Nagpupumilit ang Mister na Makipag-date ang Misis sa Ibang Lalaki, Sa Huli ay Laking Pagpapasalamat ng Misis sa Kanyang Mister
Nabigla si Gaile nang bigla siyang sabihan ng asawa na makipag-date naman sa isang lalaki. Napamulagat siya nang tayo. “Anong sabi mo?” Ngumiti nang marahan sa kanya ang mister, “Ang sabi ko, napakabusy mo na sa trabaho mo. Wala ka ng time makipag-date.” “Sayo? Eh ‘diba kakalabas lang natin noong isang linggo?” iritable na siya sa mister. Hindi niya kasi magets ang pinagsasabi nito ngayon. “Hindi naman sakin eh,” mapang-asar pa rin ang ngiti nito. “Naka-inom ka ba, Kenneth?” pabiro at sarkastikong tanong niya dito. Ngunit imbes na sagutin ay tinulugan lang siya ng mister. Kinabukasan ay hindi pa rin mawaglit sa isip ni Gaile ang sinabi ng mister niya kagabi. Takang-taka siya kung bakit gusto nitong makipagdate siya sa iba. “Hon, ready ka na?” Nagulat siya dito nang bigla siya nitong salubungin dala-dala ang paboritong dress niya, “Saan?” “Sa date mo ngayon.” Napakamot siya sa ulo, “Hindi ka na nakakatuwa, Kenneth ah. Baka mamaya totohanin ko ‘yan iyak-iyak ka!” Napabunghalit ng tawa sa kanya ang misis, “Napakapikon mo talaga! Sabi ko lang naman makipagdate ka sa iba, kay Papa!” Nangunot ang noo niya, “Si papa?” “Oo si papa mo! Sa sobrang busy mo, hindi mo na siya nakaka-bonding.” Narealize niyang tama naman ang mister kaya naman agad niyang pinuntahan ang papa niya sa bahay nito. Halos labinlimang taon nang byuda ang papa niya kaya naman matagal na rin itong nag-iisa sa bahay nito sa kabilang syudad. Ayaw naman nitong sumama sa kanila dahil ayaw nitong iwan ang dati nilang tahanan. Kumatok siya sa pintuan sa bahay ng papa niya. Halatang nagulat ito nang makita siya, “Gaile anong ginagawa mo dito? At bakit bihis na bihis ka?” “Gusto lang kita idate, Pa.” Natuwa naman ang papa niya at sumama agad sa kanya nang yayain niyang magsine at kumain sa restaurant. “Salamat, anak. Ang saya ko kasi naka-bonding kita ulit tulad noong maliit ka pa,” naluluha-luha ang Papa niya. “Sabagay maliit ka pa rin naman hanggang ngayon.” Natawa siyasa biro ng papa niya. Hindi pa rin nagbabago ito. Matapos magdrama ay sasabayan ng isang korning joke, “Papa naman!” “Biro lang, mahal kita anak. Salamat sa inyo ng asawa mo sa patuloy na pagsuporta sa akin.” Hinawakan niya ang kamay nito, “Wala ‘yun Pa. Mahal na mahal ka namin ni Kenneth, at ng mga apo mo.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.