Inday TrendingInday Trending
Kabutihang Walang Hinihinging Kapalit

Kabutihang Walang Hinihinging Kapalit

Isang taxi driver si Anthon, habang namamasada ay nagkaroon siya ng pasaherong forienger na ayon dito ay nanggaling pa ng Canada. Madaldal at palakaibigan ang kano, kaya kahit nahihirapan siyang magsalita ng ingles ay sinikap niyang mag-ingles para lamang magkaintindihan silang dalawa.

“I’ve been to different places already, but Philippines for me is the best! That’s the reason why I love travelling here,” buong pag-hangang sabi ng dayuhan.

“Ah, thank you sir, because you love our country,” tugon ng drayber. Natatakot siyang baka maubusan siya ng ingles sa kanong ito at dumugo na lang bigla ang ilong niya.

Panay salita pa rin ang Canadian at panay naman ang sagot naman niya. Hindi niya alam kung tama ang ingles niya basta ang mahalaga ay naiintindihan siya nito. Nagpababa ito sa Manila Hotel at nagbigay pa ng limang daang tip na labis niyang kinatuwa. Malaking bagay na rin ang limang daan.

Nagpatuloy siya sa kaniyang pamanasada. Nang mapagod ay nagdesisyon si Anthon na pumarada na muna upang magpahinga. Ugali niyang walisan ang likurang bahagi ng taxi kapag pumaparada. Sa pagwawalis ay may nasagi siyang isang pitaka. Agad niya iyong kinuha upang alamin kung kanino ang pitakang iyon at agad ding namangha dahil pagmamay-ari ito nung pasahero niyang Canadian.

Paano siya nito nabayaran kanina kung nalaglag pala nito ang pitaka? Binuksan niya ang pitaka upang tignan kung may pera bang laman iyon at meron nga. Kulang-kulang sampung libo ang laman ng wallet nito at nakapaloob pa sa pitaka ang mga ID, ATM, credit cards at ano-ano pa. Alam niyang mahirap kumuha ng mga ID at naging mabait sa kaniya ang Canadian kaya imbes na magpahinga ay nagdesisyon siyang puntahan ang hotel na pinaghatiran niya rito.

Ngunit pagdating doon ay sinabing nag-check out na daw ito. Kaya mas lalo siyang naguluhan kung paano niya maibabalik ang wallet na nakuha rito.

Kaya ang ginawa niya ay nhumingi siya ng tulong sa pulis upang hanapin ang nag-mamay-ari ng wallet at bumalik na upang mamasada. Ayaw man niyang ipagkatiwala iyon sa iba ay wala siyang maisip na ibang paraan. Nag-iwan naman siya ng number upang kapag nakontak na nila si Mr. Harry ay tawagan siya ng mga ito.

Makalipas ang tatlong araw ay may tumawag sa kaniya.

“Mr. Anthon, maaari ka ba naming imbetahan ngayon sa presinto? Nandito na kasi ang may-ari ng pitakang nakuha mo,” wika ng lalaki sa kabilang linya.

Agad naman siyang nakaramdam ng saya dahil sa nalaman. “Sige po sir, thank you po sa pagbibigay alam,” masaya niyang wika.

Pagdating sa presinto ay agad niyang nakita ang kanong kaniyang naging pasahero.

“Hello, sir,” magalang niyang wika sa harapan ng mga pulis.

“Hello, my friend,” bati naman sa kaniya ni Mr. Harry. “Thank you for bringing back my wallet. I was so worried, because I thought I lost it for good,” masayang wika pa nito.

“You’re welcome Sir Harry,” marami siyang nais sabihin ngunit hindi niya masqbi dahil nahihirapan siyang mag-ingles.

Ibinalik na nga ng Police Officer ang wallet ni Mr. Harry sa harapan niya at pinabilang pa nito kung wala bang nagkulang sa pera.

“It’s totally complete. Walang labis, walang kulang,” natatawang wika nito sa animo’y may singaw sa bibig.

“I immediately went back to Manila Hotel, sir when I saw your wallet, but I’ve found out that you have already left the hotel. That’s why I went here to surrender you wallet,” nakangiting paliwanag ni Anthon.

“Oh! Thank you so much, Anthon. You know what’s important for me? It’s my card. This is gold and thank you so much,” wika nito sabay yakap sa kaniya. Kitang-kita ang saya sa mukha ni Mr. Harry dahil naibalik rito ang mahalagang gamit. “And in return, I would like to give you this,” anito sabay abot ng nakatuping tig-iisang libo. “It’s all yours, Anthon. I already lost that money so I’m giving it to you for your kind heart. I wish all filipinos are like you. You have a kind heart brother and you’re amazing!” buong pag hangang wika ni Mr. Harry.

Gustong maiyak ni Anthon sa natanggap na malaking pera kay Mr. Harry, hindi niya akalaing ibibigay nito ang lahat ng perang laman ng wallet nito. Lagi nitong sinasabi na hindi mahalaga ang pera kung ‘di ang mga card nito na sakit sa ulo kapag nawala kaya laking pasasalamat daw nito sa kaniya dahil may mabuti siyang puso na agad namang sinang-ayunan ng mga pulis na kaharap.

Sa pagbalik ni Anthon sa pitakang kaniyang napulot ay wala siyang ibang inisip kung ‘di ang mararamdaman ng isang taong nawalan. Hindi na niya inisip na may kapalit ang pagsauli niyang iyon. Ngunit isang biyaya sa kaniya si Mr. Harry at wika nga nito ay biyaya rin siya para rito. Kung hindi sa’yo ang isang bagay at ikaw ang nakakita nito. Dapat mo pa rin itong ibalik sa may-ari dahil una sa lahat, masakit ang mawalan at may karmang laging nakaabang.

Advertisement