-asawa ay hindi magkaanak, puwede silang mag-annulment. Hindi ka liligaya kay Dado. Sa akin, paliligayahin kita,” mapanuksong sabi ni Ernesto. Siniil ni Ernesto ng halik ang mga labi ni Imelda. Hindi na nakapagpigil pa si Imelda. Gumanti siya ng halik sa lalaki. Bahala na, nasa loob niya.

At nagpatuloy ang pakikipagrelasyon ni Imelda kay Ernesto. Hanggang sa isang araw, hindi dinatnan si Imelda. Makalipas ang isang buwan, napag-alaman ni Imelda na buntis na siya. Si Ernesto ang ama.

“Imelda… May asawa’t mga anak ako, alam mo iyan,” sabi ni Ernesto.

“Walang hiya ka! Matapos mo akong gamitin, hindi mo ako papanagutan?” galit na sumbat ni Imelda kay Ernesto.

“Bakit kita pananagutan? May asawa ka. May asawa ako. Ginusto naman natin ito. Kung gusto mo, sasamahan kita sa kakilala kong nagpapalaglag…”

Hindi na natapos ni Ernesto ang kaniyang sasabihin. Sinampal niya ito.

“Hindi ko ipalalaglag ang batang ito. Paninindigan ko ito. Bahala na kung hiwalayan ako ni Dado. Pero tandaan mo, kung sakali man, huwag na huwag kang maghahabol. Kung hindi, malalaman ng pamilya mo ang katarantaduhan mo,” banta ni Imelda.

Habang papauwi, iniisip ni Imelda kung paano niya sasabihin at ipagtatapat kay Dado ang lahat. Inihahanda na niya ang sarili para sa galit nito. Tatanggapin niya ang lahat. Siya naman ang nagtaksil.

Pagkauwi, nagulat siya sa kaniyang dinatnan: nakita niya sa kuwarto na nakapatong si Irma sa hubad na katawan ni Dado. May sarili kasi siyang susi kaya hindi na niya kinakailangang tawagin ang sinuman upang makapasok sa loob ng bahay.

Halos mapatalon sa gulat at takot sina Dado at Irma na agad dinampot ang kanilang mga saplot. Nagtatatakbo si Irma sa kaniyang sariling kuwarto at naiwan naman si Dado.

“M-Magpapaliwanag ako, Imelda… k-kasi…” hindi magkandatuto si Dado sa kaniyang pagpapaliwanag.

Subalit hindi makapagsalita si Imelda. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Wala siyang karapatang sumbatan si Dado ngayon dahil mas malala ang ginawa niya.

“H-hindi mo na kasi ako pinagbibigyan kapag nangangalabit ako, kaya akala ko may iba ka na… patawarin mo ako, Imelda. Hindi ko sinasadya, natukso lang ako, natukso lang ako…”

“Dado, patas lang tayo. Buntis ako sa ibang lalaki ngayon. Ako ang naunang nagkasala sa iyo. Patawarin mo ako….” putol ni Imelda sa asawa. Napahinto si Dado. Halatang nagulat sa kaniyang pag-amin. Hindi ito nakakibo subalit namula ang mukha, badya na nagalit ito.

“Oo, Dado. Nagkaroon ako ng karelasyon at nagbunga ang kasalanan namin. Patawarin mo ako…” tuloy-tuloy na pag-amin ni Imelda. Tuluyan nang bumalong ang kaniyang mga luha. Umigkas ang kamao ni Dado na susuntok sana sa mukha ni Imelda subalit nakapagpigil ito.

“P-pareho tayong may kasalanan sa isa’t isa. Siguro nga… hindi talaga tayo para sa isa’t isa…” umiiyak na sabi ni Dado.

Napagpasyahan ng dalawa na tuluyang maghiwalay dahil sa komplikasyon ng mga nangyari sa kanilang dalawa. Bumalik si Irma sa probinsiya. Nangibang-bansa naman si Dado. Mag-isa namang pinalaki ni Imelda ang anak nila ni Ernesto. Napakalaking aral ang natutunan ng dalawa sa lahat ng mga pangyayaring iyon.

Advertisement