Inday TrendingInday Trending
Tutukain Na ng Karma

Tutukain Na ng Karma

Likas na babaero si Jaime kahit may asawa na siya. Isang kindat lang niya ay para nang mababaliw ang mga babae sa taglay niyang kagwapuhan. Kapag nagsawa na siya ay itsapuwera na ang babae at kapag nagpilit pa ay sasabihin na niya rito ang kanyang gasgas na linyang, “Hindi naman kita gutso e, mas mahal ko parin ang asawa at pamilya ko.” Dahilan upang iyakan siya ng mga babaeng pinaglalaruan lang niya. Sa dala niyang kunsumisyon ay nagkasakit sa puso ang misis niya at pumanaw na.

Nang mawala ang misis ay medyo nag-preno siya sa kanyang mga kalokohan at mas piniling alagaan na lamang ang mga anak. Apat ang anak niya at lahat iyon ay babae. Sabi ng karamihan lalo na ng mga babaeng napaiyak niya ay hintayin niya ang kanyang karma, papalo daw iyon sa mga anak niya lalo na’t lahat pa naman ay babae.

Ismid at pahapyaw na tawa lang ang lagi niyang isinasagot dahil hindi naman siya naniniwala sa karma. May kanya-kanyang kapalaran ang mga anak niya.

Mabilis na lumipas ang panahon at nagsilakihan na ang kanyang apat na dalaga. Nasa kolehiyo na ang kanyang panganay na si Grace, sa katunayan ay graduating na ito ngayong taon.

“Pagpalain kayo ng Diyos mga anak,” aniya nang magpaalam ang mga itong papasok na sa eskwelahan. “Teka, nasaan ang ate Grace ninyo?”

Nagkatinginan ang tatlo niyang anak na para bang natatakot na magsabi sa kanya ng totoo. Nagsalita ang kanyang ikatlong anak na si Lesiel.

“Kagabi pa po siya hindi umuuwi Pa.”

“Ano? Saan naman siya nagpunta?” nag-aalala niyang tanong.

“Hindi po namin alam,” sabay-sabay na wika ng tatlo.

Tinatawagan niya ang numero ng dalaga ngunit nakapatay iyon. Sobra na ang pag-aalala niya. Para na siyang mababaliw sa kakaisip kung saan niya ito hahanapin. Agad siyang napalingon ng may magbukas ng gate at iniluwa si si Grace.

“Saan ka nagpunta?” agad niyang tanong. Hindi siya pinapasin ni Grace, nagpatuloy lamang ito sa paglakad. “Grace sagutin mo ako!”

“Ayoko!” singhal nito sa kanya na labis niyang ikinagulat. Ngayon lang siya napagtaasan ng boses ng anak.

“Ito na ang nangyayari sa’kin ngayon Papa, pinagbabayaran ko na ang lahat ng kasalanan mo noon. Nawala si Mama dahil sa’yo, nawala ang Mama dahil sa pagiging babaero mo at heto ako ngayon, bunits at ayaw panagutan ng lalaking nakabuntis sa’kin!” hindi na nito napigilan ang hindi maiyak habang nagagalit sa Ama. “Pinagbabayaran ko na ang lahat ng ginawa mo noon Pa!”

“Nasaan ang lalaking iyan!”

“Hindi daw niya ako mahal, biniro lang daw niya ako at sumakay naman ako sa biro niya. May pamilya at tatlong anak na daw siya at kailanman ay hinding-hindi niya ipagpapalit ang pamilya niya sa akin.” humahagulhol nitong wika.

Sa narinig ay para siyang sinampal ng katotohanan. Minsan man ay hindi sumagi sa isipan niya na gagawin ng ibang lalaki sa mga anak niya ang mga ginawa niya noon. Hindi siya naniniwala sa karma, pero kinakatok na siya nito ngayon.

Ngayon niya napatunayan na hindi madaling makita ang taong mahal mo na sinasaktan ng ibang tao. Gano’n din siguro ang naramdaman ng mga magulang ng babaeng niloko niya noon. Ang sakit-sakit at gusto niyang pumatay ng tao dahil nakikita niya ang anak na umiiyak.

“Patawarin ninyo ako Diyos ko,” usal niya habang hindi mapigilan ang maiyak. “Alam kong ang laki ng naging kasalanan ko noon lalong-lalo na sa mga babaeng pinaglaruan ko, sa asawa kong kinamatayan nalang ang kunsomisyon sa’kin. Ako nalang po, sa’kin niyo nalang ibato ang lahat at huwag na sa mga anak ko. Tutal ako naman ang may atraso sa kanila. Sa’kin nalang,” napaluhod na siya sa sahig.

“Papa sorry po, sorry po,” niyakap siya ni Grace nang mahigpit habang hindi tumitigil sa pag-iyak. “Kasalanan ko ang lahat Pa, sorry kung napagsalitaan kita ng gano’n. Alam kong ginagawa niyo ang lahat para sa’min ng mga kapatid ko. Sorry na po,”

Hawak ang mukha ng anak ay nagsalita ang lalaki, “Patawarin ninyo ako, kung ako ang dahilan kaya nagkakaganyan kayo. Sinubukan kong palakihin kayo ng maayos kahit na mahirap dahil ako nalang ang nag-iisa. Kung totoo man na may karma at kinatok niya ako sa pamamagitan ng nangyari sa’yo patawarin mo ako Grace, kung hindi ka pananagutan ng lalaking nakabuntis sa’yo huwag kang mag-aalala. Kinay

a ko kayong apat, kakakayanin ko kayong lahat. Hindi siya ang lalaking para sa’yo anak. May lalaking magpapatunay na mahal ka niya, kahit anong mangyari. Kung ito man ang karma ko, araw-araw ko itong ihihingi ng kapatawaran sa Diyos,” niyakap niya ang anak ng mahigpit.

Tinupad niya ang ipinangako kay Grace, kahit buntis ito ay ipinagpatuloy nito ang pagpasok sa eskwela hanggang sa manganak at grumaduate. Habang ang tatlo pa niyang anak ay lagi niyang pinapaalalahanan na maging maingat sa desisyong gagawin, ang buhay ay parang isang sasakyan at sila ang driver.

Para naman sa sarili niya’y napagtanto niyang hindi natutulog ang karma, darating at darating ito. At madalas ay bumabawi ito sa mga mahal natin sa buhay.

Advertisement