Sa Tulong ng Pulubi

Ilang taon na ang lumipas nang sumakabilang buhay ang ama ni Elaine dahil sa TB. Highschool lamang siya noon, swerte nga at nakaabot pa sya ng fourth year. Pagka-graduate niya, kinausap siya ng kanyang ina na di na siya kayang pag aralin nito. Naunawaan niya naman agad, mahina rin kasi ang katawan ng nanay niya at apat pa silang magkakapatid na kakain.

Sabi nito, pagbigyan niya naman ang kanyang mga kapatid. Para kahit paano, lahat sila ay makatungtong man lang ng highschool. Gustong gusto niya mang magkolehiyo, mas mahalaga siyempre na kumain ang pamilya niya. Kaya bilang panganay, heto siya at naghahanap na ng trabaho.

Marahil ay pang-pito na ito sa in-applyan niya. Kaya lang, wala talaga. Kahit simpleng restaurant, kung hindi atleast 2 years ang hinahanap ay may experience raw dapat. Bagsak na bagsak siya sa mga unang qualification pa lamang. Ni hindi na siya nabigyan ng chance na mainterview, alam niya naman sa sarili niyang may utak siya.

Pagod na naglakad-lakad sa gilid ng kalsada si Elaine. Di siya pwedeng umuwi. Di niya na kayang makitang malungkot ang nanay at mga kapatid niya kapag ibinalita niyang di nanaman siya natanggap.

Isa nalang ang pag asa niya. Isang malaking kompanya ang naghahanap ng janitress. Ang sabi sa classified ads sa dyaryo, dapat raw ay mabait, masipag at may pleasing personality! Aba, maganda naman siya kaya pasok na pasok sa banga!

Sana matanggap siya. Natatanaw niya na ang malaking building at iba ang kaba niya.

Ilang buntong hininga ang kanyang pinakakawalan nang mapapitlag siya dahil kinakalabit siya ng isang lola.

Sumesenyas ito na pahingi ng barya, “H-Ho? Teka muna ho La,” dumukot siya sa bag at kinuha ang wallet. Medyo napangiwi siya dahil bente pesos na lamang ang laman noon. Alangan namang sabihin niya sa lola na magpapalit ito at tig sampu sila diba?

Advertisement

Tinitigan niya ang matanda, mahina na ito. Samantalang siya ay malakas pa.”Sige na nga, sayo na po ito. Maglalakad nalang ako pauwi. Dyan lang naman ang sa amin eh. Basta ipanalangin mo na sana matanggap ako ha?” nakangiting sabi niya.

Tumango ang lola. Hindi niya alam kung dahil ba sa katandaan o sadyang singkit ang mga mata nito.

Naglakad nang muli si Elaine at medyo napakunot ang noo niya nang maramdamang sumusunod sa kanya ang matanda.

“Naku La, wag mo akong sundan. Hindi po ako namamasyal. May pupuntahan akong importante,” sabi niya.

Pero sunod pa rin ito nang sunod kaya wala na siyang nagawa. “O siya. Halika na. Sumama ka na sa akin, basta hihintayin mo ako sa labas ng building okay? Mabilis lang po ako tapos ay ihahatid na kita sa pamilya mo. Nasaan ba ang mga anak mo po?” usisa niya habang inaakay itong maglakad.

Umiling ang lola, “Méiyǒu.”

“H-Ho?” tila yata ibang lenggwahe ang sinabi nito. Baka taga-probinsya, palibhasa ay tagalog lang ang alam ni Elaine.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa tapat ng malaking building. Ibinilin niya ang lola sa guard, gustuhin niya mang isama ito sa loob ay baka naman mabulilyaso pa siya.

Advertisement

Nag aalala pa nga siya dahil natagalan siya sa paghihintay sa lobby. Nang sa wakas ay tawagin ang pangalan niya ay kinakabahan siyang umakyat. Grabe naman, ganito ba rito? Maski na janitress ang pinapasukan ay pinaka-boss ang kakausap?

Wala pa naman siyang baong Ingles.

Napanganga siya sa ganda ng opisina. Sampung beses yatang mas malaki kaysa sa buong bahay nila sa iskwater.

Napansin niya ang nakangiting may ari, isa itong babae na may edad na. Sa pagtawa nito ay mas lalong sumingkit ang maliliit na nitong mga mata. Binasa niya ang karatula, Ms. Julie Yap.

“Hello Madam, good afternoon. I am Elaine Yulo Ma’am, applying for janitress. I am hardworking Ma’am, I have a good-“

“Thank you so much Elaine.”

Hindi man siya ganoon kagaling mag-english at medyo baluktot man ang dila ng kaharap ay naunawaan niya namang nagpasalamat ito. Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit.

Sumulyap ito sa kanyang tabi at ganoon nalang ang gulat niya dahil naroon na ang lolang pulubi!

Advertisement

“Ay naku lola, ano po ang ginagawa mo rito? Diba po sabi ko ay hintayin mo ako para ihatid kita sa pamilya mo. Madam, sorry. She is ah..she is poor lady in the street. She is with me Madam I help her to..to get back to her family. Sorry I do not know how she climb up here in your office..” di magkandatutong paliwanag niya.

Nagulat siya nang lalong lumaki ang ngiti ng babae.

“Actually, she is my nanny. She is too old but I still want her to be with us, not to work but because I treat her as family. She has been missing for 2 days now, but because of your kindness I found her again. She understand filipino and english she can’t speak. Only Chinese.”

Ah! Kaya pala iba ang isinagot sa kanya ng lola kanina.

Laking gulat ni Elaine dahil walang anu-ano ay tinanggap siya ng babae sa trabaho. Di bilang janitress kung hindi bilang assistant nito! Tinulungan siya nitong magtraining at pinag aral rin siya. Unti-unti, naiahon ni Elaine ang kanyang pamilya.

Ang swerte talaga, bigla-bigla na lamang dumarating basta puro kabutihan ang ating ginagawa. Ang simpleng pagtulong niya sa matanda ang nagbago ng kanyang buhay.