Inday TrendingInday Trending
Mas Kinakampihan pa ng Lalaki ang Pinsan Niyang Naninira sa Kanyang Misis, Ang Laki ng Pagsisisi Niya nang Maisagawa na Nito ang Maitim na Plano

Mas Kinakampihan pa ng Lalaki ang Pinsan Niyang Naninira sa Kanyang Misis, Ang Laki ng Pagsisisi Niya nang Maisagawa na Nito ang Maitim na Plano

Galit na galit si Yna nang malamang matagal na pala siyang sinisiraan ni Bong sa kaniyang mga kasambahay kaya’t agad itong nagsumbong sa asawang si Mark.

Hindi niya na sana paniniwalaan ang kuwento ng mga ito ngunit tatlong kasambahay na nila ang nagsusumbong sa kaniya. Naaawa na raw ang mga ito sa amo sapagkat wala naman siyang ipinakitang masama sa mga ito ngunit patuloy ang panghahamak sa kaniya ni Bong.

Pati ang pagkakaroon niya ng anak sa pagkadalaga’y inuungkat pa nito. Palibhasa’y ang panganay niyang anak na si Chino na ang pinaguusapan ay naging sensitibo na si Yna.

“Pabayaan mo’t pagsasabihan ko.” Tipid na sagot ng asawang si Mark.

Labis na nasaktan si Yna. Katakot-takot na paninirang puri na ang inabot niya sa pinsan nitong si Bong ngunit iyon lamang ang tanging nasabi nito.

Lingid sa kaalaman ni Yna ay malakas pala talaga ang loob ni Bong sapagkat napakarami nitong nalalamang sikreto ng asawa.

Tatlo ang babae ni Mark. Ang isa pa nga’y kasalukuyang buntis at ang dalawa’y mga nasa kolehiyo pa lamang, ito’y sinusustentuhan niya buwan buwan.

Kinausap naman ni Mark si Bong at sinabing tigilan na ang asawa. Tumango na lamang ito at nagkunwaring humihingi ng tawad. Katwiran pa nito’y naaawa lamang siya sa pinsan sapagkat binubuhay nito ang anak ni Yna sa ibang lalake.

Patuloy sa pag-uwi ng hatinggabi si Mark. Kahit sino naman siguro’y mahihirapan kung kabi-kabila ang mga babae. Bukod pa ito sa tatlong sinusustentuhan ng mister ni Yna.

Hindi naman nakatiis si Yna at sinita si Mark. Bilang babae ay nakakaramdam na ito ng hindi maganda.

“Tama nga yung pinsan ko, butangera ka’t nakakasakal! Palibhasa’y hindi ka mahal ng mga magulang mo kaya sa akin mo hinahanap ang pagmamahal na hindi mo makuha sa ibang tao! Pasalamat ka’t pinakasalan kita kahit may anak ka sa iba! Pinulot lang kita sa putikan!” Nanggagalaiting saad nito. Paraan na rin ito ni Mark upang tumigil na ang asawa sa pagpapaamin sa kaniya.

Hindi na kinaya ni Ysa ang mga salitang lumabas mismo sa bibig ng asawa. Tila nagatungan na iyon ng pinakamamahal niyang pinsan. Nagdesisyon itong lumayas kasama ang mga anak at nagtungo sa bahay ng kaniyang kapatid na si Meldy.

Nang lumayas ito sa kanilang bahay ay tila jumackpot si Bong. Napakadali na lamang isakatuparan ng kaniyang mga plano. Sa oras na lasunin niya si Mark ay sisiguraduhin niyang nakumbinse niya muna itong maigi upang huwag bigyan ng mana ang asawa. Sa dami ng pera ni Mark, sigurado naman siyang kung pamanahan man nito ang mga anak ay hindi siya mawawalan.

“Kuya Mark, kung ako sa ‘yo ibahay mo na si Princess.” Si Princess ang nabuntis nitong kabit. Sinisikap talaga ni Bong na paghiwalayin ng tuluyan ang mag-asawa kaya’t gusto niyang masiguradong hindi na ito magkakabalikan.

“Bakit ko naman gagawin ‘yon? Gusto mo bang makulong ako?” Saad ni Mark.

“Wala namang makaka-alam, Kuya. Ako pa? Lahat ng lihim, mo’y ligtas sa akin!” Panguuto nito sa pinsang amo.

“Hindi pupuwede iyan. Napakadelikado ng gusto mong mangyari.” Giit ni Mark.

“O siya, asikasuhin mo na lang ang mga papeles mo. Kahit medyo bata ka pa, kailangan maayos mo na kung kanino mo ipapamana lahat ng maiiwan mo. Baka maisahan ka pa ni Yna. Kung sakaling mag-asawa ulit ‘yon ng iba, ‘yong asawa pa niya ang makikinabang sa lahat ng pinaghirapan mong ipundar.” Wika ni Bong.

“Matagal nang nakahanda ang last will and testament ko. Huwag kang mag-alala.” Sabay may iniabot na papeles kay Bong.

Nagulat naman si Bong sa nabasa. Kalahati pala ng yaman nito’y ipamamana sa kaniya! Para siyang nanalo sa Lotto!

Agad namang plinantsa ni Bong ang masamang plano. Tinawagan nito ang kaniyang matalik na kaibigang si Arnold upang sabihin ipaalam ang mga lugar na pupuntahan ng pinsan. Matagal na niyang sinabi dito ang planong pagpapabaril sa pinsan ngunit ngayon lamang dumating ang tamang pagkakataon.

Ang hindi alam ni Bong ay naunahan na siya ni Yna. Bilang kabisado na nito ang likaw ng bituka ng pinsan ng asawa’y tinawagan nito si Arnold at binigyan ng tatlong milyon para lamang ireport sa kaniya ang lahat ng plano nito.

Walang kamalay-malay si Bong na nakarekord ang pag-uusap nila ni Arnold sa telepono, at nasa kamay na ito ng mga pulis.

Kinabukasan ay nakahanda na ang lahat. Gaya ng dati’y magkasama ang mag-pinsan. Inaabangan na ni Bong ang pagbaril dito ni Arnold.

“Kuya, ang init! Buksan mo nga muna iyang bintana mo kung ayos lang. Parang hindi ako makahinga.” Saad ni Bong sa pinsan na bahagya pang nakangisi.

Pagbukas ng bintana ng kotse’t gulat na gulat si Bong. Napakaraming pulis na nakapalibot sa kanila. Agad rin naman itong napansin ni Bong.

“Hayop ka, Arnold! Trinaydor mo ako!” Galit na galit na wika nito.

“Matagal na akong nagbago! Isa pa, binigyan ako ni Ma’am Yna ng tatlong milyon upang maipagamot ko ang asawa ko’t maipasok ko sa kolehiyo ang mga anak ko. Sumuko ka na, Bong!” Kinakabahang saad ng kaibigan.

Akmang bubunot ng baril si Bong upang paputukan si Arnold ngunit naunahan ito ng mga pulis.

Tinamaan ito sa ulo. SInubukan pa itong dalhin sa ospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Nanginginig ang mga tuhod ni Mark sa nangyari. Maya-maya ay nilapitan ito ni Yna.

“Alam ko na ang lahat ng sikreto mo. Mark. Hindi ko kailangan ng yaman mo, May sarili akong pera. Maghiwalay na tayo. Pero sana naman ay natuto ka na sa nangyari.”

Labis ang pagsisisi ni Mark sa nangyari.

Patuloy naman ang ginagawa nitong panunuyo kay Yna.

Nakipaghiwalay na rin ito sa mga babae niya.

Ngunit buo na ang pasya ni Yna. Namuhay ito ng masaya kapiling ang mga anak.

Isang araw ay nakatanggap ito ng tawag mula sa kaniyang biyenan. Nagkaroon daw ng malalang sakit si Mark at may taning na ang buhay nito. Agad na pinuntahan ito ni Yna bitbit ang mga anak ngunit huli na ang lahat. Binawian na ito ng buhay.

Nang basahin ang last will and testament nito’y ipinamana ni Mark ang lahat ng ari-arian at negosyo sa asawang si Yna.

Malupit talaga ang balik ng karma! Nararapat lamang ba kay Mark at Bong ang kanilang sinapit? Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

Advertisement