Imbes na Magtrabaho ay Nambabae ang Isang Mister na OFW; Bandang Huli’y Karma na Mismo ang Humabol sa Kaniya

Imbes na Magtrabaho ay Nambabae ang Isang Mister na OFW; Bandang Huli’y Karma na Mismo ang Humabol sa Kaniya

HeartbreakingKarmaStories

Wala pang isang taon ang relasyon bilang magkasintahan ay nagpakasal na kaagad sina Sally at Brenan. Hindi kasi inaasahan ang pagbubuntis ni Sally. Dahil mahal naman ni Brenan si Sally ay pinanagutan niya ang kanilang ginawa at agad na nagdesisyon na magpakasal. 

Ngunit sadyang naging mahirap ang buhay sa dalawa lalo na at maselan ang pagbubuntis ni Sally. Walang ibang paraan kung hindi tumigil ng pagtatrabaho ang dalaga sa pabrikang kaniyang pinapasukan. 

“Hindi natin kakayanin ang upa sa bahay saka ang ilan pang gastusin. Tapos ay manganganak ka pa. Kailangan ko na talagang gumawa ng ibang paraan para kumita ng mas malaki. Sa tingin ko ay kailangan ko nang tanggapin ang alok sa akin ng tiyahin ko na magtrabaho sa ibang bansa,” saad ni Brenan sa asawa. 

“Pero mahirap ang buhay kung wala ka dito sa tabi ko, Brenan. Natatakot ako na sa pagkakalayo natin ay lalong dumanas ang pamilya natin ng hirap,” nag-aalalang sambit naman ni Sally. 

“Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano diyan, Sally. Gagawin ko nga ito para sa inyo ng anak natin. Araw-araw akong tatawag sa iyo at pangako na lagi kong ipapaalam ang bawat galaw ko. Hindi ako mambabae kung iyon ang kinakatakot mo. Mag-iipon lang ako ng kaunti tapos ay uuwi na rin ako para magnegosyo dito sa Pilipinas. Pangarap ko kasi na bigyan kayo ng anak natin ng magandang bahay at buhay,” dagdag pa ng binata. 

Dahil sa mga sinabing ito ni Brenan ay nakumbinsi niya si Sally. Tutal malaki rin naman ang tiwala ni Sally sa kaniyang asawa. Alam niyang sa labis na pagmamahal ni Brenan sa kaniya ay hindi nito magagawang magloko. 

Dalawang taon ang unang kontrata ni Brenan sa ibang bansa bilang waiter sa isang bar sa Korea.

Nang makaalis ay tinupad ng ginoo ang kaniyang pangako sa asawa na lagi niya itong tatawagan. 

Ngunit lumipas ang ilang buwan at naging tatlong beses na lang sa loob ng isang linggo hanggang sa naging madalang na silang mag-usap. Nangangamba itong si Sally sa mabilis na pagbabago ng kaniyang asawa. 

“Baka naman may iba ka na riyan kaya hindi mo na ako nagagawang kausapin araw-araw,” pagtatampo ni Sally sa mister. 

“Hayan ka na naman, Sally. Imbes na pagaangin mo ang kalooban ko ay dinadagdagan mo pa ang istres na nararamdaman ko. Hindi madali ang trabaho ko dito sa Korea. Kung bubunuin mo lang ang oras na ito sa paghihinala mo ay mas mabuti pang matulog na lang ako,” inis na sambit ni Brenan. 

“Nagtatampo lang naman ako sa’yo dahil miss na miss kita pero parang hindi ka nasasabik na makausap ako. Nasanay ka na atang wala ako sa tabi mo. Nakita ko pa sa mga post mo sa social media at palagi na lang kayong nagkakasihan ng mga kasamahan mo riyan! Marami kang oras sa kanila pero sa akin ay wala,” muling wika ni Sally. 

“Talagang magkakasiyahan kami dahil bilang waiter dito sa bar ay kailangan kong asikasuhin ang mga kostumer. Ano ang gusto mo? Dahil lang sa hindi tayo magkasama ay malungkot na rin ako. Ginagawa ko ang lahat para mabigyan kayo ng magiging anak natin ng magandang buhay tapos ay pag-iisipan mo pa ako ng masama. Bahala ka nga riyan! Kausapin mo na lang ako kapag matino ka nang kausap!” galit na sambit ni Brenan sabay baba ng telepono. 

Talagang napaluha sa sama ng loob itong si Sally. Bukod kasi sa malaki na ang pinagbago ng kaniyang asawa ay hindi man lamang siya kinukumusta nito at ang kaniyang pagbubuntis. 

Lumipas ang ilang araw at palaging tinatawagan ni Sally ang mister upang makipag-ayos. Ngunit hindi ito sinasagot ni Brenan. 

Hanggang sa isang araw ay nakakita muli ng isang post sa social media itong si Sally. Nakita niya ang kaniyang mister na may kasamang iba at malambing sila sa isa’t isa. Kinalma muna ni Sally ang kaniyang sarili. Ayaw niya kasing magkasira sila ni Brenan dahil malayo sila sa isa’t isa. At isa pa, ayaw niyang makapagsabi ng masasakit na salitang kalaunan ay hindi naman na niya mabawi. 

Sinubukan ni Sally na buksan ang mga account sa social media ng kaniyang asawa. Hanggang sa natuklasan nga niya ang palitan ng mensahe ni Brenan at ng isang katrabaho. Bumaha nang luha nang makita niyang palaging magkausap ang dalawa samantalang siya ay hindi man lamang makumusta ng asawa. 

Sinubukan ni Sally na kausapin ang kaniyang asawa ng mahinahon tungkol dito ngunit bandang huli ay itinatanggi pa rin ni Brenan ang pakikiapid sa iba. 

Masama man ang loob nitong si Sally ngunit nais pa rin niyang patawarin si Brenan kung hihingi man ito ng kapatawaran. Nais niya pa rin kasing ayusin ang relasyon nila ng asawa. Ngunit lubusan nang nagbago ang damdamin ni Brenan hanggang sa tuluyan na nitong aminin ang lahat kay Sally. 

“Nagsisisi ako sa naging desisyon ko Sally. Kung alam ko lang na makikilala ko si Sheila ay hindi na lang sana kita pinakasalan. Hayaan mo na lang kaming magsama at huwag nang guluhin pa!” bulyaw ni Brenan sa asawa.

“Gano’n na lang ang lahat ng iyon, Brenan? Iiwan mo na lang ako na parang isang basura? Nasaan na ang mga pangarap mo para sa pamilya natin? Baka kaya pa nating ayusin ito. Ibalik natin ang dati!” pagsusumamo ng kaawa-awang si Sally. 

Ngunit naging matigas ang puso ni Brenan at tuluyan na niyang tinalikuran ang kaniyang mag-ina upang ituloy ang pakikipagrelasyon kay Sheila. 

Nakaramdam ng matinding depresyon itong si Sheila. At ang labis na kalungkutan na ito ay nakaapekto sa kaniyang pagbubuntis. 

Hanggang sa isang araw nga ay narinig si Sally ang pinakamalungkot na balita. Hindi pa man isinisilang ay wala nang buhay ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. 

Tila gumuho ang mundo ni Sally. Sa puntong ito ay nawalan na siya ng ganang mabuhay. Ilang araw ding nagkulong at ayaw kumain ni Sally dahil sa labis na depresyon. 

Hanggang isang araw, nakita ni Sally muli ang larawan ng asawa at ng kalaguyo nito na tila masayang-masaya. Hinayag na kasi nila sa madla ang kanilang relasyon. 

“Hindi ko matanggap na habang nagluluksa ako sa pagkawala ng anak natin ay nagpapakasasa ka sa piling ng babae mo! Napakawalang puso mo, Brenan. Pero hindi ko hahayaan na ikaw lang ang maging maligaya!” sambit ni Sally sa kaniyang sarili. 

Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ni Sally na kailangan niyang bumangon para sa kaniyang sarili. Nagsimula siyang maghanap muli ng trabaho at ng pagkakakitaan. Hanggang sa nakapangibang bansa din siya. 

Nagtrabaho si Sally sa isang Salon at doon niya nakilala ang isang tanyag na designer. Naikwento niya ang kaniyang buhay at hindi nagdalawang isip ang designer na ito na tulungan si Sally. Pinag-aral ng mayamang designer si Sally hanggang sa makapagtapos ito. At saka niya hinubog upang maging isang magaling ding fashion designer. 

Unti-unti nang nakakamit ni Sally ang lahat ng tagumpay na kaniyang pinapangarap. Ang una niyang ginawa ay pinawalang bisa niya ang kasal nila ni Brenan. Nais sana niyang gumanti sa dating asawa sa ginawa nito sa kaniya ngunit tila ang pagkakataon na rin ang nagbigay ng karma sa ginoo. 

Matagal na palang nasadlak sa dusa ang buhay nitong si Brenan. Nalulong siya sa sugal at bisyo dahil na rin kay Sheila. Lahat ng kaniyang kinita sa loob ng ilang taong nagtatrabaho sa Korea ay nawala na lang na parang bula. Ang malala pa roon ay pinaghahanap na ng awtoridad itong si Brenan. 

Nang malaman ni Brenan ang nangyari sa buhay ng dating asawang si Sally ay labis ang paghingi ng tawad nito. 

“Nagsusumamo ako sa iyo, Sally. Tulungan mo ako. Ibalik natin ang dati. Nagsisisi na ako sa lahat ng kasalanan ko sa iyo,” pakiusap ni Brenan sa dating asawa. 

“Alam mo bang kulang pa iyan sa lahat ng pagdurusa na dinala mo sa akin at sa anak ko? Hindi mo lang alam kung gaano kita gustong gantihan noon. Pero pinagpasa Diyos ko na lang ang lahat. Ngayon ay naniniwala na ako sa salitang karma. Mabulok ka ngayon sa bilangguan at pagdusahan mo ang lahat ng kasalanan mo! Hayaan mo na ako at huwag nang guguluhin pa! Pinagsisisihan ko ang araw na pinakasalan kita!” mariing sambit ni Sally kay Brenan.

Kay tagal na hinintay ni Sally ang pagkakataong ito na makita si Brenan na nagmamakaawa sa kaniyang harapan. Hanggang ngayon kasi ay dala pa rin ni Sally ang pait ng pagkawala ng nag-iisa niyang anak at lahat ng ito ay dahil lamang sa pagiging makasarili ni Brenan.

More Stories