Inday TrendingInday Trending
Pinandidirihan ang mga Ito Dahil sa Marumi Nilang Itsura; Ngunit Iba Siya, Hinayaan Niyang Mabusog sa Kaniyang Gatas ang Batang Kalye na Iniiwasan ng Karamihan

Pinandidirihan ang mga Ito Dahil sa Marumi Nilang Itsura; Ngunit Iba Siya, Hinayaan Niyang Mabusog sa Kaniyang Gatas ang Batang Kalye na Iniiwasan ng Karamihan

Nagmamaneho si Amalia patungo sa isang grocery store upang bumili ng mga kulang na stock sa kanilang bahay. Imbes na iutos pa sa mga katulong ay mas gusto niyang siya mismo ang namimili ng mga kakailanganin nilang pamilya.

Nang makakita ng bakanteng parking area, agad niyang iginarahe ang kaniyang sasakyan aat naghanda sa pagbaba upang pumasok na sa mall upang makapamili na. Kailangan niyang magmadali dahil baka magising na ang kaniyang bunsong anak, na ngayon ay iniwan niya sa pangangalaga ng yaya.

May iniwan naman siyang gatas na kaka-pump lang niya kaninang alas-dos ng hapon, inilagay niya sa loob ng ref upang hindi masira. Alam naman na iyon ni Yaya Donna, kaya wala siyang dapat pang ipag-alala.

“Pad*dehin mo na kasi, baka gutom na gutom na iyan,” anang babaeng medyo may edad na sa babaeng medyo bata pa na may kargang batang mukhang kanina pa umiiyak.

“Kanina ko pa nga pinapad*de e, kaso ayaw niya,” malungkot na wika ng ina. “Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa’yo, ‘nak,” mangiyak-ngiyak na kausap ng babae sa anak.

Bilang isang ina ay agad siyang nagkaroon ng kuryusidad sa kung ano nga ba ang nangyayari sa bata? Naglakad siya at nilapitan ang dalawang babae upang mag-usisa.

“Kanina niya pa pinapad*de ang anak niya, ang kaso’y ayaw naman ng bata. Hindi na namin alam kung ano ang gagawin. Mukhang wala naman siyang sakit,” paliwanag ng babaeng may edad na halata na sa mukha ang labis na pag-aalala.

“Kaano-ano niyo po siya, manang?” usisa niya.

Kung kaniya kasing pagbabasehan sa nakikitang pag-aalala nito sa mag-ina ay parang ito ang lola ng bata.

“Hindi po kami magkaano-ano, ma’am,” sagot nito. “Magkasama lang po kaming nabubuhay rito sa kalye.”

Nakaramdam ng awa at pagkamangha si Amalia sa narinig na paliwanag ng ale. Hindi magkaano-ano ang dalawa, ngunit ang pag-aalala nito sa mag-ina ay akala mo tunay na magkadugo.

“Ano ba ang nangyari?” tanong niya sa babaeng siyang may hawak sa batang umiiyak.

“Hindi ko na nga rin po alam, ma’am e.”

“Baka gutom na ang anak mo kaya panay anh iyak, hali ka, try mong ipad*de sa’kin,” ani Amalia, walang pagdadalawang-isip na alok sa gatas ng kaniyang dibdib sa batang nangangailangan.

“Ayos lang po talaga, ma’am? Hindi kayo mandidiri?” gulantang taong ng babae.

“Bakit naman ako mandidiri?” aniya. “Kailangan ng anak mo ng gatas, may gatas naman ako kasi gaya mo nagpapa-bre@stfeed din ako sa pitong buwan kong anak. Upang ‘di ka na mangunsumisyon ay paded*dehin ko na lang muna siya sa’kin,” dugtong niya.

Walang pagdalawang isip na kinarga ni Amalia ang bata at hinayaang mabusog sa kaniyang gatas. Mangiyak-ngiyak na nagpapasalamat ang ina ng bata habang panay ang hingi ng pasensya dahil sa maruming itsura nitong anak.

Hindi naman maiwasan ng ibang tao an tingnan siya habang hinahayaan niya ang batang magpakabusog sa kaniyang dibdib. May ibang halata sa mukha ang labis na pandidiri dahil hinayaan niyang dum*de sa dibdib niya ang isang batang kalye, may iba namang tila humahanga sa kaniyang ginawa.

“Pasensya na po talaga kayo, ma’am, ah. Pinagtitinginan tuloy kayo ng mga taong dumadaan. Sa pustura niyo kasi ma’am, halata nang hindi ka kagaya sa’min, kaya siguro sila nagtatanong kung bakit nahalo ang malinis sa maruruming taong kagaya namin,” nahihiyang wika ng babae. “Ngunit kahit ganoon ma’am, gustong-gusto kong pasalamatan ka,” mangiyak-ngiyak na wika nito. “Kung ipinagdamot niyo sa’min ang gatas na mayroon ka, baka hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ang anak ko,” anito.

Malungkot na ngumiti si Amalia sa sinabi ng babae. Maswerte pa rin siya dahil hindi niya nararanasan kung ano man ang narasan ng mag-ina. Hindi kailanman nagutom at umiyak ng ganito ang pitong buwan niyang anak. Kaya maliit na bagay lamang ang ginawa niyang ito. Wala siyang pakialam kung madungis man o kung ano man ang batang ngayon ay nakikiamot ng buhay sa kaniya. Dahil ang mahalaga lamang ngayon ay tumahimik na ito at mukhang naibsan na ang gutom na nararamdaman ng mumunti nitong sikmura.

Niyuko niya ang anak nitong tila nabusog na dahil nakapikit na ang mata nito at mukhang natutulog na. Dahan-dahan niyang ibinigay ang bata sa ina ng bata at inayos ang sarili. Maraming nagagawa ang isang ina, mga bagay na hindi mo kailanman naisip na kaya mo pa lang gawin.

“Wala na yatang gatas ang lumalabas sa’yo, kaya panay ang iyak ng anak mo. Huwag kang magpapalipas ng gutom para kahit papaano’y may nakukuhang gatas ang anak mo mula sa’yo.” Payo niya. “Ito oh,” binuksan niya ang pitaka at nag-abot ng kaunting pera sa babae. “Kumain ka ng may sabaw upang magmakain rin ang anak mo.”

“Sobrang daming salamat, ma’am. Hulog kayo ng langit sa’min ng anak ko,” muling hagulhol ng babae.

Iyon lamang ang kaya niyang ibigay na tulong sa babae at sa anak nitong maliit. Maliit na bagay lamang iyon kung kaniyang titingnan, pero para sa mag-ina ay napakalaking bagay na ng tulong niya. Nang masigurong maayos na ang bata ay saka lamang siya pumasok sa loob ng mall at sinimulan ang pamimili.

Para kay Amalia, kahit sinong ina siguro ang nakakita ng sitwasyon nang dalawa kanina ay gagawin rin ang ginawa niya. Iba talaga ang pagmamahal ng isang ina, minsan kahit hindi na niya anak ay handa siyang magbahagi sa iba, makatulong lamang sa mumunting sikmurang nangangailangan ng sustansya.

Advertisement