Nagpapanggap na Mabuting Madrasta ang Babaeng Ito Hanggang sa Mahuli sa Akto ng Lalaking Sinasaktan Nito ang mga Anak
Anim na buwan na ang nakalilipas nang magsama sina Liberty at John, may isang anak sa ibang lalaki si Liberty at may dalawa namang anak sa unang asawa si John. Wala namang problema doon, para kay John ang mahalaga ay ang ngayon at tanggap niya naman ang nakaraan ng babae. Si Liberty naman, sinasabi lang kay John na tanggap niya ang mga anak nito pero ang totoo ay nabubwisit siya sa mga bata dahil imbes na sa anak nalang niya magsisilbing ama si John ay umeeksena pa ang mga ito, pakialam niya ba kung sila ang tunay na anak. Iba na ngayon! Pakiramdam niya rin ay kaagaw niya ang mga ito sa lahat ng bagay, yaman ni John, oras at atensyon kaya kapag nakaharap ang lalaki ay doon lang siya mabait. Pag talikod nito, minamaltrato niya ang mga bata. Buti na lang at hindi nagsusumbong. Isang hapon, umakyat si Liberty sa kwarto ng dalawang anak ni John, kasama niya ang anak niyang si Rome na katulad niya ay masama rin ang ugali kahit bata pa. Pagpasok nila sa kwarto ay naglalaro ng tagu-taguan ang magkapatid. Kinuha ni Rome ang isang manika at tinanggal ang ulo noon. “Hala!” sabi nalang ni Janine, ang panganay na anak ni John at napaiyak ito. Natawa naman si Liberty, buti nga iyon dito. “Iiyak-iyak pa to. Sampalin kita dyan eh. Ano pagdating ng daddy mo yayakap-yakap ka pa, drama queen! Dapat sa inyo umaalis na dito eh. Bakit kasi dito pa kayo, may lola naman kayo diba? Gagang to!” sabay sabunot dito. Pati ang maliit nitong kapatid ay hindi niya pinaligtas at kinurot niya rin. Napaiyak naman ang bata. “Susumbong kita kay Papa!” sabi nito. “Ah talaga? Talaga, talaga? Takot ako! Tignan natin kung maniniwala sa inyo,” nakangisi niyang sabi. Maya maya pa ay nag-ring ang cellphone niya. Si John ang tumatawag. “Hi Honey! What time ka uuwi? Okay naman kami ng kids, we’re playing. Kakakain lang namin ng meryenda.” sabi niya rito kahit ang totoo naman ay sila lang ni Rome ang kumain. “Sinungaling ka.” sagot ng lalaki sa kabilang linya. Nagulat si Liberty dahil hindi lang sa telepono nanggagaling ang boses nito kung hindi sa loob ng malaking aparador ng mga bata. Maaga pala itong nakauwi mula sa opisina, at dahil nasa kusina siya kanina ay di niya napansin na dumiretso ito sa kwarto ng mga anak at nakipaglaro ng tagu-taguan. Saktong nakatago ito sa aparador nang pumasok siya sa kwarto kaya nasaksihan nito lahat ng ginagawa niya sa mga anak nito. “J-john.. hindi mo naiintindihan-” hindi na natapos ang sasabihin ng natatarantang si Liberty nang bumukas ang aparador at iniluwa ang galit na galit na lalaki. “Lumayas kayo. Layas!” sigaw nito sa kanila. “John, di mo ba ako mahal?” sinubukan niyang mauto ito. “Minahal kita, pero mas mahal ko ang mga anak ko. Ngayon alis na!” matigas na sabi nito. Wala nang nagawa si Liberty kung hindi umalis. Simula noon ay naghirap silang mag-ina. Si John naman ay nagsisi rin sa naging kapabayaan niya sa mga anak. Anim na buwang nagtiis ang mga ito, ipinangako niya sa sarili na sa susunod na magmamahal siya, sisiguruhin niyang mamahalin din ng babae ang kanyang mga anak. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.