Madalas Makita ng Dalaga ang Babaeng Masipag Magbantay sa Isa Nilang Pasyente; Nagulantang Siya nang Malaman ang Katotohanan Tungkol sa Babae

Isang nursing student si Harlene sa isang sikat na hospital sa kanilang probinsya. Night shift ang naibigay na schedule sa kaniya kaya pagkatapos ng trabaho ng dalaga ay tumutulong siya sa mga kaibigan niyang mga nurse at med tech. Nagdadasal muna sila bago pumunta sa mga kani-kanilang pasyente, madalas na makasama si Harlene sa pagdadasal dahil mataas ang pananampalataya ng dalaga sa Diyos.

Pagkatapos nilang magdasal ay kaniya-kaniya na silang nagpupuntahan sa room ng kanilang mga pasyente, sumama naman si Harlene sa kaibigan niyang si Monica. Nasa dulo ang room ng pasyente ni Monica kaya naman tinungo nila ni Harlene ang mahabang hallway para mabisita na ang pasyente. Nang makarating ang dalawa ay agad namang nagpakilala si Monica.

“Magandang gabi po, ako po si Monica and I’ll be your nurse on duty po tonight. Here is my friend, her name is Harlene, tutulong din po siya sa inyo if may kinakailangan po kayo,” paliwanag ni Monica sa kanilang mga pasyente sa loob ng silid kung saan sila naka-assign sa gabing iyon.

Nagsimula nang tingnan ni Monica ang mga pasyente at kinuha ang mga blood pressure nito at iba pang mga kailangang i-check sa kailangan mga kaniya-kaniyang kalagayan. Si Harlene naman ay nakatingin lang sa mga tao sa kwarto.

Bandang alas tres ng madaling araw ay oras na para kuhaan ng urine sample ang pasyente ni Monica, ngunit dahil nagka emergency sa ibang room ay si Harlene nalang muna ang kumuha ng sample. Kumatok si Harlene at binigay ang lagayan ng urine. Nang makuha na ng dalaga ang sample ay lumabas na ang dalaga.

Habang papalabas na ang dalaga ay napansin ni Harlene na sumunod ang babaeng kasama ng pasyente. Sabay na naglalakad ang bantay at si Harlene patungo sa elevator. Hindi man nagsasalita ang babae ay ngumingiti lang ito pag siya’y tinitingnan. Nang makasakay na sila sa elevator ay tumingin si Harlene sa bantay ng babae at tinanong ito.

“Hello, anong pangalan mo? Kaano-ano mo po yung pasyente sa taas?” Tanong ng dalaga habang nakangiti. Tumingin lamang ang bantay ng babaeng pasyente at ngumiti lang ito. Naisip na lamang ni Harlene na baka pipi ang babae o baka ayaw lang talaga nitong magsalita dahil sa dami rin ng iniisip.

Nakarating na sila sa ground floor at agad namang tinungo ni Harlene ang daan papunta sa laboratory. Nakita naman ng dalaga na papunta sa exit ang babaeng nakasabay niya kanina sa elevator, “Ma’am eto po yung sample sa room 514, pinasuyo po ni nurse Monica kasi nagka-emergency po sa taas kanina,” mahabang paliwanag ng dalaga sa taas. Nagpasalamat ang dalaga at tinungo na muli ang daan papuntang elevator.

Advertisement

Nakasakay na muli si Harlene sa elevator at kasalukuyang papataas na ito sa 5th floor, bumukas na ang pinto at lumabas na si Harlene at nagtungo sa nurses station upang ipaalam kay Monica na nadala na niya ang sample sa Lab.

“Monica! Nadala ko na yung sample sa lab. Kumusta ang pasyente sa kabila?” tanong ni Harlene.

“Uy salamat, ayos na naman, but under observation pa rin. Akala talaga namin katapusan na nung matanda, mabuti na lamang ay nagawaan pa ng paraan,” sagot ng nurse sa dalaga habang nag-uunat ng braso at katawan.

Pumunta sa room si Harlene upang magtanong sa kasama ng bantay kanina sa room 514, kumatok ang dalaga at agad na pumasok sa room 514.

“Good evening po, kumusta po kayo? Magtatanong lang po ako if nakabalik na po ang kasama niyong babae dito kanina? Nakasabay ko po kasi siya sa elevator pero hindi po kasi nagsasalita,” mahabang tanong at paliwanag ng dalaga.

Tulog na ang pasyente kaya ang dalawang kasama na lang ng pasyente ang gising kaya sila na lang ang tinanong ng dalaga. Nagkatinginan naman ang dalawang bantay ng pasyente at sumagot ang tatay nito.

“Uhm… Miss dalawa lang po kaming nagbabantay rito kahapon pa, hindi po kami sigurado sa sinasabi ninyo na may isa pa kaming kasama ditong magbantay,” sagot ng tatay ng pasyente.

Bakas sa mukha ng tatay ng pasyente ang pagkalito sa nangyayari, sakto naman na nagising ang pasyente sa pagkatulog dahil sa pag-uusap ni Harlene at kaniyang ama, “Miss, baka ho yung kakambal ko ang nakita ninyo,” sagot ng pasyente at kinuha ng ama nito ang kaniyang wallet at ipinakita kay Harlene.

Advertisement

“Opo ma’am, ito nga po yung nakasabay ko. Palangiti po pala ang kakambal niyo at tahimik,” natutuwang sagot ni Harlene sa mag-ama.

Napatingin na lang muli ang pasyente sa kaniyang ama na sumagot muli, “Matagal nang pumanaw ang kakambal niya,” sabay turo ng ama sa pasyente sa kaniyang anak. Nagulat naman si Harlene sa kaniyang nalaman.

“Mabait talaga ang anak kong iyon, kaya lang ay maaga siyang kinuha sa amin. 17 years old pa lamang siya nang mabangga ang sinasakyan niyang mini bus ng isang malaking truck. Masakit man na mawalan ng anak ay iniisip nalang namin na may anghel na na nagbabantay sa amin ngayon,” kwento ng ama ng pasyente.

Abot hanggang paa ang kilabot na naramdaman ni Harlene at halos hindi makapagsalita sa kaniyang nalaman. Matapos ang usapan ay nagpaalam na si Harlene at nagtungo sa station ng mga nurse upang ikwento sa kaibigan ang nangyari. Matapos itong makwento ay nagkakatakutan na sila ng mga kasamang nurse doon.

Hindi na muna kumilos si Harlene doon pag-gabi na wala siyang ginagawa hangga’t hindi kasama ang kaniyang kaibigan na si Monica, simula nang malaman ng ibang nurse at doctor na nagtatrabaho ng night shift ay inugali na nilang magtanong kung ilan ang tao sa bawat room na papasukan nila.