Inday TrendingInday Trending
Wasak ang Puso ng Dalaga Dahil Hindi Siya Naipagtanggol ng Nobyo sa Ama Niya at Iniwan Pa Siya Nito; Hindi Niya Inasahan na Babalik Ito Paglipas ng Ilang Taon

Wasak ang Puso ng Dalaga Dahil Hindi Siya Naipagtanggol ng Nobyo sa Ama Niya at Iniwan Pa Siya Nito; Hindi Niya Inasahan na Babalik Ito Paglipas ng Ilang Taon

Magkababata sina Hermie at Jake. Naging sobra silang malapit sa isa’t isa hanggang nabuo ang pag-ibig na mas nagpalapit pa sa kanilang mga damdamin. Nang nag-aaral na sila sa kolehiyo ay naging magkasintahan sila.

Parehong nagmula sa mahirap na pamilya ang dalawa. Nakapasok sila sa kolehiyo dahil sa nakuha nilang scholarship. Mas matalino si Jake kaysa kay Hermie kaya ang binata ang ipinanlalaban sa mga patimpalak sa eskwelahan. Palagi namang nakasuporta si Hermie sa nobyo.

Ang lahat ng iyon ay nasa gunita ni Hermie nang biglang putulin ni Jake ang iniisip niya…

“O, tulala ka na naman?” sambit ng lalaki sabay haplos sa kaniyang pisngi. Kasalukuyan silang kumakain sa isang fast food chain.

“Sorry, labs, bumalik lang kasi sa alaala ko noong nag-aaral pa tayo sa college. Ang sarap lang balikan,” nakangiti niyang sagot.

“Sampung taon na ang relasyon natin, labs. At hanggang ngayon ay pinagtitibay pa rin tayo ng ating pag-ibig sa isa’t isa. Ipinapangako ko sa iyo na mas lalo akong magsisikap para sa future natin. Kapag sapat na ang naipon ko’y magpapakasal na tayo,” wika ng binata.

“Alam ko ‘yon, labs, kaya handa akong maghintay,” tugon niya.

Mahal na mahal ni Hermie ang nobyo, kahit mahirap lang ito at hindi mayaman gaya ng mga lalaking pinangarap niya noon, masasabi niyang napakasuwerte niya kay Jake. Hinahangaan niya ang pagiging masipag nito, maprinsipyo, matiyaga, may respeto, at may pangarap sa buhay. Napakabait din nito at mapagmahal sa pamilya. Bonus na ang pagiging guwapo ng nobyo niya. As in, napakaguwapo!Marami ngang babae ang nagkakandarapa rito noong nasa kolehiyo sila dahil bukod sa matangkad, may magandang mga mata, ay makisig din ang binata. Hilig kasi nitong mag-gym kaya napapanatili ang ganda ng katawan. Pero ang ibang babaeng mayayaman sa eskwela nila, kapag nalamang mahirap lang ang lalaki ay agad na inaayawan. Sa isip ni Hermie ay napakababaw ng mga babaeng nag-iisip ng ganon, dahil para sa kaniya, wala siyang pakialam kung mahirap si Jake na gaya niya basta masikap at mabuting tao ay tanggap niya ito.

Maayos na sana ang lahat, marami silang planong magkasintahan para sa pangarap nilang bumuo na ng pamilya pero tutol sa pagmamahalan nila ang tatay ni Hermie. Noon, ang akala ng matanda ay malapait na magkaibigan lang ang dalawa kaya ayos lang dito ang pakikipaglapit ng anak sa binata pero nang malamang magkasintahan na sila’y kontra na ito. Ayaw ng ama ni Hermie kay Jake dahil mahirap lang ito. Mahirap na nga sila ay mahirap pa rin ang makakatuluyan ng anak? Ang gusto nito ay mayamang lalaki para kay Hermie at hindi tulad nilang dukha.

“Itay, saan po ba tayo pupunta?” tanong ni Hermie sa ama habang sapilitan siya nitong hinaltak palabas ng kanilang bahay.

“Ipapakita ko lang sa iyo na nahihibang ka na! Masyado kang nasisilaw sa sa inakala mong pag-ibig. Hindi ang lalaking iyon ang nababagay sa iyo, magnonobyo ka rin lang, sa mas mahirap pa sa atin?” sagot ng kaniyang amang si Doroteo na hindi man lang siya nilingon.

Kinakabahan pa ang dalaga nang makarating sila bahay nina Jake. Mas maliit iyon kaysa sa bahay nila, isa lang itong barung-barong na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero. Kitang-kita niya ang nanunuyang tingin ng kaniyang ama habang humahakbang sila sa maputik na daan patungo sa tirahan ng nobyo.

Naabutan nilang nagpapakain ng mga alagang manok ang binata. Wala itong pasok sa umaga, sa gabi ay nagtatrabaho ang binata bilang call center agent. Gradweyt si Jake sa kursong Mass Communication at siya naman ay tapos sa kursong Banking and Finance. Nagtatrabaho siya ngayon bilang teller sa isang kumpanya. Kahit may maayos namang trabaho si Jake ay hindi pa rin ito boto sa binata.

Nagulat ito nang makita sila.

“H-Hermie…Mang Doroteo? Ano pong sadya ninyo?” anito.

“Hoy, lalaki! Balita ko’y nagkakamabutihan na kayo nitong anak ko? Totoo ba?” tanong ng matanda.

Tumango ang binata. “Opo, Mang Doroteo, mahal ko po ang inyong anak. At marami po kaming pangarap sa isa’t isa,” sinserong tugon ni Jake.

Napangiti si Hermie, matapang talaga ang nobyo sa pagsagot sa tatay niya. Talagang seryoso ito sa kaniya.

Napaismid naman ang matanda.

“Bakit, akala mo ba porket may trabaho ka’y kaya mong maibigay ang lahat sa anak ko? Hindi ang tulad mong mahirap din ang nababagay sa kaniya. Ang gusto ko’y lalaking mayaman na kayang iahon ang aking anak sa hirap at hindi ikaw ‘yon!” diretsang sabi ni Mang Doroteo sa binata.

“I-itay naman,” mahinang saway ni Hemrie sa ama.

Hindi naman natinag si Jake.

“Alam ko pong mahirap lang ako pero nagsisikap naman po ako para mabigyan ng magandang buhay ang inyong anak. Ipinangako ko po iyan sa kaniya at iyan din po ang ipapangako ko sa inyo,” seryosong sabi ng binata.

Napailing ang matanda. “Talagang hindi mo talaga ako naiintindihan, ano? Ayaw nga kita para sa anak ko! Kahit anong gawin mong pagsisikap, hindi kita gusto! Ganito na lang, tatanungin kita, kaya mo bang maibigay sa kaniya ang engrandeng kasal na gusto ko para sa anak ko? ‘Yung imbitado lahat ng kaptibahay natin? Kaya mo rin bang bigyan siya ng bahay at lupa para maging maginhawa naman ang buhay niya’t hindi na nakatira dito sa mabahong lugar natin? Kapag nakaya mong gawin ang lahat ng iyan sa loob ng isang linggo, ipapakasal ko sa iyo ang agad-agad ang anak ko. Ano? Kaya mo ba?”

“Itay, napakaimposible naman niyang hinihingi niyo,” wika ni Hermie.

Maya maya ay sumagot ng binata.

“Pasensya na po, pero hindi ko po ‘yon maibibigay sa loob ng isang linggo. Hindi ko po kaya.”

Napangisi si Mang Doroteo. “O, hindi mo kaya, ‘di ba? Hindi ka talaga bagay sa anak ko. Wala kang karapatang maging nobyo niya kaya mula sa araw na ito ay layuan mo na siya!”

Hind na kumibo pa ang binata.

“Iyan ba ang lalaking ipinagmamalaki mo? Hindi kayang gawin ang lahat para sa iyo? Kung mahal ka niya talaga, kakayanin niya, gagawa siya ng paraan, pero ano? Wala!” hirit pa ni Mang Doroteo.

Hindi pa rin kumikibo si Jake.

Umiyak na si Hermie, puno ng panunumbat ang kaniyang paningin. Hindi man lang ipinagtanggol ni Jake ang sarili, puwede nitong sabihin na kahit anong mangyari ay ipaglalaban siya nito pero walang imik ang binata, nanatili itong tahimik at tila nabahag na ang buntot sa tatay niya.

“Jake, magsalita ka naman!” aniya sa isip.

Naramdaman niya nalang na inaakay siya ng ama palayo sa barung-barong nina Jake. Nakatingin lang ito sa kanila at wala man lang ginawa. Nagtama pa ang paningin nila pero umiwas din ng tingin ang binata. Napahiya tuloy siya sa tatay niya at sa kaniyang sarili. Mali pala siya ng pagkakakilala kay Jake. Duwag pala ito.

Makalipas ang ilang taon

Malungkot na tumingin sa bintana ng eroplano si Hermie. Pabalik na siya sa Pilipinas, galing siya sa Canada dahil ilang taon din siyang nagtrabaho roon bilang Financial Analyst. Sariwa pa rin sa isip niya ang sakit nang mawasak ang puso niya kay Jake. Mula nang kausapin ito ng tatay niya ay iniwasan na siya nito. Wala nga silang pormal na paghihiwalay, bigla na lang itong hindi na nagpakita at nagparamdam sa kaniya. Kaya ipinangako niya sa sarili na kakalimutan na lang ito sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit hindi bakasyon ang dahilan kung bakit siya umuwi sa Pilipinas, nagbalik siya dahil nalaman niyang may malubhang sakit ang kaniyang amang si Doroteo. Stage 4 na ang k*nser nito sa atay at tinaningan na ito ng doktor.

“Itay,” haplos niya sa kamay ang matanda. Hirap na itong dumilat tapos ay ngumiti.

“Anak, gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat. Ako ang dahilan kung bakit hanggang ngayon y nagdurugo pa rin ang puso mo,” wika ng ama.

“Hindi, itay. Alam kong kapakanan ko lang ang inisip mo noon at nauunawaan kita. Nabulagan din ako at tama ka, itay…hindi nga si Jake ang lalaking nararapat sa akin dahil hindi man lang niya ako naipagtanggol sa inyo. Wala man lang siyang ginawa para mapatunayan ang kaniyang sarili na karapat-dapat siya para sa akin,” sagot niya.

Pero sa isip niya, ano na kaya ang nangyari sa lalaki? Siguro ay may asawa na ito at marami nang anak pero mahirap pa rin. Sa tingin niya ay hindi naman nito natupad ang pangarap na umasenso dahil hindi nga siya nito naipaglaban, ‘di ba?

Nagulat siya nang umiling ang matanda.

“Ako ang may pagkakamali, anak. Mabuting tao si Jake. Alam mo ba na may-ari na siya ng isang kumpanya sa Makati ngayon? Nung gabing umalis ka papunta sa Canada ay pumunta siya sa bahay para pigilan ka, pero gumawa ako ng paraan para hindi kayo magkita. Sinabi niya sa akin na balang araw ay tutuparin niya ang mga hiniling ko sa kaniya para maikasal kayong dalawa. Hindi niya ako binigo, anak. Nagsikap talaga siya hanggang sa ma-promote siya sa trabaho sa call center na pinapasukan niya. Dahil malaki na ang kinikita niya ay pinasok niya ang pagnenegosyo at nagtagumpay siya. Lumaki ang negosyo niya at ngayon nga ay asensado na siya. Nakapagpatayo na siya ng bahay at lupa para sa inyong dalawa at matagal na rin niyang naihanda ang engrandeng kasal pa sa iyo, anak. Hindi ka niya iniwan, matagal ka niyang hinintay para ipakita sa iyo na ginawa niya ang lahat para maging karapat-dapat sa iyo. At alam mo rin ba, siya ang gumagastos sa mga gamot at pang-chemo ko rito sa ospital. Ang ipinapadala mong pera ay iniipon niya. Sa kahilingan na rin ni Jake. Mahal na mahal ka niya, anak. Matatahimik lang ako kung alam kong maitutuloy ninyo ang pag-ibig na hinadlangan ko noon. Alam kong hinding-hindi ka niya pababayaan,” bunyag ng ama.

Napaluha si Hermie sa mga nalaman niya.

“Nasaan po siya, itay?” tanong niya.

“Narito ako, Hermie. Kahit kailan ay hindi naman ako nawala,” sabi ng baritonong boses sa kaniyang likuran.

Nang lingunin niya ay naroon ang dating nobyo na lalong gumwapo, mukhang asensado na talaga ito at malayo na ang narating dahil sa suot na pormal na damit. Pero kita pa rin sa mga mata ang simpleng Jake na minahal niya.

Wala nang iba pang salitang namagitan sa kanila, patakbo nilang niyakap ang isa’t isa. Parang hindi nagdaan ang ilang taon, mas tumindi ang pagmamahal na nararamdaman nila.

‘Di nagtagal ay naganap na ang engrandeng kasal na hiniling noon ng ama ni Hermie kay Jake. Tuwang-tuwa si Mang Doroteo nang ihatid ang anak sa altar. Sabi ng matanda sa isip ay handa na siyang mawala dahil alam niyang nasa mabuting kamay na ang kaniyang unica hija.

Advertisement