Tuwang-Tuwa ang mga Tao Dahil sa Pag-aalaga ng Lolo sa Kanyang Apo, Nagimbal ang Lahat nang Malaman ang Kahayupang Ginagawa Nito
Limang taong gulang lamang si Lara nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama’t ina dahil sa isang aksidente, kaya naman ngayon ay nasa pangangalaga siya ng kanyang lolo na si Mang Ardon.
Sa edad na 72, malakas pang maituturing ang matanda dahil nagagawa niya pang ihatid-sundo sa eskwela si Lara. Pati na rin ang pag-aalaga dito. Kaya naman marami ang bilib at tuwang-tuwa sa tuwing nakikita silang magkasama.
“Nariyan na ang mag-lolo! Talagang nakakatuwa, ano? Parang napaka-malapit nila sa isa’t-isa,” wika ng isang ina na kaklase ni Lara.
“Kaya nga. Nakakaawa kasi ang batang iyan. Bata pa lamang ay ulilang lubos na,” sagot naman ng isa.
Naiiba ang dalawang guro ni Lara na si Janice at Lina, dahil para sa kanilang dalawa ay pansin nilang may kakaibang kinikilos ang bata. Nakikita nilang madalas ay tahimik ang bata at palaging nais mag-isa. Hindi ito masyadong nakikipaglaro sa mga kaklase at hindi rin nakikipagkwentuhan sa kanila.
Isang araw ay hindi na nakatiis ang dalawa at masinsinang kinausap ang limang taong gulang na bata.
“Lara? Ayos ka lamang ba? Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong ng nagmamalasakit na si Lina.
“A- ayos lang po,” matipid na sagot nito.
“Sigurado ka? Bakit hindi ka makipaglaro sa mga kamag-aral mo? Halika, puntahan natin sila,” pagyaya ni Janice habang hinihila ang kamay ng bata.
“Aray! Ouch! Huwag, masakit po,” wika ng bata habang tila nakahawak sa maselang parte ng kanyang katawan.
Agad na nanlaki ang mata ng dalawang guro. Napahawak pa si Lina ng mahigpit sa braso ni Janice na tila nagpapahiwatig ng kung ano.
“Sinasabi ko na e! Bastos ‘yong matandang ‘yon!” bulong ni Lina kay Janice.
“Shh. Ikumpirma muna natin kay Lara. Ako ang bahala,” pabulong ding sagot ni Janice.
“Lara? Masakit ‘yan? Bakit?” mahinahong tanong nito sa bata.
“B- ba- bawal po, magagalit lolo,” utal-utal na sagot nito.
“Ha?! Bakit magagalit?!” pasigaw nang sagot Lina.
“Lina! Huminahon ka, baka matakot ang bata. Kausapin lamang natin siya ng maayos,” anito.
“Lara? Bakit naman magagalit ang lolo? Kasi alam mo, may ganyan din ako. Kapag sumasakit siya, sinasabi ko agad sa kapwa babae ko. ‘Di ba mga babae lang ang may ganyan? Kaya sa babae ka rin magsasabi para mapagaling natin. Huwag kang mag-alala, hindi natin sasabihin ay lolo mo,” nakangiting paliwanag ni Janice sa bata. Sanay ito sa pakikipag-usap sa mga bata kaya naman hindi mahirap sa kanya na subukang hingan ng pahayag si Lara.
“Si lolo po. S- sabi po niya papalo po niya ako kapag hindi po ako bukaka,” nangingiyak na sagot ni Lara.
Para sa dalawang guro, sapat na ang kanilang mga narinig. Ngunit upang may matibay na ebidensiya ay agad silang nagtungo sa pinakamalapit na ospital upang ipasuri kung may nagaganap ngang panghahalay sa bata.
“Ma’am Janice? Ma’am Lina? I’m sorry to say, pero tama po ang hinala natin. Napagsasamantalahan po ang bata. Base sa aming mga pagsusulit, mahigit sa tatlong beses na niya itong ginagawa kay Lara. Ibibigay namin ang lahat ng ebidensiya na maibibigay naman para lamang maipakulong ang may sala,” galit na sabi ng doktor.
Iyak naman nang iyak ang dalawang guro dala ng labis na pagka-awa sa sinasapit ng bata. Agad nila itong dinala sa isang child therapist upang kahit papaano ay maibsan ang pait na dinadala niya.
Sa kabilang banda naman, pasugod na ang dalawang guro sa bahay ng matanda kasama ang mga pulis. Nang makarating doon, agad inaresto ang manyakis na matanda. Agad siyang hinatulan ng korte ng panghabambuhay na pagkakabilanggo. Para sa iba ay kulang pa ang parusang iyong upang mapagbayaran niya ang kanyang mga kasalanan, ngunit para kay Lina at Janice ay ito na ang pinakamalaking bagay na kanilang magagawa upang bigyang hustisya ang sinapit ng bata.
Makalipas ang ilang buwang sesyon ni Lara sa kanyang child psychological therapist, unti-unti na siyang sumigla at tila nakakalimot sa matinding trauma na kanyang sinapit. Ngayon ay opisyal na siyang kinupkop ni Janice at ng asawa nito, dahil ayon sa kanila ay matagal na nilang gustong mag-ampon ng bata. May problema raw kasi sa matres si Janice, ngunit sa kagustuhan na magka-anak ay napagdesisyunan nilang kupkupin at ituring na kanila si Lara.
Naging napakasaya ng buhay ni Lara kasama ang kanyang bagong pamilya. Ginawa naman ng mga ito ang lahat upang tuluyan nang makalimutan ng bata ang mapait nitong nakaraan sa piling ng kanyang sariling lolo. Ipinangako ni Janice na kailanman ay wala nang makakagawa ng kahit anong kamunduhan sa kanyang pinakamamahal na anak.