
Upang May Maipangsugal ay Ibinenta ng Lalaki ang Nobya sa Kaibigang may Pera; Higit pa ang Nangyari sa Kaniya Nang Karma na ang Naningil
“Selena, nasaan ka ngayon?” humihikbing wika ni Alma sa kabilang linya.
“Nandito ako sa trabaho, bakit?” nagtatakang sagot ni Selena sa kaibigan.
“Mamayang alas sais ng hapon pa ba ang uwi mo? Pwede bang daanan mo ako rito sa bahay, para tulungang magligpit at maghakot?” anito.
“Bakit, saan ka pupunta? Nag-away ba kayo ni Bryan?”
“Ipapaliwanag ko na lang kapag nagkita tayo. Please puntahan mo ako ah. Ikaw na lang sandigan ko ngayon, Selena,” nakikiusap na wika ni Alma.
Nagtataka man ay sumang-ayon siya rito. Nag-away na naman siguro ang dalawa kaya maglalayas na naman si Alma. Sa dalawang taon na pagsasama nang dalawa’y magpapasalamat siya kung lilipas ang buwan na hindi nag-aaway ang mga ito. Minsan nga’y kinukwestyon niya ang kaibigan kung bakit ito nagtatyaga sa live-in partner nitong palautos at sugarol— maliban pa roon ay babaero pa!
Kaya nga minsan sa nakikita niyang paghihirap ni Alma sa buhay may kinakasama’y nadadala na rin siyang mag-asawa. Aanhin mo ang asawa kung katulong ang tingin sa’yo? Jusko! Mas maiging mag-isa na lamang sa buhay, wala pang problema’t sakit sa ulo.
Pagdating ng alas sais ay dumeretso si Selena sa bahay ni Alma, upang tuparin ang ipinangako niya rito kanina. Nang sa pagpasok sa bahay nito at nakita ang kaibigan na nakayuko sa tapat ng mga tuhod nito. Naramdaman yata ni Alma na may tao kaya agad na umangat ang ulo nito sa gawi niya.
“Anong nangyari sa mukha mo?!” gulat at inis niyang wika.
May malaking pasa ang mukha Alma, na para bang sinuntok ito sa may pisngi.
“Suntok iyan ni Byran sa’kin kagabi,” anito na parang normal na lang rito ang magkapasa.
“Bakit ba nag-away na naman kayo?” inis niyang tanong saka kinapa ang pasang bahagi ng mukha ni Alma. “Masakit?” tanong niya na agad nitong tinanguan.
“Ayoko na sa kaniya, Selena,” anito imbes na sagutin ang tanong niya.
“Sus! Isang libong beses ko na yatang narinig iyan sa’yo, Alma. Ngayon sasabihin mong ayaw mo na, pero bukas mababalitaan ko na lang na kayo pa rin. Nakakasawa na rin. Nakakapagod magbigay nang payo sa’yo. Kaya hala! Kulang pa ‘yan, magpasuntok ka pa ulit,” naiinis niya wika.
“Huli na ‘to, pangako sa pag-alis ko ngayon sa bahay na ito, hinding-hindi na ulit ako babalik pa. Kasi ang lala na nang ginawa ni Bryan sa’kin, Selena,” anito saka malakas na humagulhol nang iyak. “Ipinag@law niya ako sa kaibigan niya, para lang magkapera siya pangsugal,” dugtong nito saka mas lalong umiyak.
“Ano?!” nahihintakutang sambit ni Selena.
“Hindi na siya tao, Selena. Dem*onyo siya!”
Niyakap ni Selena ang kaibigan. Napakawalanghiya talaga ni Bryan! Ang kaibigan na nga niya ang ibinenta nito, ito pa ang may ganang suntukin sa mukha si Alma! Ang sarap ipakulong nang dem*nyong lalaking iyon.
Tinulungan niyang mag-empake si Alma at pansamantala niya muna itong pinatuloy sa apartment niya, dahil hindi pa ito maaaring umuwi sa pamilya nito, dahil sa malaking pasa sa mukha.
Habang magkasama sila ni Alma ay pilit niyang kinukumbinse ang kaibigan na kasuhan si Bryan sa kawalang-hiyaang ginawa nito, ngunit matatag ang desisyon nitong mas gusto na lamang manahimik at ipagpasa-Diyos ang lahat.
“Ayokong gumawa ng bagay na ikakasakit ni Bryan, Selena,” anito nang minsan niya itong kinausap na ipakulong ang walang hiya nitong dating nobyo. “Sobra ko siyang minahal, ngunit inabuso niya ang pagmamahal ko. Dahil sa ginawa niya, ang dating pagmamahal ko noon, ngayon ay napalitan nang galit at pagkamuhi,” galit na dugtong ni Alma.
“Pero hindi ba’t mas maiging maipakulong natin siya upang pagbayaran niya ang kasalanan niya sa piitan?” ani Selena.
“Masasaktan pa rin ako, Selena, kapag nakita ko siyang nahihirapan nang dahil sa’kin. Naniniwala akong may karma, at alam kong hindi exempted si Bryan doon. Hayaan na lang natin na ang karma ang maningil sa kaniya, Selena. Huwag na natin siyang gayahin, ipinapasa Diyos ko na ang lahat,” anito saka malungkot na ngumiti.
Tatlong buwan ring nanatili si Alma sa kaniya bago ito umuwi sa pamilya nito. Sa loob nang tatlong buwan na iyon ay wala na silang balita sa kung ano ang nangyari kay Bryan. Kahit papaano ay masaya na rin si Selena dahil sa wakas na tuldukan na rin ang kahibangan ng kaibigan sa walang kwentang live-in partner nito.
Isang ring nang kaniyang selpon ang nagpalingon kay Selena sa gilid nang kaniyang mesa habang abala siya sa kaniyang trabaho. Pangalan ni Alma ang nakalagay, kaya agad niya iyong sinagot. Halos limang buwan na rin ang nakakalipas mula noong umuwi ito kaya miss na miss na niya ang kaibigan.
“Hello, bruha! Kumusta?” masaya niyang wika sa kabilang linya.
“Okay lang ako. Ikaw?” masaya ring tugon nito. “Nga pala, Selena, ang totoo’y may sadya ako sa’yo kaya napatawag ako nang wala sa oras.”
“Ano na naman iyon?”
“Alam mo bang wala na si Bryan? Ang sabi sa’kin ay pin@tay ito ng naging katunggali nito sa sugal dahil bukod sa wala na itong pambayad ay malaki pa ang pagkakautang nito doon sa lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin, Selena, pero grabe ‘no! Totoo ngang hindi natutulog ang karma, kaya hindi ka dapat makampante,” ani Alma sa kabilang linya.
Mahaba pa ang naging usapan nila dahil kung saan-saan na napunta ang naging usapan nilang magkakaibigan. Nagkasundo silang magkikita sa linggong iyon, upang mas magchikahan pa nang bonggang-bongga.
May parte kay Selena ang naawa sa sinapit ni Bryan, ngunit mas nanaig ang pagkapanatag ng kaniyang loob, dahil sa wakas! Si karma na ang gumawa ng paraan upang maparusahan ang lalaking gumawa nang masama sa kaibigan niya.

Walang May Nais Makipagkaibigan sa Kaniya Dahil Masama Raw Siyang Bata; Magbago Kaya ang Tingin sa Kaniya ng Karamihan Ngayong Gumagawa na Siya ng Kabutihan?
