Inday TrendingInday Trending
Babaeng Mababa Ang Lipad

Babaeng Mababa Ang Lipad

Isang pick-up girl si Mhia, tuwing gabi ay nakatayo siya sa Avenida, Recto upang maghanap ng customer. Kumita lang siya dalawang libo isang gabi ay okay na. Malaking halaga na iyon para sa kaniya na isang kapos palad.

“Kuya, kahit pang-kape lang,” alok ng kaibigan niyang si Libeth sa lalaking dumaan sa tapat nila. “Dali na kuya, ano lugi ka pa ba?” muling wika nito nang tanggihan ng lalaking hindi nila kilala.

“Pasensiya na po ate,” magalang na pagtanggi ng lalaki at nilampasan na ang babae.

“Hay! Kainis talaga ang tumal ngayon!” naasar na wika ni Libeth.

“Hayaan mo na besh, ang mga tindahan nga ay matumal ngayon, tayo pa kayang laman ang binibenta? Hindi naman kasi araw-araw ay pasko,” saad ni Mhia na panay ang scroll sa selpon habang nagsasalita.

“Tsk! Sabagay, kailangan na kailangan ko kasi talaga ng pera ngayon. May sakit ang papa ko kaya kailangan ko ng pera para maipagamot siya. Ang hirap maging mahirap besh ‘no? May yumayaman ba sa katulad natin na nagbebenta ng laman?” wika nito dahilan upang matawa ang kaibigan.

“Besh, may p*pok ka bang kilala na yumaman? Maliban na lang kung mag-aabroad tayo o ‘di kaya mag-asawa tayo ng kano baka pwede pa. Pero kung dito lang tayo sa Avenida malabong mangyari ‘yon,” sagot ni Mhia.

“Bakit kasi ipinanganak tayo sa mahirap na t*ti at lumabas sa kapos-palad na p*ki!” seryosong sabi ni Libeth sabay nagtawanan na lang silang dalawa. Kahit kailan talaga ay bastos ang bunganga nito.

Tatlong araw nang hindi tumatambay si Libeth sa pwesto nila, kataka-taka dahil alam ni Mhia na nangangailangan ito ng pera.

“Hoy! Mhia, alam mo bang na ospital ang bestfriend mo? Dalawang araw na ang nakakalipas, binugbog ng kustomer niyang pinagnakawan niya dati. Ayon komatos si bruha, buti nakatakas siya. Nakatalon siya sa bintana. Akalain mo iyon tinalon niya ang apat na palapag mailigtas lang ang sarili?!” kwento ng isa pa nilang kaibigan.

“Nasaan siya ngayon?” nag-aalala niyang tanong.

“Nadoon sa ospital, puntahan mo na lang bukas bawal na kasing dumalaw ngayon,” tugon nito tsaka nagpaalam ng pag-alis.

Kinabukasan ay dinalaw niya si Libeth sa Jose Reyes Hospital, nais niyang makita ang lagay nito. Bakit ngayon pa ito naaksidente kung kailan kailangan ito ng papa nitong may sakit.

“Besh, huwag mong sasabihin sa pamilya ko na narito ako ah? Kapag nagtanong sabihin mo sumama ako sa boyfriend ko sa Pangasinan o sa kahit saan basta iyong kapani-paniwala,” pakiusap ni Libeth.

“Ano ba naman kasing kag*gahan ang ginawa mo?! Bakit hindi mo tinandaan ang itshura ng lalaking ninakawan mo?” nag-aalala niyang wika.

“Ano ka ba matatandaan ko ba silang lahat? Gabi-gabi iba’t-ibang lalaki ang customer ko,” nakangiting sagot nito.

May bali si Libeth sa paa at bali rin ang kaliwang braso nito. May malalaking pasa ang mukha, at may malaking sugat sa kaliwang bahagi ng katawan.

“Buti nga buhay pa ako e, hindi nauna ang ulo ko nung bumagsak ako kaya ito paa ko lang ang nadisgrasya. Masamang damo besh kaya matagal lumisan sa mundo,” biro pa nito na agad niyang sinaway.

“Magbagong buhay ka na kapag nakalabas ka sa hospital na ito. Baka kasi balikan ka ng lalaking iyon,” suhestiyon ni Mhia sa kaibigan.

“Besh, alam mong hindi pwede. Lalo na ngayon. Gustong-gusto ko na ngang lumabas e, alam mo naman na kailangan ako ng pamilya ko,” paliwanag ng kaibigan.

Sadyang matigas ang ulo ng kaibigan dahil makalipas ang tatlong linggo ay bumalik na naman ito sa tambayan nila. Kahit pilit niya itong sinasaway ay lagi nitong dahilan ang kahirapan ng pamilya. Maayos naman ang takbo ng pagbebenta nila ng puri. Kumikita ng malaki at minsan naman ay matumal.

Ngunit muli ay bigla na namang hindi nagpakita ang kaniyang kaibigan sa pwesto nila. Huling beses niyang nakita ito ay noong sumama ito sa isang customer na may kotse. Hindi niya maiwasang mag-alala, kaya agad siyang pumunta sa bahay ni Libeth, ngunit wala daw ito roon. Apat na araw na daw itong hindi umuuwi. Hinihiling niyang sana ay walang nangyaring masama sa kaibigan. Ipina-blotter na nila sa pulis ang pagkawala nito.

Makalipas ang dalawang araw ay biglang may tumawag sa kaniya. Pinapapunta siya sa Morgue, may babae daw kasing nakita sa gitna ng daan, nakatali ang kamay sa likod at wala nang buhay.

Pagdating niya sa Morgue ay agad niyang nakilala ang kaibigan kahit bubog sarado ang mukha nito. Awang-awa siya sa sinapit ng kaibigan kaya agad na nag-unahan sa pag-agos ang kaniyang mga luha.

“Libeth, paano namin makukuha ang hustisya sa pagkawala mo? Walang nakakakilala sa lalaking sinamahan mo noong gabing huli ka naming nakita,” humahaguhol niyang iyak habang yakap-yakap ang malamig na katawan ni Libeth.

Dahil sa tulong ng mga CCTV footage sa iba’t ibang establisimento. Natukoy ang plate number at pagkakakilanlan ng lalaking gumawa ng karahasan kay Libeth. Napag-alaman na dealer pala ito at gumagamit din ng ipinagbabawal na gam*t. Isang tinuturong dahilan kung bakit nito winalangya si Libeth.

Panghabang buhay na pagkakakulong ang ipinataw sa lalaki. Nakahinga naman ng maluwag ang pamilya ni Libeth mula ng mabigyang hustisya ang kanyang pagpanaw.

Dahil sa takot na baka magaya siya sa kaibigan ay iniwan ni Mhia ang kaniyang trabaho at umuwi na lang sa probinsya upang mag-bagong buhay. Doon, nagsimula siyang magtrabaho ng marangal bilang kahera sa isang restawran. Mananatiling isang aral sa kaniya ang nangyari sa kaibigan at ipinangakong hindi-hindi na muling babalik sa maduming gawain.

Advertisement