Inday TrendingInday Trending
Matigas ang Ulo at Ayaw Sumunod ng Dalagita sa Bilin ng Kaniyang Ina; Malaking Kapahamakan Pala ang Dulot ng Pagiging Suwail Niya

Matigas ang Ulo at Ayaw Sumunod ng Dalagita sa Bilin ng Kaniyang Ina; Malaking Kapahamakan Pala ang Dulot ng Pagiging Suwail Niya

“Gelay, napakatigas talaga ng ulo mo! Ilang beses ka bang pagsasabihan na tigilan mo na ang paglabas-labas ng gabi ha? Madaling araw ka na naman umuwi! Anong akala mo, hindi ko malalaman?” bulyaw ni Aling Betty na ina ni Gelay.

“Ano ba naman ‘yan, nay? Umagang-umaga parang armalite na naman yung bibig ninyo!” galit na ungot naman ni Gelay na pumipintig sa sakit ang ulo dahil sa dami ng alak na nainom kagabi.

“Aba, kababae mong tao hindi ka natatakot? Paano kung may mangyari sa’yo ha? Mag-isip ka naman, Gelay!” sabi pa ng ginang.

Sakit sa ulo dalaga kasi ang dalaga. 17 anyos pa lamang siya pero daig pa niya ang kanyang ama kung lumaklak ng alak. Halos gabi-gabi pa itong nasa galaan na tila ba walang pakialam sa masamang pwedeng mangyari sa kaniya.

“Gelay! May eyeball daw dun sa mga kagrupo natin sa Facebook. Tara sumama tayo? May inuman din daw. Yung ibang tropa natin, sasama daw. Libre na kita!” sulsol ng kaibigang babae ni Gelay. Laman din ito ng kalsada kahit dis oras ng gabi.

“Sige, susubukan kong tumakas ulit kay nanay. Nasermonan kasi ako noong isang gabi e. Pero iintayin kong matulog sila para makapag-party ulit tayo,” sabik na tugon naman ng pasaway na dalaga.

“O sige, iintayin ka namin ha? Mukhang marami tayong makaka-meet mamaya!”

Bilang kabataan, talagang napakapasaway ni Gelay. Napakapusok at hindi marunong makinig sa magulang. Para sa kaniya, basta’t masaya siya, gagawin niya.

Kinagabihan, nagkunwaring tulog na si Gelay. Inintay niyang makatulog na ang lahat sa kanilang bahay at saka isinagawa ang plano. Tulad ng inaasahan tumakas ang dalaga. Dumaan siya ng bintana at saka masayang nagtungo sa pagdiriwang.

Napakarami nga ng dumalo doon. Iba’t ibang mga mukha at puro kabataan. Mayroong inuman, malalakas na tugtog, tawanan at kung ano-ano pa.

“Gelay!” pagtawag ng kaibigan. “Buti naman ang nakapunta ka? Tara na sa loob may mga ipapakilala ako sa’yo!”

“Ako pa ba? Basta usapang galaan at inuman, gagawaan ko ng paraan!” pagyayabang naman ng dalaga.

Pumasok sila sa loob. Sari-sari ang amoy doon. Amoy alak at pabangong nahaluan ng usok ng sigarilyo.

“Guys, meet my friend, Gelay!” pagpapakilala ng babae kay Gelay sa isang grupo na halos lahat ay kalalakihan.

Pinaupo si Gelay sa bakanteng upuan at doon agad na nakipagkwentuhan habang sinasalinan ng alak ang basong nasa harapan. Maraming nakipagkilala sa kaniya na lubos naman niyang ikinaligaya.

“Inom pa! Bottoms up! Bottoms up!” kantyaw ng mga lalaki roon.

“T-teka, malalasing agad ako niyan e!” maharot na sabi pa ni Gelay.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi na mabilang na tagay. Halos mawala na sa sarili si Gelay. Sa huling tagay, dumilim na ang kaniyang paningin, kasunod ang malagim na pangyayaring bumago sa kaniyang buhay.

Natagpuan ni Gelay ang sarili na lasing na lasing at napapalibutan ng kalalakihang kabataan sa loob ng isang kwarto. Lahat ng mga ito’y nagtatawanan at naglolokohan pa.

“Ano? Bato-bato-pick sa kung sinong mauuna?” sabi pa ng isa.

“Dalian niyo na bago pa mahulasan ‘yan!” sigaw naman ng isa pang binata.

Naramdaman na lamang ni Gelay na tinatanggal na ang kaniyang saplot. Pinipilit niyang manlaban, ngunit wala na talaga siyang lakas dahil sa sobrang kalasingan.

“Nanay! Nanay ko…” sigaw ni Gelay habang itinataboy ang mga lalaki.

Nagtatawanan lamang ang mga lalaki sa kalagayan ni Gelay. Ang iba ay kinukuhaan ng litrato ang kaganapan pati na ang walang saplot na katawan ng dalaga.

Masakit man isipin, ngunit naganap ang napakapait na pangyayari sa buhay ni Gelay. Dahil sa katigasan ng ulo, parang laruan siyang pinagpasa-pasahan ng ilang kalalakihan. Wala siyang magawa kundi umiyak habang walang lakas na nanlalaban sa kawalanghiyaang nagaganap sa kaniya.

Hindi kinaya ng katawan ni Gelay ang magkahalong trauma at labis na kalasingan kaya’t nagdilim na ng tuluyan ang kaniyang paningin. Pagmulat ng kaniyang mga mata, naka-confine na siya sa isang ospital.

“N-nanay…” mahinang bulong ni Gelay habang nakatingin sa inang nagbabantay.

“Gelay, anak… kumusta ka? Kumusta ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ng ginang.

“Nay…”

“Alam ko, anak. Pero mas makabubuting ‘wag ka na munang mag-isip ng sobra. Baka makasama sa’yo,” malungkot na sabi ni Aling Betty.

“Patawad, nay. Patawarin ninyo ako. Hindi ko po alam. Nay, anong gagawin ko?” iyak ni Gelay na sobrang nagsisisi sa naganap sa kanya.

“Kung nakinig ka lang sana…” lumuluhang sabi ng ginang. “Pero ‘wag kang mag-alala, anak. Magiging ayos rin ang lahat. Wala na rin punto kung magsisisihan tayo. Basta ang mahalaga, ligtas ka na,” dagdag pa nito.

Umiyak lamang nang umiyak si Gelay dahil hindi pa rin niya matanggap ang nangyari. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakausad sa nangyari, napag-alaman niyang nagdadalantao na siya dalawang buwan matapos ang malagim na pangyayari.

Mahirap man tanggapin, ngunit kinailangan ni Aling Betty na maging matatag para sa anak. Ibinigay pa rin niya ang buong suporta sa anak, dahil lubos siyang kailangan nito ngayon.

Sa tulong ng psycho-therapy at ng magulang, nakausad si Gelay sa masamang karanasan. Nahuli na rin ang ilang kalalakihang gumawa sa kaniya ng kahalayan habang hinahanap pa ang iba.

Nanganak si Gelay ng malusog na batang babae. At ngayong magulang na rin siya, mas naintindihan niya ang pag-aalala at labis na pagmamahal na ipinapakita ng ina na labis niyang ikinaiinis noon.

Madalas ay kinaiinisan natin ang walang humpay na pagpapaalala ng ating mga magulang dahil pakiramdam natin ay malakas at mas may alam na tayo, pero matutunan din sana natin silang pakinggan, dahil walang mapagmahal na magulang ang naghangad ng masama para sa kanilang mga anak.

“Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. “Igalang mo ang iyong ama at ina.” Ito ang unang utos na may kalakip na pangakong “Ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa.”” Mga Taga-Efeso 6:1-3

Advertisement