Inday TrendingInday Trending
Ginantihan ng Lalaking Ito ang Taong Dahilan ng Pagkawala ng Kaniyang Ama, Pagsisisi ang Dumaloy sa Dugo Niya

Ginantihan ng Lalaking Ito ang Taong Dahilan ng Pagkawala ng Kaniyang Ama, Pagsisisi ang Dumaloy sa Dugo Niya

“Saan ka magpupunta, mahal? Gabing-gabi na, ha?” pang-uusisa ni Faye sa kaniyang asawa, isang hatinggabi nang makita niyang nagbibihis ang kaniyang asawa ng mga itim na kasuotan.

“Bibigyan ko lang ng hustisya ang pagkawala ng tatay ko. Ang bagal kumilos ng mga pulis, eh. Hindi ko na masikmurang makitang normal na nabubuhay ang lalaking ‘yon!” sagot ni Jerik habang naghahanap ng mga patalim na daldalhin.

“Jerik, naman! Ipaubaya mo na ‘yan sa mga pulis! Malalagay ka lang sa alanganin, eh! Sigurado naman akong hindi gugustuhin ni tatay na mapahamak ka makuha lang ang hustisya niya!” wika ng asawa niyang labis niyang ikinainis.

“Tumigil ka nga sa kakakontra riyan, Faye, ha! Wala kang maitutulong dito!” sigaw niya pa rito.

“Paano kami ng mga anak mo kapag napahamak ka, ha?” tanong nito sa kaniya ka ikinabuntong-hininga niya.

“Hindi ako mapapahamak, tabihan mo na ang mga bata roon at baka magising pa dahil sa bunganga mo!” utos niya rito saka agad nang umalis ng kanilang bahay, hinabol man siya ng asawa, wala itong nagawa upang pigilan siya.

Isang buwan na simula nang mawala ang tatay ng padre de pamilyang si Jerik dahil sa isang kr*meng hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan at nasosolusyunan ng mga pulis.

Ito ang dahilan para naisin niyang siya na mismo ang tumuldok dito at mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng kaniyang ama.

Alam naman nilang lahat na magkakapatid kung sino ang taong nasa likod ng pagkawala ng kaniyang ama. Ito ang kalaban nito sa pagkakapitan sa kanilang lugar na galit na galit at talaga nga namang naninira sa kaniyang ama simula pa lamang noong umingay ang pangalan nitong maaaring maging konsehal sa susunod na halalan.

Wala man silang ebidensyang matagpuan sa pagkawala ng kaniyang ama, sigurado siyang ito ang may pakana dahil noong araw na sumakabilang buhay ito, ang taong iyon ang huling kasama ng kaniyang ama sa isang handaan.

Ngunit dahil nga mayaman din ang taong ito at napakalinis ng ginawang krim*n, wala silang mahanap na ebidensya. Kahit CCTV video sa lugar kung saan naganap ang handaan, burado na lahat.

Kaya naman, sa tuwing nakikita niya sa kanilang lugar ang taong iyon na malaya at masayang nabubuhay, tumataas ang dugo niya.

Nang araw na ‘yon, matapos niyang makitang nakikipag-inuman ang lalaking iyon sa mga dating kumpare ng kaniyang ama, lalo siyang nagalit dito at hindi na niya napigilan ang sarili niya.

Ginamit na niya ang sariling kamay upang makuha ang hustisya ng kaniyang ama. Kunwari siyang nakipag-inuman sa mga ito at nang masigurado na niyang taob na ang ibang kainuman nito, inakay niya ito sa tagong lugar at doon niya tinapos ang buhay nito sa pamamagitan ng saksak.

Kaya lang, bago pa man siya makatakas sa lugar na iyon, mayroong grupo ng mga tanod na rumonda sa lugar na iyon.

“Hindi ako ang gumawa niyan, ha? Nakita ko lang siya ritong nakabulagta na!” pagtatakip niya sa kasalanang ginawa saka pasimpleng tinapon sa damuhan ang kutsilyong ginamit.

“Ano ‘yang tinapon mo? Halika, sumama ka muna sa amin sa barangay!” utos ng pinuno ng mga tanod habang tumatawag ng pulisya at ambulansya ang isa pang tanod.

Agad siyang sumailalim sa imbestigasyon at nakita sa mga CCTV na nakakalat sa kanilang lugar na siya ang kasama nito bago maganap ang krim*n. Nakita rin ang kutsilyong itinapon niya at doon nakita ang bakas ng kaniyang kamay dahilan para tuluyan siyang sampahan ng kaso ng mga kaanak nito habang ito’y nagpapagaling sa ospital.

Labis niyang ikinapanlumo ang ganapang ito. Para bang gusto niya na lang na sumunod sa ama niyang ngayon ay nasa langit na.

Agad siyang dinalaw ng asawa niya nang araw na ‘yon, umiiyak ito habang karga-karga ang dalawa nilang anak na pawang umiiyak din.

“Pasensiya na, mahal, gusto ko lang namang gumanti para kay papa!” iyak niya.

“Sabi ko naman sa iyo, hayaan mo na ang mga pulis. Kung hindi nila mabigyan ng hustisya ang tatay mo, Diyos na ang bahala sa may pakana no’n,” pangaral nito sa kaniya sa gitna ng mga hikbi.

Doon niya labis na napagtantong tila nakagawa nga siya nang malubhang kasalanan dahil lamang sa emosyong nararamdaman niya. Wika niya, “Wala na akong pinagkaiba sa taong tumuldok sa buhay ng tatay ko. Pasensiya na, papa, hindi ako naging isang mabuting tao katulad ng bilin mo.”

Advertisement