Inday TrendingInday Trending
Minaliit ng mga Kaklase Niya Noon ang Maggugulay na Ito; Nagulat Sila sa Isang Pasabog Nito

Minaliit ng mga Kaklase Niya Noon ang Maggugulay na Ito; Nagulat Sila sa Isang Pasabog Nito

Usap-usapan sa Batch 1977 ang kanilang kaklase na natatanging napariwara raw ang buhay. Mula kasi hayskul, si Ryan lamang ang nag-iisang hindi man lang nakapag-aral ng kolehiyo. Habang ang lahat ay naging ganap na guro, inhinyero, nurse at iba pang mga propesyonal, si Ryan naman ay abala sa pagtatrabaho kasama ang kaniyang magulang sa kanilang munting bukirin sa probinsya.

Ilang taon na ang lumilipas at hindi na nila kailanman nakita si Ryan. Bali-balita pa nga raw ay pumanaw na ito kakatanim sa kanilang bukid. Ito ay upang mapagtawanan lamang ang mababang pamumuhay raw na mayroon ito. Nanghihinayang sila dahil ito ang kanilang valedictorian noong sila ay nagtapos. Kung noon raw ay ito ang nangunguna, ngayon daw ay ito na ang kulelat sa kanilang lahat.

Taon taon ay nagkakaroon ng reunion ang magkakaklase upang magkumustuhan ang bawat isa. Hindi rin nila pinapalagpas ang pagyayabangan sa isa´t isa ng kanilang mga sasakyan at iba pang mga napundar. Kani-kaniya rin ang magarbong kasuotan na kanilang pinaghahandaan upang maipakita lamang na hindi sila nahuhuli pagdating sa pagiging mayaman.

Paparating na ang kanilang taunang reunion at abala na ang lahat sa paghahanda ng kanilang mga isusuot at ang halagang idodonate nila sa kanilang organisasyon. Bukod kasi sa salo-salo, nagkakaroon din sila ng donasyon upang pag-aralin ang ilan sa mga estudyante na nag-aaral sa kanilang paaralan na pinagtapusan. Habang sila ay nagsasabi ng halagang kaya nilang ibigay sa organisasyon, doon na rin nagaganap ang payabangan kahit na ata ay wala nang matira sa kanila.

Ibinigay na ang imbitasyon para sa kanilang mga kasamahan na nakapagtapos sa taong iyon. Magkakaroon ngayong taon ng isang magarbong pagdiriwang para sa kanilang lahat. Inaanyayahan din ang lahat na magsuot ng bestidang magarbo habang suit and tie naman para sa mga kalalakihan.

Nagpatuloy ang paghahanda ng lahat para sa sinasabing reunion. Hindi kasi maaaring magpahuli, kailangan ay maipakita nilang matagumpay sila sa kani-kanilang mga buhay. Sinasama rin nila ang kani-kaniyang mga asawa upang ipakita na matagumpay rin ang mga naging asawa nila. Kung titingnan sa panlabas, ang pagdiriwang taon taon ay isa lamang palabas upang magpayabangan at magpalakasan ng hangin ang mga dating magkakaklase.

Hanggang sa dumating na nga ang gabing pinakahihintay ng lahat. Ito ay ginanap sa isang kilalang hotel kung saan ito ay may disenyong magarbo. Ang mga bisita dapat ay nasa listahan, kung sakali mang wala, hindi ito pinapapasok. Ekslusibo raw kasi ito para lamang sa kanilang mga kasamahan.

Ilang sandali lamang ay isa isang nagsidatingan sakay ng mga mamahaling sasakyan ang mga bisita. Ang ilan ay naka-kotse at mayroon ding mga naka-van. Sakay ng mga ito ang mga mapuputi’t makikinis ang balat suot ang magagarbong bestida. Ang mga kababaihan ay may mga suot na alahas na ‘sing kapal ng mga libro sa isang silid-aklatan. Tumataginting din sa kinang ang mga bato mula sa kanilang mga alahas.

Habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan, ikinagulat ng marami ang pagdating ni Ryan. Kulubot na ang balat nito at maitim na rin. Marahil ay kakatanim nito ng palay sa kanilang bukirin. Ang lahat ay pakunwaring nginitian ang matanda ngunit halos lahat ay walang gustong makipag-usap nang matagal kay Ryan. Wala naman daw kasi silang mapapala kung kakausapin nila ang isang taong naghihirap. Wika pa ng iba, nakakahiya raw na pumunta pa iyon sa kanilang pagdiriwang.

Dumating ang oras na pinakahihintay ng lahat kung saan isa isa na silang magsasabi ng halaga na kaya nilang idonate sa organisasyon. May isang daang libo, dalawang daang libo, kalahating milyon at ang isa pa ay isang milyon na siyang kinahangaan ng lahat. Pinalakpakan ito nang marami at talaga namang kinamanghaan. Tunay ngang kay layo na ng narating ng kaklase nilang iyon dahil nakapagbibigay nang ganoon kalaking halaga.

Tumahimik ang lahat nang magsalita ang taong nag-organisa ng pagdiriwang. Siya raw ay binayaran lamang upang ayusin ang kanilang reunion. At dito niya binanggit ang katotohanang nagpatahimik sa ingay ng lahat. Binanggit ng lalaki ang buong pangalan ni Ryan na naroon ng gabing iyon.

Taon taon man nilang hindi nakakasama subalit ang tao pala sa likod ng organisasyon ng kanilang salo-salo ay si Ryan. Siya raw ay nagdodonate ng limandaang libong piso sa bawat taon na magkakaroon sila ng reunion. Hindi makapaniwala ang lahat sa sinabi ng lalaki sa entablado.

Pagkauwi ng lahat ng gabing iyon, hinanap nila sa internet ang pangalan ni Ryan at doon nakita na nagmamay-ari na pala ito ng grupo ng mga kumpanya ng mga kilalang kainan sa buong mundo at pangunahing nagsusupply ng mga gulay sa iba´t ibang mga bansa.

Tameme ang lahat sa kanilang nalaman. Ang dating pinagtatawanan nila ay hindi pala basta basta. Kung akala nila ay nakaangat na sila dahil hindi nakapagtapos ng kolehiyo ang kaklase, doon naman naisupalpal sa kanila ang katotohanang ang tagumpay ay hindi nasusukat sa taas ng iyong pinag-aralan. Dahil madalas, mas nagtatagumpay ang mga mabubuti at masisipag kaysa mga taong nag-aral nga, umaasta naman nang mas masahol pa sa mga taong walang pinag-aralan.

Advertisement