Inday TrendingInday Trending
Nagtampo ang Dalaga Nang Minsan Siyang Hindi Payagan ng Ama, Isang Aksidente pa ang Nakapagbigay-aral sa Kaniya

Nagtampo ang Dalaga Nang Minsan Siyang Hindi Payagan ng Ama, Isang Aksidente pa ang Nakapagbigay-aral sa Kaniya

“Papa naman, eh! Bakit ba kasi hindi mo ako pinayagang sumama sa mga kaibigan ko? Kilala mo naman sila at may kasama pa kaming matatanda! Tingnan mo, o, ang gaganda ng litrato nila! Nakakainggit!” sambit ni Tiffany saka ipinakita sa kaniyang ama ang mga larawang nakita niya sa social media accounts ng mga kaibigan.

“Masama ang kutob ko, anak, huwag ka nang makulit para rin naman sa’yo ito. Hayaan mo, makakapunta rin tayo d’yan,” malumanay na sagot nito saka bumalik sa pagbabasa ng libro.

“Edi ngayon na tayo pumunta, papa. Alam mo namang noon pa man, gusto ko na makapunta sa Batangas eh!” tugon niya saka ka niyakap-yakap ang ama upang ito’y mapapayag.

“Anak, huwag na, makinig ka naman sa akin kahit ngayon lang. Ayoko lang na may masamang mangyari sa’yo,” tugo nito dahilan upang siya’y makaramdam ng tampo.

“Ewan ko sa’yo, papa! Kapag alam mong gustong-gusto ko ang isang bagay, todo kontra ka!” bulyaw niya rito saka pabalang na inihagis ang kamay nitong kanina’y yakap-yakap niya.

“Anak hindi sa gano’n, intindihin mo rin ang papa ayoko lang na mapahamak..,” hindi na natapos ng kaniyang ama ang sasabihin dahil agad na niya itong binulyawan.

“Sa ayaw at gusto mo, hahabol ako ro’n!” bulyaw niya saka malakas na isinara ang pintuan ng kaniyang silid.

Simula nang pumanaw ang ina ng dalagang si Tiffany, ang kaniyang ama na ang tumayong ama at ina para sa kaniya. Ginagawa nito ant lahat upang maibigay lahat ng pangangailangan niya. Kitang-kita sa mga ginagawa nito ang pagmamahal na mayroon ito sa kaniya na madalas, mali ang dating sa kaniya.

Dahil nga siya’y dalaga na, nais na niyang kumawala sa lahat ng mga prinsipyo’t pagbabawal nito. Madalas nga, tumatakas pa siya rito para lang makipagkita sa kaniyang mga kaibigan sa mall, nagungupit pa siya rito kapag hindi siya binibigyan ng pera pang gala, at sa tuwing siya’y pinagsasabihan nito, imbis na sumunod, siya’y nagagalit pa.

Ayaw naman ng kaniyang ama na malayo ang loob niya dahilan upang palagi nitong ibigay ang gusto niya. Lalong-lalo na kapag nagsimula na siyang mag-amok. Ito ang tanging panakot niya sa tuwing hindi niya makuha ang kaniyang nais dahil alam niyang hindi siya matitiis nito.

Noong araw na ‘yon, matapos niyang balibagin ang pintuan ng kaniyang silid, agad siyang nag-ayos ng sarili at nag-empake ng mga damit na susuotin niya sa nasabing outing na pupuntahan niya. Desidido talaga siyang magpunta roon mag-isa. ‘Ika niya, “Marunong naman ako mag-drive, eh, hindi ko na kailangan pang isama si papa!”

Ngunit laking gulat niya nang maaninag niyang naghihintay na sa loob ng sasakyan ang kaniyang ama. Agad siyang tumakbo rito nang may galak.

“Ang tagal mo namang mag-ayos!” patawa-tawang sambit nito dahilan upang siya’y labis na matuwa’t agad na sumakay sa kanilang sasakyan.

Habang sila’y bumibiyahe, kinukwentuhan lang siya nang kinukwentuhan nito tungkol sa mga hindi malilimutang pangyayaring narasanan nito kasama ang kaniyang ina. Masaya’t ganado siyang nakikinig noong una, ngunit nang tumagal, nakaramdam na siya ng antok at nakatulog na habang tuloy pa rin ito sa pagkukwento.

Nagising na lang nang biglang may malakas na busina siyang narinig at kasunod noon, kitang-kita niya kung paano sinalpok ng isang trak ng mga kahoy ang kanilang sasakyan.

Muli siyang nagkamalay nang maramdaman niyang may humihila sa kaniya. Inaninag niya ito’t napangiti na lang siya nang marinig ang boses ng kaniyang ama. ‘Ika nito, “Ayos lang ‘to anak, parte ‘to ng buhay. Maaaring masaktan ka ngunit huwag kang susuko, ha?”

Iyon na lang ang huling mga salitang narinig niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nagising na lang siyang nasa ospital na, nang makita niyang punong-puno siya ng mga sukat sa braso’t hita, agad niyang hinanap ang kaniyang ama.

Ngunit kahit anong tanong niya sa mga nars na naroon, nakatungo lang ang mga ito dahilan upang ganoon na lang siya mapaiyak.

“Sabihin niyo sa akin nasaan ang papa ko!” Siya na lang ang buhay ko!” hagulgol niya dahilan upang lapitan siya ng isang doktor at sabihing nasa kritikal na kondisyon ang kaniyang ama.

Ipinihit pala nito ang sasakyan upang hindi siya ganoon masaktan. Mangiyakngiyak niyang pinagmasdan ang amang puno ng sugat at pasa. Wala mang malay ito, labis siyang humingi ng tawad dito.

“Simula ngayon, papa, lahat ng gusto mo, taos puso ko nang susundin. Ngayon ko napatunayang lahat ng desisyon mo, para sa ikabubuti ko. Pasensiya ka na, papa!” iyak niya habang himas-himas ang sugatang kamay ng ama.

Advertisement