Inday TrendingInday Trending
Papalit-Palit ng Kinakasama ang Babaeng Ito; Kailan Kaya Siya Matatahimik at Makukuntento?

Papalit-Palit ng Kinakasama ang Babaeng Ito; Kailan Kaya Siya Matatahimik at Makukuntento?

“Lumayas ka na rito dahil wala kang naidulot na maganda dito sa papamahay ko! Layas! Layas!” mga salita ni Lina na palagi namang naririnig ng marami sa kanilang barangay.

Normal na ito para sa kaniyang mga kapitbahay. Halos buwan-buwan kasi kung magpalit itong si Lina ng kinakasama. Kahit na ilang taon na siya at may edad na, hindi pa rin tumitigil sa pagpapalit-palit ng kaniyang kinakasama. Noon ngang may tumagal sa kaniya ng isang taon, buong akala ng marami ay magpapakasal at mananahimik na rin ang buhay ng babae, subalit nagkamali sila dahil isang gabi ay bigla na lamang itong pinalayas ni Lina. At ang mga ganitong pangyayari ay nagsimula na namang mangyari buwan-buwan.

Pagkaraan lamang ng wala pang isang linggo, muli na namang may iuuwi si Lina. Sa mga unang linggo ay tahimik ang pagsasama ng dalawa. Habang abala si Lina sa pagtatrabaho, naiiwan ang binata na kaniyang kinakasama sa bahay. Ito naman ang gumagawa ng lahat ng mga gawaing bahay tulad ng paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagluluto, pagpaplantsa at marami pang iba. Tahimik na sana ang lahat subalit nangyari na nga ang dapat mangyari at inaasahan ng lahat, nang palayasin muli ni Lina ang binata at nagmumura-mura pa ito.

Ilang linggo ang lumipas, nagtataka na ang lahat dahil wala pa sila nakikitang inuuwing bagong lalaki ang babae. Hindi na rin ito gaanong naglalalabas sa kanila na parang hindi umuuwi. Hanggang sa dumating ang araw na nakita nilang umuwi si Lina kasama naman ang may edad na lalaki at dalawang bata. Usap-usapan sa kanilang barangay na sa matanda naman daw pumatol ang babae. Ang iba pa nga ay kabit daw ito sa ngayon. Maraming mga ispekulasyon sa buhay ni Lina subalit para sa babae, ngayon lamang niya naramdaman ang tahimik at payapang relasyon.

Ilang buwan din ang lumipas na ganoon ang buhay ni Lina. Madalang na siya kung umuwi sa kaniyang bahay at palagi na lamang siyang nasa bahay nina Joe na kaniyang karelasyon at may dalawa nang anak. Matagal na raw pumanaw ang asawa nito at para kay Lina, mas mabuti kaysa maging isang kabit.

Nagpatuloy pa ang masayang pamumuhay na ito ni Lina. Pakiramdam niya ay malapit na rin siyang pakasalan ni Joe at kung sakaling tatanungin siya, handa na siyang maging misis at manahimik sa iisang bahay kasama ang lalaki. Kahit pa hindi na sila magkakaanak, ang mahalaga ay makasama niya ito sa natitirang buhay nila. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang mga susunod na pangyayari ang siyang wawasak sa kaniya nang tuluyan.

Isang tanghali, walang pasok si Lina kung kaya’t kina Joe siya nagpalipas ng gabi. Wala roon ang mga anak nito dahil matagal na itong nagtitigil sa bahay ng ina ng lalaki. Naisipan ni Lina na magluto ng paboritong ulam nila na kare-kare. Masaya silang nagpunta sa palengke, nag-ayos ng mga kasangkapan, at nagluto ng magkasama. Hanggang sa isang babae ang dumating na may kasamang mga pulis.

Hindi maitago ang takot at gulat na naramdaman ni Joe nang makita sa kaniyang harapan ang kaniyang misis na umuwi galing ibang bansa. Doon ay hindi makapaniwala si Lina na naloko siya ng lalaking akala niya ay totoo na. Muling gumulo ang buhay ni Lina dahil kinailangan pa niyang dumalo ng mga pagdinig sa korte para lamang mapatunayan na hindi niya alam na may asawa pala si Joe.

Hindi nagtagal ay natapos din ang mahirap na sitwasyon ni Lina. Umuwi siya sa kaniyang bahay na lantang-lanta at hindi na makagalaw. Lubha siyang nasaktan sa mga kaganapan na hindi niya inakala na mangayayari. Sa dinami-rami nga naman ng mga lalaki sa mundo ay doon pa siya nagseryoso sa isang taong nakatali na pala sa iba. At kahit na bali-baliktarin pa man, hindi na niya ito mahahabol.

Isang linggo ang nakalipas at natapos na rin ang leave na hiningi ni Lina sa kaniyang opisina. Muli siyang tumayo sa kaniyang mga paa upang mabuhay muli. Alam niya sa sarili niyang may darating pa na muling magpapasaya sa kaniya. Subalit lumipas ang isang buwan ngunit hindi na siya ulit nahulog pa sa kahit na sino.

Isang umaga, nakita na lamang ni Lina ang kaniyang sarili na puno ng mga pasa at dinudugo na rin. Naisip niyang dahil lamang ito sa kaniyang buwanang dalaw at upang makasiguro, nagpatingin na rin siya sa doktor. Muling nawalan ng pag-asa si Lina nang malaman na siya ay may malubhang sakit sa dugo. Hindi na raw ito maaagapan dahil kumalat na ito sa kaniyang buong katawan.

Nang gabi na iyon, nakatulala lamang si Lina sa kaniyang ilaw habang nakasandal sa kaniyang malambot na sofa. Laking pagsisisi niya kung paano niya sinayang ang buhay niya na napakaiksi lamang. Sa wakas, matatahimik na rin ang kaniyang puso dahil sa ngayon ay kailangan niyang magpalakas at maging masaya hanggang sa bawiin na ang buhay na minsan lang ipinahiram sa kaniya.

Advertisement