Inday TrendingInday Trending
Nahuli ng Mister na Ito na Kasinungalingan ni Misis, Isang Sumpa pa pala ang Matutuklasan ng Lalaki

Nahuli ng Mister na Ito na Kasinungalingan ni Misis, Isang Sumpa pa pala ang Matutuklasan ng Lalaki

“Nay, alam mo ba kung saan nagpupunta si Joana nitong mga nakaraan?” tanong ni Ryan sa kanilang kasambahay habang naglilinis ang ale.

“Naku, hindi niya nababanggit sa akin pero ang alam ko lagi lang sa trabaho. Bakit umaalis ba si Joana?” tanong ni Nanay Mely.

“A, wala naman, huwag niyo na lang po sanang banggitin na natanong ko sa inyo ito,” sagot naman ni Ryan sa ale saka hinigop ang kaniyang kape at umalis na rin papuntang trabaho.

Halos isang taon pa lang ngayon na mag-asawa sina Ryan at Joana ngunit matagal na niyang kilala ang misis. Bukod sa mga kaibigan nila na kilalang-kilala niya ay wala na itong kamag-anak na iba. Kaya bago sa kaniya ngayon ang pagsisinungaling ng babae kung saan ito nagpupunta.Sinasabi nitong nasa opisina ngunit ilang beses na niyang nahuhuli na wala roon ang babae.

“Pare, kung ako sa’yo, sundan mo na lang. Kasi kapag kinompronta mo ‘yan, ‘di aamin ‘yan! Parang tayo, lulusot hanggat makakalusot,” pahayag ni Martin, kaibigan ng lalaki.

“Pero, imposibleng magloko ‘yung asawa ko! Kilala ko ‘yun si Joana, mahal na mahal ako nun!” balik naman ni Ryan sa kaibigan habang nakatingin pa rin sa bintana ng kaniyang opisina.

“Sabi nga nila, lahat ng tao nagbabago lalo na raw ang mga asawa. Basta, pare, kapag kailangan mo ng kainuman tawagan mo lang ako at pupuntahan kita kaagad,” birong sagot ng kaibigan niya saka ito lumabas ng opisina ng lalaki.

Malaki man ang tiwala niya sa asawa ay hindi naman niya maalis sa isipan ang bumabagabag kung saan ito nagpupunta.

Kinaumagahan.

“Babe, maaga ako ngayon aalis. Marami kasi kaming tinatapos sa opisina. Mauuna na ako, naghanda na ako ng baon mo, si Nanay Mely na bahala sa kalat mo, ha? Mamayang gabi na lang ulit,” paalam ni Joana sa kaniyang asawa. Hindi naman sumagot ang lalaki at tumango na lamang ito.Nang makaalis si Joana ay kaagad niyang tiningnan ang oras at ala sais pa lamang ng umaga kaya naman kahit na pakiramdam niya ay mali, sinundan niya ang babae.

“Saan ka pupunta…” bulong niyang paulit-ulit habang tahimik na binubuntutan ang sasakyan ng misis niya.

Halos tatlong oras din ang itinagal ng pagmamaneho nila nang laking gulat ng lalaki na huminto si Joana sa isang ospital para sa may espesyal na pangangailangan sa pag-iisip.

Sinundan ni Ryan ang asawa hanggang sa nakita niyang may kinausap ito na isang matandang babae na mukhang may deperensya na rin sa pag-iisip.

Bago pa man bumalik ang babae sa sasakyan nito ay nagpakita na si Ryan sa kaniya.

“Sino siya, babe? Bakit ka nagsisinungaling sa akin para sa babaeng ‘yun?” tanong ng lalaki.

“Ryan, p-paano mo akong nasundan?!” gulat na sagot ni Joana sa mister niya.

“Hayaan mo akong magpaliwanag,” dagdag nito saka hinatak ang lalaki at umupo sila sa upuan kaharapan ang hardin ng ospital.

“Hindi ko alam kung maniniwala ka, pero, tita ko siya,” paunang wika ng babae rito.

“Akala ko lahat ng kamag-anak mo ay p*tay na?” naguguluhang tanong ni Ryan sa misis niya.

“Hindi ko alam kung matatangap mo pa rin ba ako pagkatapos mong marinig ito pero mukhang hindi ko na maitatago pa. Kaya naman, sige, sasabihin ko na sa’yo ang sikreto ng angkan ko,” ani Joana.

“Sinumpa ang lolo ko ng isang babaeng niloko niya, sa kamalasan ay isa itong mangkukulam. Sabi sa sumpa, lahat raw ng lalaking magiging anak ng lolo ko ay mamat*y at ang magiging pamilya nito para raw hindi na kumalat pa ang apelido ni lolo. Nagkakatotoo yata ang sumpa dahil lahat ng anak ni lolo ay lalaki ngunit nang maka anim na silang anak ay naghanap na sila ng pangontra at sinuwerte na naging babae ang bunso nila. Pero ang sabi, hindi rin daw mabubuhay ito nang maayos,” siwalat ni Joana sa kaniya.

“Nagkatotoo nga ang lahat, lahat ng tito ko ay yumao kasama na rin ang mga pamilya nila. ‘Yung iba ay dahil sa sakit o ‘di naman kaya sa aksidente na hindi maipaliwanag. Sa lahat din ng kamag-anak ko, ako lang ang babae. Kaya hinananap ko ang huling tita ko, para tanungin kung ligtas ba ako sa sumpa dahil natatakot ako,” iyak pa ng babae.

“Natatakot ako na baka pati ikaw madamay sa sumpa ng buhay ko,” dagdag pa nito.

“Alam kong mahirap ‘to maintindihan sa unang dinig pero ito ang sikreto ko,” wika pang muli ng babae nang mapansin niyang hindi makapagsalita si Ryan sa kaniyang mga sinabi.

“Ano raw ang sabi ng tita mo?” tanong ni Ryan sa kaniya.

“Hindi ko na siya makausap pero may binigay sa akin ang nurse na diary niya. Lagi raw sinasabi na ibigay ito sa unang taong maghahanap sa kaniya at sa tinagal-tagal ng tita ko, ako pa lang daw ang dumalaw sa kaniya rito,” sagot ni Joana sa kaniya.

Hindi na nagsalita pa si Ryan at mas pinili niyang yakapin ang asawa, hinayaan niyang umiyak ito saka sila umuwi at sa bahay na nila binasa ang diary na naiwan ng kaniyang tita.

Sabi roon ay mapuputol lamang ang sumpa kapag nagkaroon ng isang babaeng anak ang lolo ni Joana ngunit kapalit nga nito ay magiging baliw at hindi na rin ito magkakapamilya. Habang binabasa ng dalawa ang mga nakasulat doon ay pangingilabot ang kanilang nararamdaman at isang malaking kaluwagan kay Joana na siya ang unang makakalaya sa sumpa.

Hindi man daw kapanipaniwala para sa iba ay hindi na lamang siya nakikipagtalo pa at mas piniling magdasal pa rin lagi para sa kaligtasan nila, lalo na ngayong magkakaanak na rin ang dalawa.

Advertisement