Kahit may Kinakasama na, Tuloy pa rin sa Pambababae ang Lalaki; Grabe ang Singil ng Karma sa mga Ginawa Niyang Ito
Kahit na may nobya na, hindi pa rin matigil sa pambababae ang binata. Tila ba hindi buo ang pagkatao kapag walang ibang naikakama o niloloko.
Laging pinananabi ng lalaki na nagbago na siya at hindi tulad ng dati dahil sa babaeng minamahal, ngunit hindi ganoon ang katotohanan.
“Babe, medyo male-late lang ako ng uwi ha? Overtime kasi ngayon sa work, kahit tawagan mo pa yung mga officemates ko rito, tadtad kami ng work,” pagpapalusot ni Gerald.
“Ganun ba, babe? Sige, iintayin na lang kita. Mag-iingat ka ha?” tugon naman ni Shane na kasintahan ni Gerald.
Napangiti ang lalaki at sumigaw, “Yes! Woohoo! Chikabebots time!”
May usapan na pala sila ng mga kabarkada na magba-bar at mambababae. Hindi naman na siya mahahalata ng kasintahan kapag umuwi dahil panigurado, tulog na ito.
Doon, tume-table ng iba’t ibang babae ang mga lalaki. Ang iba sa mga iyon ay may asawa pa, kaya’t talagang talamak sa panloloko ang grupo ng barkadahan nila.
“Naka-3 points na naman ako ngayong gabi!” masayang sabi ng binata.
“Grabe, ang tinik mo talaga sa chicks, pare!” sabi ng isang tropa nila.
“Ako pa ba? Isang kindat ko lang sa mga ‘yan, laglag na mga panty niyan!” halakhak pa ni Gerald.
“Ingat ka at baka mahuli ka ni Shane ha? Nako, lagot ka doon!” biro ng isa pang barkada.
“May tiwala sa’kin ‘yon! At saka magaling ako magtago. Kayo lang naman ang nahuhuli e!”
Masayang umuwi si Gerald sa apartment nila ni Shane. Nadatnan niyang nakatulog na ang nobya habang nakaupo. Panigurado, matagal itong nag-intay sa kaniya.
Parang kinurot at nakaramdam ng konsensiya si Gerald. Mahal na mahal siya ng dalaga at mahal rin naman niya ito, ngunit hindi niya mapigil ang sarili sa pambababae. Hindi niya alam kung paano tatanggalin o kung gusto ba niyang alisin iyon sa kaniyang hilig.
Isang gabi, na-late na naman ng uwi ang binata, subalit nadatnan niyang gising ang kasintahan ng mga oras na iyon.
“Ginagabi ka na ata lagi ng uwi ah?” bati ng babae.
“B-babe… gising ka pa pala? Ahm, oo e. Madami kasi kaming tambak na work load kaya busy kaming lahat sa opisina,” pagpapalusot ng lalaki.
“Gano’n ba? Napakaabala mo naman pala. Naghanda ako ng hapunan, baka gusto mong kumain? Teka, ikukuha kita ng pamalit,” pag-aasikaso ng babae sa nobyo.
Hindi naman makapag-usap si Gerald. Nakokosensiya siya sa pagsisinungaling na ginagawa. Napakabait ng kasintahan niya at maalaga, pero nagagawa pa rin niya itong lokohin ng paulit-ulit.
Biyernes ng hapon tumawag si Gerald sa nobya..
“Babe, grabe, OT na naman kami. Gustong-gusto ko nang umuwi kaso ang daming gagawin na naman.”
“Okay lang… do your thing lang, babe. Iintayin kita,” may lungkot sa boses na tugon ni Shane.
“Babawi ako sa’yo, promise!” masayang sabi naman ng lalaki.
Palubog pa lang ang araw, nasa bar na ang lalaki pati ang tropa niya. May isang napakagandang babae ang lumapit kay Gerald at nakipagkilala.
‘Di na nagpatumpik-tumpik pa ang binata, agad niyang dinala sa motel ang babae kakikilala lamang. Tila ba hayok na hayok sa laman ang lalaki.
Paglipas ng halos isang oras, nag checkout ang dalawa. Isang tawag ang natanggap ni Gerald mula sa kasintahan. Nag dalawang-isip pa siya kung sasagutin ito, ngunit mas mag-iisip ng hindi maganda ang nobya kapag hindi niya nasagot.
“Hello?” bati ng lalaki.
“Babe, saan ka na? Anong ginagawa mo?” tanong naman ni Shane.
“Ah, e, nandito pa ako sa work. Busy pa e. Ikaw, saan ka? Anong ginagawa mo ngayon?”
“Nandito ako sa likod mo. Nakatayo sa may lobby kung saan pinapanood kitang nagche-checkout kasama yung babae,” sagot ng dalaga na may lungkot sa boses.
Pagtalikod ni Gerald, nakita niyang bumabagsak ang mga luha ni Shane habang nakatayo’t nakatingin sa kaniya.
“B-babe, I can explain..” pagsuyo ng binata.
“Alam ko naman lahat. Hindi naman ako ganoon katanga. Pero tiniis ko kasi mahal kita. Ang sakit-sakit… ayoko na!” lumuluhang pahayag ng dalaga.
“Babe, please, wag mo naman akong iwan. Magbabago na ako, please…” pagmamakaawa ng lalaki.
Isang malakas na sampal lang ang iniwan ni Shane bago tumakbo paalis.
Napahiya naman si Gerald dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao roon. Pagdating niya sa apartment, wala na si Shane doon pati na ang mga gamit nito.
Sinubukan ni Gerald na humingi ng tawad at suyuin ang dalaga pero matigas si Shane at ayaw nang bumalik pa.
Makalipas ang ilang araw. May naramdaman si Gerald na kakaiba sa kaniyang ari. Mahapdi ito at napaksakit lalo na kapag umiihi. Hindi lang iyon, napansin niyang may kung anong lumalabas rin doon. Mas lalo siyang nabahala nang d*ugo na ang nakita niya.
Lumipas ang mga buwan, bumagsak ang katawan ni Gerald at lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya sa pribadong parte.
Hanggang isang araw nagpa-check up siya at dumaan sa ilang pagsusuri. Lumabas sa resulta na positibo siya sa nakakahawang sakit na wala pa ring lunas hanggang ngayon.
Halos gumuho ang mundo ni Gerald sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung kanino sasabihin. Labis-labis ang pagsisisi niya sa mga kasalanang nagawa noon dahil ngayon napakalaking karma ang dumating sa kaniya.
Habang naglalakad sa mall, nakita niya si Shane sa isang coffee shop. Lalapitan sana niya ito nang biglang may lalaking humalik sa noo nito at naglapag ng pagkain at inumin sa lamesa.
Pinagmasdan niya si Shane sa malayo. Nakita niyang bumalik na muli ang saya nito. Ibang-ibang ang mga ngiti kumpara noong sila pa. Tila na tinusok-tusok ang puso niya dahil hindi na siya ang nagpapasaya rito.
Nagkasakit na siya, nawala pa ang babaeng minamahal. Ito nga marahil ang karma sa lahat ng kasalanang nagawa noon. Magsisi man siya, huli na ang lahat. Sira na lahat ng bagay na sana una pa lang, iningatan na niya.