Inday TrendingInday Trending
Pilit na Binago ni Misis ang Kaniyang Mister na Lasinggero; Hanggang Kailan Kaya Niya Maitatali si Mister?

Pilit na Binago ni Misis ang Kaniyang Mister na Lasinggero; Hanggang Kailan Kaya Niya Maitatali si Mister?

Namimilog pa ang pawis ni Jhema habang tinititigan nito ang puting pader sa kanilang banyo. Hawak niya ang maliit na bagay na kaniyang ginamit upang malaman kung siya ay nagdadalantao na. Subalit nang kaniyang silipin ito nang marahan, bigo siya sapagkat negatibo muli ang lumabas na resulta.

Muling nadismaya si Jhema dahil limang taon na silang kasal ni Robert at hanggang ngayon ay hindi pa siya magkaanak. Ito ay marahil daw sa edad niyang may katandaan na para magbuntis. Inamin na rin kasi ng kanilang doktor na wala naman daw problema sa kanilang mag-asawa, sadyang matanda na talaga si Jhema para magbuntis pa.

Pagsapit ng gabi, nag-aalala na naman si Jhema dahil malakas ang ulan at alam niyang lasing na naman na magmamaneho si Robert sa kaniyang pag-uwi. Ilang buwan na rin itong Gawain ng asawa simula noong sila ay mag-away. Gusto na kasing mag-ampon ni Robert para magkaroon na sila ng anak. Subalit hindi naman nawawalan ng pag-asa si Jhema na balang araw ay bibiyayaan na sila ng sarili nilang anak.

Pagpatak ng alas dose ng gabi, isang tawag ang kaniyang natanggap sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog. Si Robert daw ay naaksidente matapos nitong bumangga sa isang poste. Kabadong nagtungo kaagad si Jhema sa ospital at doon binantayan magdamag ang asawang napuno ng sugat sa katawan at mukha nito. Hindi naman grabe ang nangyaring aksidente subalit dahil lasing si Robert, nagtamo siya ng maraming epekto mula sa pagkakabangga.

Sa loob ng silid, masayang nanaginip si Jhema habang nagbabantay sa kaniyang asawa. Sa kaniyang panaginip, muli niyang nakita ang kasiyahan sa mukha ng asawa matapos niyang magpositibo sa pagdadalantao. Ngunit sa kaniyang paggising, nagising rin siya sa katotohanang malabo nang mangyari ang kaniyang napanaginipan. Doon, nagsimulang magkaroon ng kasinungalingan sa isipan ni Jhema.

Matapos niyang makatanggap ng text mula sa kaniyang kapatid na ito raw ay nagdadalantao, agad siyang nakaramdam ng inggit dahil iyon lang ang tangi niyang panalangin ngunit hindi pa rin dinidinig ng Maykapal. Dahil malapit lamang ang ospital, nagtungo doon ang kaniyang kapatid upang kumustahin ang kalagayan nilang mag-asawa. Marami ring hinanakit ang kaniyang kapatid dahil wala pa itong asawa ngunit nabuntis siya ng hindi niya kakilala. Baliktad man sila ng kahilingan, naisip na lamang ni Jhema na sana ay sa kaniya na lamang napunta ang bata.

Ilang araw ang lumipas at nakalabas na rin sa ospital si Robert. Nalinis na rin niya ang pangalan sa presinto dahil nagmaneho siya nang nakainom. Inayos na nila ang mga gamit at muling nagtalo ang mag-asawa. Galit pa rin kasi ang nananaig kay Jhema dahil wala nang ibang ginawa ang mister kundi ang uminom gabi-gabi.

Ilang sandali lamang habang naghuhugas ng plato si Jhema, naramdaman niya ang yakap ng kaniyang mister mula sa likod. Nagulat siya dahil hindi na niya tanda nang huling maglambing ito sa kaniya lalo na’t hindi naman ito lasing. Agad niyang tinapos ang hugasin at hinarap ang asawa upang kausapin.

“Hindi mo naman ako kailangan sorpresahin. Pangako, mahal, magbabago na ako!” masayang pahayag ni Robert kay Jhema habang itinaas ang pregnancy test na nagpapakita na siya ay positibo.

Walang nasabi si Jhema kundi saya matapos makita at marinig mula mismo sa kaniyang asawa na ito raw ay magbabago na. Sa wakas, natupad din sa totoong buhay ang kaniyang panaginip. Subalit alam niyang hindi sa kaniya ang nakita ni Robert kundi sa kaniyang kapatid.

Ilang araw ang lumipas at lubhang nakita ni Jhema ang pagbabago sa kaniyang asawa. Hindi na ito umiinom, hindi na rin umuuwi ng hatinggabi. Lagi pa itong may uwing pasalubong na mga prutas para raw sa kanilang anak na akala ng mister ay nasa kaniyang sinapupunan. Nais na sanang ipagtapat ni Jhema subalit hindi niya kayang putulin ang masasayang araw nila. Kaya nagpasiya siyang kausapin ang kapatid na kukunin niya ang anak ito at ilihim ang mga pangyayari sa kaniyang asawa.

Lumipas ang tatlong buwan at ang pagkukunwari ni Jhema ay nagpatuloy pa rin. Isa mang kasinungalingan, nakita naman niya ang dulot na kasiyahan at pagbabago sa asawa. Nang sumapit ang pang-apat na buwan, nagpasiya si Jhema na umuwi ng probinsya upang doon daw siya magbuntis sapagkat maganda raw ang kapaligiran at makabubuti sa bata.

Dumaan ang mga buwan at palagi lamang sa selpon kung mag-usap ang mag-asawa. Kahit na magkahiwalay, alam naman ni Robert na pagkapanganak ay uuwi na ang kaniyang mag-ina sa kaniya. Hanggang sa dumating ang araw na manganganak na ang kaniyang kapatid na siyang sinabi ni Jhema na araw ng kaniyang kapanganakanan. Hindi ito sa ospital ipinanganak at binayaran niya ang kumadrona upang magsinungaling na siya ang ina ng bata. Nang masiguro niyang malinis na ang lahat, kinontak niya ang asawa at sinabing pagkaraan ng dalawang linggo ay maaari na silang umuwi.

Dalawang linggo ang nakalipas at umuwi na nga si Jhema sa kanilang bahay. Laking tuwa naman ni Robert nang makita ang bata subalit hindi niya maipaliwanag kung bakit may kulang matapos niya itong masilayan sa unang pagkakataon. Ngunit dahil anak nila ito, isinantabi niya ang nararamdaman.

Pagkaraan ng limang taon, nagsimulang magbago ulit si Robert. Kahit na awayin at takutin pa siya ni Jhema ay wala itong talab sa kaniya. Kung ano-ano na ring masasamang bagay ang sinasabi nito at kung minsan ay hindi na umuuwi sa kanila ang mister. Muli na namang nag-alala ang misis na abala naman sa pag-aasikaso sa kanilang anak.

Isang gabi, umuwi si Robert na lasing na lasing at nagwawala. Nang gabi na iyon, ipinagtapat ni Robert na alam niya ang lahat ng nangyari dahil siya ang tunay na ama ng bata! Sinadya niyang buntisin ang kapatid ni Jhema upang magkaroon na sila ng anak. Lubos ang kaniyang pagsisisi sa ginawang kasalanan. Nagulat naman si Jhema at natigilan na lamang. Hindi niya alam kung kaya pa niyang magtiwalang muli. Buong akala niya ay siya ang nagsisinungaling subalit kabaliktaran pala ang lahat ng mga nangyayari.

Tatlong buwan pa ang nagdaan na hindi nagpapansinan ang mag-asawa. Akala ni Jhema ay tuluyan na siyang aaklas sa kanilang sinumpaang pangako subalit isang balita ang hindi niya inaasahan. Sa gitna ng mga problema at mahirap na sitwasyon, doon sila nabiyayaan ng isang supling. Dahil sa lubos na kaligayahan, ibinalita niya ito kaagad kay Robert na walang ibang sinabi kundi umiyak lamang sa bisig ni Jhema.

Sa puntong iyon, nagkaroon ng pagpapatawad sa pagitan ng mag-asawa. Handa na sila muling ayusin ang kanilang pamilya kasama ng kanilang dalawang anak. At sa pagkakataong ito, wala nang kasinungalingan.

Advertisement