Ubod nang Yabang ang Anak ni Mayor na Ito; Isang Leksyon ang Magpapabago sa Kaniya

Isa-isang pumasok sa silid-aralan ang magtotropa na pinamumunuan ni Sander. Kung makalakad akala mo´y bawal silang banggain ng sinuman. Puno ang daanan sa tuwing dadaan sila. Kahit na maraming naiinis sa kanila lalo na kay Sander, walang makabangga dito dahil anak ito ng mayor ng kanilang siyudad. 

Noong isang pagkakataon na may nagtangka na isumbong si Sander sa principal ng school, sa halip na matanggal ito ay ang batang nagsumbong pa ang napatanggal sa eskwelahan. Ganito kalakas ang kapit ng binatang ito. Sa buong kolehiyo, kilala siya bilang makapangyarihan ng kapwa niya estudyante pati na kaniyang mga guro.

Kahit na hindi pantay na trato, tinatanggap na lamang ng lahat. Kung kaya rin marami ang gustong makasundo niya dahil tiyak na papasa at magkakaroon din ng kapit sa eskwelahan. Pagdating kasi sa kaniyang pamilya, ubod nang espesyal ang trato sa kaniya. Kahit na mali ay sinusuportahan siya ng mga ito dahil nag-iisang anak siya. Wala rin siyang ina na nag-aruga sa kaniya kung kaya naman pakiramdam ng iba ay kawawa pa rin si Sander. 

Isang araw habang nagkaklase, kahit na isang oras ng huli sa oras si Sander at mga tropa niya ay walang nagawa ang guro kundi papasukin ang mga ito. Lahat na lamang ng tao ay dapat makisama sa kaniya. Kahit na walang katarungan at hindi na makatao. Wala silang magawa sa anak ng lider ng kanilang siyudad.

Dahil labing pitong taong gulang pa lamang si Sander, pumapasok at umuuwi siya na sinusundo siya. May sarili siyang drayber dahil hindi pa siya maaaring magmaneho. Ngunit dahil ubod nang yabang nito, palagi niyang tinatakbo mag-isa ang kanilang sasakyan at siya mismo ang nagmamaneho nito. 

Isang tanghali, init na init si Sander. Kahit na nakatapat na siya sa aircon, kunot pa rin ang noo´t kilay niya. Naisip niyang pumunta sa opisina ng principal at doon ay niyawyawan niya mismo ang ginang. Bakit ba raw bulok ang mga aircon ng paaralan. Malaki naman daw ang binabayad niya pati na ng ibang estudyante. Lahat ay dinamay na niya. Kahit na nabastos ang ginang dahil siya ay principal ng paaralan, wala itong sinabi kundi ang ipapaayos na lamang ang aircon na hindi gumagana o mahina na. Matapos ang kanilang usapan, nanatili si Sander sa loob ng opisina ng principal dahil ang kaniyang katuwiran ay sobrang init sa mga silid aralan at maiingay pa ang mga gurong nagtuturo sa harapan. 

Hindi namalayan ni Sander ang oras at gabi na pala. Abala kasi sila sa paglalaro sa kanilang selpon. Wari bang bahay lamang niya ang opisina ng kanilang principal. Naunang umuwi ang kaniyang mga tropa dahil gabing-gabi na. Sa kadahilanang tinatamad pa siya, nagpahuli siya at sinabing siya na ang magsasara ng opisina. 

Ilang sandali lamang, nagutom siya at nagpasya siyang umuwi na. Tiningnan niya ang oras at maga-alas dyes na pala. Mabilis siyang nagsuot ng sapatos at nag-ayos upang kitain ang naghihintay sa kaniyang sasakyan na susundo sa kaniya. Habang naglalakad si Sander palabas ng eskwelahan, bigla na lamang may humablot sa kaniya at nawalan siya ng malay. 

Advertisement

Paggising ni Sander, mabilis siyang tumayo at tiningnan ang pagilid. Inaalala niyang maigi ang pangyayari kagabi ngunit wala siya gaanong maalala. Ang huling natatandaan ay may parang humablot sa kaniya at nakatulog na siya. Mabilis siyang pumunta sa manong na naghahatid at sundo sa kaniya at sinabi nito na nakatulog daw siya sa opisina at binuhat siya papasok ng sasakyan. 

Naisip ni Sander na baka raw ay isa lamang itong panaginip. Kaya naman nagpatuloy si Sander na parang walang nangyari. Kumain, naligo at naglaro pa kahit na huli na siya ay pumasok na siya sa eskwelahan. Pagbaba niya ng sasakyan, napansin niyang walang estudyante siyang nakita. Pinagpatuloy pa niya ang paglalakad at nakasalubong ang principal ng paaralan. Nagtanong siya rito na parang ka-edad lamang niya at dito niya nalaman ang buong istorya.

Ang paaralan daw ay pilit na ipinasara ng mismong gobyerno. Ito ay matapos kumalat ang bidyo na naglalaman ng isang estudyante na tumapos ng kaniyang sariling buhay dahil sa pangungutya ni Sander at ng kaniyang tropa. Lumabas din ang bidyo kung saan mapapanood siyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Biglang naalala ni Sander ang gabing wala siyang maalala. Hindi man iyon totoo subalit marahil isa ito sa mga paraan ng mga taong may galit sa kaniya para gumanti. Kasunod nito ay ang maraming kaso ng mga taong lumantad ng mga kalokohan ni Sander. 

Hindi lamang paaralan ang naipasara ng pamahalaan. Kasunod nito ay ang pagpapatanggal ng kaniyang ama bilang mayor ng kanilang siyudad. Mabilis na umuwi si Sander at hinanap ang kaniyang ama. Nakita niya itong umiinom ng alak at balak na tapusin na rin ang kaniyang buhay. Nagulat siya at agad na niyakap ang ama habang umiiyak. Lahat ng ito ay kagagawan niya. Humingi ng tawad si Sander sa lahat ng kaniyang naging kasalanan. Ganoon din ang kaniyang ama na hindi naging mabuting ama sa kaniya.

Nagpasiyang umalis ng siyudad na iyon ang mag-ama dahil sa kahihiyan at upang iwasan na rin ang pambabatikos ng mga tao. Sising-sisi ang dalawa lalo na si Sander. Kung sana ay naging mas mabuti siyang tao at estudyante sa lahat ay wala sanang buhay ang nasayang.