Inday TrendingInday Trending
May Kapansanan na nga ay Nagawa pang Pagsamantalahan ang Kahinaan ng Dalagitang ito; Hustisya ang Sigaw ng Kaniyang Pamilya

May Kapansanan na nga ay Nagawa pang Pagsamantalahan ang Kahinaan ng Dalagitang ito; Hustisya ang Sigaw ng Kaniyang Pamilya

Buong araw nang napapansin ng Pamilya Alcaraz ang pagiging matamlay at malungkutin ng bunso nilang si Neneng. Ilang beses na rin nila itong tinanong kung ayos lang ba ito o kung may problema ba itong kinakaharap ngunit tanging walang buhay na pag-iling lamang ang palaging isinasagot nito sa kanila.

“Anak, kausapin mo naman ’yang kapatid mo. Baka sakaling sa ’yo man lang ay magsabi ng problema si bunso. Buong araw na kasi namin siyang tinatanong pero ayaw namang magsabi. Nag-aalala na kami ng papa mo sa kaniya, anak,” nang gabing iyon ay sabi ng ina nilang si Aling Vita sa panganay niyang anak na si Lito. Malungkot namang napatingin sa kapatid ang mapagmahal na kuya at agad itong nilapitan nang may pag-aalala.

Ipinanganak na pipi at bingi ang bunso at siyang nag-iisang babaeng anak nina Aling Vita at Mang Edgar na si Neneng kaya naman ganoon na lamang kung ituring itong prinsesa ng Pamilya Alcaraz. Ngunit kahit na may kapansanan ito ay ito pa rin ang palaging nagpapasaya sa kanilang araw dahil sa natural na pagiging palangiti at masayahin ni Neneng. Kaya naman buong araw nang binabagabag ng pag-aalala ang mag-asawa dahil sa pananahimik nito at pagiging matamlay.

“Bunso, may problema ka ba?” Gamit ang sign language ay tinanong ni Lito ang kapatid. “Sabihin mo naman kay kuya, oh. Hindi ba at magkakampi tayo?” dagdag pa niya upang pagaanin ang loob ng kapatid.

Nilingon naman ni Neneng ang kaniyang Kuya Lito. Inalala niya ang mga panahong naging sumbungan, kakampi at tagapagtanggol niya ito sa tuwing may mang-aapi sa kaniya. Dahil doon ay unti-unting nag-ulap ang mga mata ng pobreng dalagita at nagsimulang umiyak sa harap ng kaniyang Kuya Lito.

Bigla namang kinabahan si Lito sa naging asta ng kapatid. Pakiramdam niya ay may pumapalo sa kaniyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng kaniyang puso. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa nangyayari. Naging alerto si Lito. Agad niyang inilabas ang kaniyang cellphone upang i-record ang kung ano mang nakatakdang sabihin ng kaniyang kapatid ngayon. Itinapat niya rito ang camera ng kaniyang aparato.

“Bunso, huwag kang matakot. Nandito si kuya, walang mang-aapi sa ’yo hanggaʼt narito ako,” muling pangungumbinsi pa ni Lito sa kaniyang kapatid na si Neneng.

Doon ay inumpisahan nang sabihin ni Neneng ang kaniyang pinagdaraanan sa pamamagitan ng pagsa-sign language… at dahil doon ay nasiwalat ang trahedyang nangyari sa kaniya!

Biglang napamura si Lito nang isiwalat ni Neneng na siyaʼy biktima ng panggagah*sa!

Agad nilang ipina-check up ang kaniyang kapatid at lumabas ngang totoo ang sumbong nito! Halos madurog ang puso ng Pamilya Alcaraz sa sinapit ng kanilang bunso.

Agad silang nagsampa ng kaso. At dahil wala pang bente-kuwatro oras na nangyayari ang krim*en ay agad na dinampot ng mga pulis ang taong gumawa ng masama kay Neneng… at iyon ay walang iba kundi ang kanilang kapitbahay na si Leandro!

Umusad naman kaagad ang kaso, ngunit ayon sa nakuha nilang pampublikong abogado ay medyo mahina ang kanilang laban. Wala kasi silang ebidensya, bukod sa medico legal ni Neneng. Ni walang nakakita sa nangyari. Bukod doon ay mabilis na nakontra ng kabilang panig ang kanilang isinampang kaso, dahil kaagad itong nakapagbigay ng matibay na alibi.

Ang buong akala ng Pamilya Alcaraz ay hindi na nila makakamit pa ang hustisyang para kay Neneng, ngunit isang may mabuting loob na witness ang biglang lumitaw upang patunayan ang nangyaring krim*en!

Isang binatilyong menor de edad ang nakakita ng ginawang karahasan ni Leandro kay Neneng!

Nakuhanan pala nito ng video ang pangyayaring iyon at agad na isinumbong sa kaniyang mga magulang. Iyon nga lang ay ngayon lamang sila nagkaroon ng lakas ng loob na payagabg tumestigo ang kanilang anak sa takot na baka dito ibaling ni Leandro ang kaniyang galit.

Dininig ng Diyos ang panalangin ng Pamilya Alcaraz!

Kalaunan ay nakuha ng pamilya ang hustisya dahil agad na nahatulang guilty si Leandro sa salang panggagah*sa nito kay Neneng. Samantalang ang pamilya naman nina Aling Vita ay nagpasyang umalis na sa lugar na iyon upang magbagong buhay sa ibang bayan. Nais nilang makalimutan na ni Neneng ang trahedyang nangyari sa kaniya noon kaya naman gumawa sila ng paraan upang makalipat sa ibang lugar.

Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na si Neneng at hindi na gaanong apektado ng naturang insidente. Dahil iyon sa pagpaparamdam nila ng kanilang lubos na pagmamahal at pagsuporta kay Neneng.

Advertisement