Lihim ni Lola

Pag uwi ni Aling Lolita ay naabutan niyang problemado ang anak niyang si Jane. Ang dalawa niya namang apo ay abalang naglalaro sa kapiraso nilang salas.

“Ano na naman, bakit parang Biyernes Santo na naman ang mukha mo?” tanong niya sa anak. Sinulyapan lang siya ng babae.

Iniba nito ang usapan, “Kumain ka na ba, Nay?”

“Oo sumubo ako bago umuwi. Open day kasi namin tapos marami akong customer na na-invite. Ang tatlo pa nga, nagpa-reserve talaga ng malaking bahay kaya may komisyon ako.” masayang wika niya, isa kasi siyang ahente ng mga bahay. Muli siyang nagtanong, “Sus alam ko na. Si Rob na naman ano?”

Malungkot na tumango si Jane sa kanya, “Ewan ko ba ho Nay. Wala naman akong nakikitang ebidensya pero malakas ang pakiramdam ko na may inililihim siya.”

“Tulad ng ano? Ano naman ang ililihim sayo ng asawa mo?”

“Kutob ko ho Nay, na may babae siya.”

Isang pagak na tawa naman ang isinukli ni Aling Lolita. “Ikaw talaga anak. Ito ay para sa akin lang ha, kay bait-bait na ng mister mo eh nasasabi mo pa iyan. Kita mo nga, pinayagan pa akong tumira rito sa inyo. Aber, paano naman pumasok sa isip mo yan ha?”

Advertisement

“Palagi ho kasing parang may iniisip. Palaging pagod, nung isang beses nga ay may bakas pa ng lipstick ang polo. Tapos kapag tinatanong ko kung may iba siya, hindi makatingin nang diretso sa mata ko.”

“Ang mas mabuti pa, upuan ninyong mag asawa iyan. Tapatin mo siya sa mga nalalaman mo. Walang mangyayari kung iisipin mo nang iisipin. Babaliwin mo lang ang sarili mo.”

Tumango si Jane. Kaya lang, tuwing susubukan niya naman ay palaging hindi pwede ang kanyang mister. Gabi na ito kung umuwi, pagdating sa bahay ay tulog agad. Lalong tumindi ang paghihinala niya palibhasa ay wala siyang ibang mapagsabihan dahil gabi na rin nakakauwi ang kanyang ina.

Isang hapon ay masaya ang buong baranggay dahil bisperas ng fiesta. Kahit na paano ay napawi ang agam agam ni Jane dahil kumpleto ang kanyang pamilya, masaya silang nakaupo sa unahan katabi ang kanyang ina. Kasali kasi ang anak niya sa singing contest.

“John Gerald Topacio!” tawag ng host sa kanyang panganay. Tumayo pa siya at pumalakpak.

Kaya lang, nang i-play na ang piyesa nito ay tumatalbog talbog ang CD. Nakita niyang nalungkot ang mukha ng kanyang panganay.

“Hon, pahiram muna ng cellphone mo. Dyan ko isinave iyong isa pang kopya ng kanta eh.” nagmamadaling wika ni Jane.

“H-Ha?” tila nataranta namang sabi ng lalaki.

Advertisement

“Dali na! Napapahiya ang anak mo! Nandidilat pa ang matang wika niya sa mister tapos ay biglang hinila ang cellphone na hawak nito. Iniabot niya iyon sa lalaking nag aasikaso ng tunog at ikinabit sa speaker. Maya-maya pa, dumagundong ang paligid sa saliw ng musika.

Masayang kumanta ang kanyang anak at nagpalakpakan ang lahat pagkatapos. Kaya lang, automatic ring nagplay ang tunog na kasunod ng kanta.

Isa iyong recording.

“Ano, nasaan kana? Sabi ko naman kasi sayo sabay na tayo..” boses ng mister ni Jane.

“Ano kaba? Hindi nga pwede! Makakahalata si Jane, kita mong sa akin na nga nagsasabi ng saloobin niya na baka raw may babae ka. Paano naman niya tatanggapin na ang karibal niya pala ay ako, ang sarili niyang ina?”

Si Aling Lolita!

Nangangatog na sinulyapan ni Jane ang matanda na ngayon ay halos lumubog na sa lupa.

“Anong magagawa ko, mas masarap ang nanay niya?” tatawa-tawang sabi ng kanyang mister.

Advertisement

“Oo na. Kaya mahal kita eh, mas gusto kitang maging asawa kaysa manugang. Motel tayo ulit ha?”

Tapos noon ay naputol na ang recording ng tawag, napuno ng bulung bulungan ang buong paligid.

Umiiyak na niyakap ni Jane ang kanyang mga anak.

Si Aling Lolita naman ay di magkandarapa sa pagtakbo palayo, nagkanda-talisod pa para lang makatakas. Sabay silang lumayas ng kanyang magaling na manugang.

Hanggang ngayon, di alam ni Jane kung nasaan ang dalawa. Ang mahalaga sa kanya ay kasama niya ang kanyang mga anak. Mahal talaga sila ng Diyos dahil minsan lang siya tumaya sa lotto ay nanalo pa!

Ginamit niya ang pera upang makipaghiwalay sa asawa at magtayo ng maliit na negosyo.

Hindi pa sa ngayon pero hinihiling niya sa Maykapal na sana ay dumating ang araw na mapatawad niya ang kanyang ina.

Ang buhay talaga, mapaglaro. Kung sino pa ang pinagkakatiwalaan natin ay iyon pa pala ang sasaksak sa atin patalikod.