Dalagang OFW na Ulila sa Ina, Sa Kanyang Amo Ibinuhos ang Pagmamahal, Dahil Doo’y Naging Sunod-Sunod ang Swerte Niya
“Ano nang balak mo ngayon, Camille? Wala na ang iyong ina?” tanong ng kanyang tiyahin sa kanya. Kalilibing lang ng kanyang ina at sinabihan siya nito na handa siya nitong pag-aralin ng kolehiyo ngunit dahil nahihiya siya dito ay magalang niyang tinanggihan iyon. “Gusto ko po sanang mag-abroad, Auntie.” Bahagya itong nagulat sa sinabi niya, “Sigurado ka ba d’yan hija? Mahirap ang buhay sa abroad. Mag-isa ka lang dun.” Hinawakan niya ang kamay nito, “Malulungkot din naman po ako dito dahil lagi ko lang maaalala si nanay.” Nakakaintindi siya nitong niyakap, “Basta kapag kailangan mo ng tulong. Huwag ka mag-aalangang tumawag ah.” Laking-pasalamat niya sa kanyang tiyahin dahil ito ang sumagot ng lahat ng gastusin sa pagkamatay ng kanyang ina. Kung hindi kasi dahil dito ay hindi niya alam kung paano mairaraos ang burol at libing ng yumaong ina. Matagal na rin siyang ulila sa ama at nag-iisa lang siyang anak. Kaya nga nagdesisyon siyang mag-apply bilang OFW. Sa kabutihang-palad ay natanggap siya bilang caregiver sa Canada matapos niyang mag-aral ng anim na buwan. Isang matandang babae ang inaalagaan niya. Magaan agad ang loob niya dito dahil nakikita niya ang imahe ng kanyang ina dito. Kaya naman binuhos niya dito ang pangungulila at pagmamahal sa nanay niya. “You should rest now, Camille.” Ngumiti siya sa matanda, “No, Ma’am. I should be with you until you sleep.” Hinawakan nito nang marahan ang kanyang kamay, “Don’t call me, Ma’am Camille. What do you call your mom back in the Philippines?” Naguguluhan man ay sinagot niya pa rin ang tanong nito, “I call her, Nanay.” Ginaya siya nito, “Okay, call me nanay.” Na-touched siya sa sinabi nito, pinilit niyang huwag mapaiyak. Lalo lamang siyang napamahal sa mabait na matanda. Laking-pasalamat niya dahil kahit first time niyang sumabak sa abroad ay sinuwerte agad siya sa amo. Labis rin naman ang pasasalamat sa kanya ng matandang alaga dahil masaya ito sa pagmamahal na ibinibigay niya. Wala na rin kasi halos itong kasama sa bahay dahil minsan lamang itong dalawin ng mga anak na may sari-sarili nang pamilya. Ang iba’y busy pa sa kanya-kanyang negosyo. “Do you want to pursue your studies, Camille?” nagulat siya sa biglaang tanong ng matanda sa kanya. “I want, but how could I take care of you if I do that?” Pinaliwanag nito na pwede niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagkuha ng night classes. O sa madaling salita ay sa gabi siya mag-aaral. Dahil pursigido rin siyang makapagtapos ng kolehiyo ay pumayag siya sa alok ng kanyang amo. Halos apat na taon niya ring ginawa iyon. At sa kanyang pag-aalaga sa amo, ay mas lalo silang napapamahal sa isa’t isa. Kaya nga labis ang pag-aalala niya nang bigla itong atakihin at isugod sa ospital. Iyak siya nang iyak at labis ang pagdarasal sa paggaling nito. Hindi niya na ‘ata kakayanin kung pati ang pangalawang ina niya ay mawala sa kanya. Dahil sa milagro ng kanyang panalangin ay nakaligtas ang matanda. At doon ay lalong napatunayan nito kung gaano siya kamahal ni Camille. “I want to give you half of my assets, Camille.” Gulat na gulat siya sa sinabi nito, “What do you mean, Nanay?” “I want you to pursue more of your dreams. I don’t want you to be my caregiver forever,” Ngunit luhaang niyakap niya ang matanda, “No, nanay I am so happy and contented now. I love taking care of you.” Dahil doo’y hindi nagbago ang desisyon ng matanda. Nilihim nito ito sa kanya at nalaman niya lang iyon nang yumao ito. Pati mga anak nito ay hindi makapaniwala sa nangyari. Napakayaman pala talaga ng matanda dahil milyones ang iniwan nitong pamana sa kanya. Dahil doo’y tinupad niya rin ang gusto ng matandang alaga sa kanya noon. Inabot niya ang kanyang mga pangarap at hindi pa rin nakalimutang tumulong sa huli. Nagpatayo siya sa Pinas ng isang “home for the aged” na kumukupkop sa matatandang palaboy. At sa pamamagitan noon ay nakahanap rin siya ng pagmamahal ng hindi lamang isa kundi napakaraming ina. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.