Ginustong Sumama ng Bata sa Kanyang Private Tutor Pauwi sa Bahay Nito, Nakakaiyak Pala ang Dahilan Ng Kawawang Bata
“Bakit ka malugkot, Gisele?”tanong ni Teacher Lorinne sa kanyang estudyanteng 5-taong gulang.
Siya ang personal tutor nito sa loob ng kalahating-taon, ngunit sa tuwing tutungo siya sa malaking bahay nito ay tanging yaya lang nito ang nakikita niyang kasama ng bata. Hindi na siya nakikiisyuso pa dahil personal na nila itong buhay.
Madalas niyang nakikita ang bata na masigla noon. Kaya naman tuwang-tuwa siya palaging tinuturuan ito. Pero ngayon ay tila kakaiba at malungkot ang awra nito.
“Gisele?” muli niyang tanong dito.
Ngunit umiling lang ito at hindi siya sinagot kaya naman tinuruan niya na lang muli ito. Pero naninibago talaga siya sa matamlay na kilos ng bata. Hanggang sa matapos ang klase nila ay ganoon pa rin ito.
Nagtaka siya nang biglang hawakan nito ang kamay niya, “Teacher?”
“Yes, Gisele?”
“Sama po ako sa inyo…” malungkot na tinig nito.
“Ha?” nagulat siya sa sinabi nito, “Hindi pwede Gisele, magagalit si mommy mo.”
Umiling ito, “No, wala naman siyang pakialam sa akin, teacher!”
Nabigla siya sa sinabi ng bata. Kaya naman lumuhod siya at tinapatan ito, “Ano bang sinasabi mo, Gisele? Of course, may pakialam si mommy mo sayo. Your mommy and your daddy both love you. Kaya huwag mong sabihin ulit ‘yun, okay?”
Hanggang sa umiyak na ito, “You don’t care about me rin pala, teacher.”
Iyak na ito nang iyak nang dumating ang yaya nito, “May problema ba si Gisele, Manang Jolly?”
Malungkot na yumuko ang yaya. Kaya naman tila nakuha niya nang bahagya ang sagot mula dito, “Manang?”
“Si Gisele na ‘ata ang pinaka-kawawang batang nakita ko,” malungkot na tinig nito. “Bagong panganak palang itong batang ‘to ako na ang nag-alaga dito. At ‘ni minsan ay hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong atensyon mula sa mommy niya.”
Nang makatulog na ang alaga ay dinala siya ng yaya sa kwarto nito sa likod upang doon ipaliwanag sa kanya ang lahat, “Hindi tunay na nanay ni Gisele si Madam Cordelia. Namatay ang totoong nanay ni Gisele, na first love ni Sir Greyson, sa panganganak sa anak.”
Gulat siya sa rebelasyon ng matanda, “Eh bakit magkamukha po sina Gisele at Miss Cordelia?’
“Dahil kapatid ni Cordelia si Cony, ang totoong nanay ni Gisele.”
“Kung mag-tiyahin naman po pala sila bakit ‘di niya magawang mahalin ang bata.”
“Dahil may gusto si Cordelia kay Sir noon pa man kaso ang ate niya ang nagustuhan ni Sir. Kaya noong namatay si Cony, bantay salakay si Cordelia kay Sir Greyson.”
Mukhang naiintindihan niya na ang mga pangyayari, “So kaya ‘di siya magawang mahalin ni Miss Cordelia kasi pati anak ni Miss Cony pinagseselosan niya kay Sir Greyson.”
Umiling na lamang ang yaya ng bata bilang kompiramasyon sa tunay na nangyayari sa loob ng tahanan nila.
Naawa siyang bigla sa bata. Kaya pala malapit ito sa kahit sinong babaeng makilala niya dahil nanghihingi ito ng atensyon ng isang ina. Simula noon ay hindi nalang bilang isang guro ang pagtrato niya sa bata. Tinuring niya na rin itong parang isang anak. Sinubukan niyang mabuti na punan kung anuman ang kulang sa buhay nito.
Anoangaralnanatutunanmosakathangito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.