Nasa ikatlong markahan na sa eskwelahan ng Mariano Reyes High School, kung saan nagtuturo ang isang gwapo at matipunong guro na si Sir Lorenz Honrado.
Kilala siya bilang millennial titser ng eskwelahan. Paano ba naman ay kayang niyang pasunurin ang mga maangas na lalaking estudyante sa paaralan, lalo na yung mga nasa ikaapat na taon na sa hayskul. Nagagawa niya ring pakiligin ang mga babaeng estudyante, maging ang mga guro.
Ngunit sa kabila ng maaliwalas at ma-karisma niyang aura ay may malungkot pala itong nakaraan. Bago maging isang mahusay na guro si Lorenz ay dumanas muna ito ng matitinding pagsubok. Sa edad na 14 ay maagang siyang naulila. Pumanaw ang kanyang ina sa sakit na matinding pulmunya. Matinding kalungkutan and naramdaman ni Lorenz nang nawala ang kanyang ina. Siya na lamang kasi ang natitira niyang pamilya.
Ang kanyang ama naman ay huli niyang nakita noong sampung taong gulang pa lamang siya. Kung saan-saan pa siya pinapasyal ng kanyang ama sa iba’t-ibang lugar para lang makasali sa paliga ng basketball. Ngunit laking gulat na lamang niya na isang araw ay hindi na ito umuwi sa kanilang tahanan.
Mula noon, hindi biro ang naging buhay ni Lorenz habang siya ay lumalaki. Kasama ang ina ay nagtiyatiyaga sila sa bote bakal na hanap buhay. Maging pag walis sa mga kalsada ay kinuha na nilang trabaho para lang makaraos sa pang araw-araw. Ngunit kahit na ganoon ay patuloy pa din pinagsisikapan ni Lorenz makapasok sa paaralan, sa tulong na rin ng suporta ng kanyang ina.
Sa murang edad din ay namulat siyang alagaan ang kanyang ina simula nung nagkasakit ito. Huminto siya ng pagaaral, maasikaso lang ang kanyang ina. Kaya labis na lang ang kalungkutan na naramdaman niya nang pumanaw ang kanyang ina. Sila kasi kasi ang naging magkasangga sa hirap at ginhawa kahit iniwan sila ng kanyang tatay.
Kaya mula noon, ay mas lalong nagpursige si Lorenz na makatapos ng pag-aaral. Lumapit ito sa mayor ng kanilang siyudad para makakuha ng scholarship. Dahil na din sa pagsisikap niya ang nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral at makapasa sa licensure exam ng mga guro. Dahil sa matinding pinagdaanan naging adbokasiya niya kahalagahan ng pagaaral sa banda at kung pano ito nakakatulong ng makabawas ng kahirapan.
Kaya mas pinili ni Lorenz na magturo sa isang pangpublikong eskwelahan para mas mamulat niya ang mga kabataan sa kahalagahan ng pag-aaral. Ngunit sa kanyang byahe sa pagtuturo ay may hindi siya inaasahang lihim na matutuklasan.
Ito ay mag-uugat mula sa pinaka-pasaway niyang estudyante na si James.
“James Natividad! Late ka na naman sa unang klase. Kahapon naman ang nagcutting classes ka!” sigaw ni Lorenz habang papasok ang kanyang estudyanteng si James sa loob ng silid-aralan
“Sorry sir, hindi ko po kasi maiwan ang kapatid ko sa bahay namin. Hinintay ko pa pong dumating si tatay bago po ako nakaalis. Pasensya na po,” sagot ni James
Para kay Lorenz, kahit nangingibabaw na naniniwala siya sa dahilan ni James kung bakit siya nalate ay ‘di niya pa din maiwasan mag-isip na baka gumagawa lang ito ng dahilan. At baka, nagbubulakbol lang ito, dahil madalas ang pagiging late nito at pagka-cutting classes.
“Sige, maupo ka na. Kailangan kita makausap, pagkatapos ng klase ko,” mahinahon na sabi ni Lorenz kay James
Nang matapos ang klase niya ay tinawag niya sa labas si James at nag-usap sila sa may koridor.
“James, napapansin ko ang madalas na pagliban at paggiging late mo sa klase. May problema ba na nangyayari? Maari mo naman akong lapitan,” malumanay na sinabi ni Sir Lorenz sa kanyang estudyante.
“Sir, wala naman po. Ayos na ayos lang po ako,” magiliw na sagot ni James.
Lumipas pa ang ilang mga araw at nagpatuloy-tuloy ang paggiging late ni James. Nagpasya na si Sir Lorenz na ipatawag na ang kanyang mga magulang upang makausap.
“James, nais kong makipag-usap sa iyong mga magulang. Maari mong ibigay ang sulat na ito bilang paanyaya,” banggit ni Lorenz sa kanyang estudyante nang minsan ay nagklase siya na na-late ulit ito.
“Sir, gustuhin ko man pong makapunta ang aking magulang ngunit ang tatay ko lang po ang kasama ko sa buhay. Abala din po ito sa pagtatrabaho, madalas ay gabi na po itong nakakauwi sa bahay,” paliwanag ni James
“Ayos lang iyon. Madalas naman ay late na rin akong lumalabas ng paaralan. Puwede mong sabihin sa kanya na malugod ko siyang hihintayin sa aming opisina para makausap,” sagot naman ng guro
“Sige po, sir.”
Ilang araw din ang nagdaan bago kinausap muli ni James ang kanyang guro.
“Sir, mamaya daw po ay maagang makakauwi si tatay at maari niya po kayong puntahan dito sa iskul ng mga alas-7 ng hapon,” balita ni James.
“Magandang balita ‘yan! Sabihin mo sa kanya na dumiretso na lang sa Faculty room at doon na lang kami mag-uusap.”
Dahil madami naman dapat tapusin si Lorenz, ay hinintay niya na ang tatay ni James na pumunta sa eskwelahan. Para sa kanya, ang makausap ang mga magulang ng mga bata ay isa sa magiging daan para matulungan niya ang kanya estudyante na mas ipagbuti ang kanyang pagaaral.
Maya-maya ay may narinig na si Lorenz na katok mula sa pinto ng silid. Dali-dali naman tumayo si Lorenz, upang pagbuksan ito.
“Tatay na siguro ito ni James,” bulong niya sa sarili.
Nang buksan na niya ang pinto ay tila may nakita siyang pamilyar na mukha. Pinagmasdan niya ito ng mabuti, dahil baka siya lamang ay nagkakamali. Dahil bukod sa naging puti na ang buhok nito, ay mapapansin na rin agad ang katandaan sa mukha nito.
Nagtataka ngayon ang matandang lalaki dahil matagal siyang tinitigan ng guro, na tila siya ay kinikilala. Binati niya ang titser at nagpakilala.
“Magandang gabi po, sir. Ako pala ang tatay ni James. David Honrado po,” pakilala ng matandang lalaki.
Laking gulat ni Lorenz ng malaman ang pangalan ng pamilyar na lalaki sa kanyang harapan.
“Tay?” ‘yan na lamang ang tanging nasambit niya sa matanda
Tahimik lang ang matanda na tila nagtataka.
“Ako po si Lorenz. Lorenz Honrado po.” pakilala niya
“Anak?” gulat na tanong ng matandang lalaki
“Tay, ako ‘to si Lorenz,” niyakap ni Lorenz ang matandang lalaki.
Nagulat parehas ang mag-ama dahil ‘di nila sukat kalain na sa ganitong paraan sila magkikita. Naghahalong saya at tampo ang nararamdaman ni Lorenz nang mga sandaling ‘yon. Saya dahil muli niyang nakita ang kanyang ama at tampo dahil di niya sukat akalain na tatay rin siya ng kanyang estudyanteng si James.
Agad pinaupo ni Lorenz ang kanyang ama. At sa kanilang pagkakaupo ay tuluyan nang bumuhos ang luha ng matandang lalaki.
“Anak, walang araw na hindi kita naalala, kayo ng iyong ina. Kamusta na ba siya? Saan kayo tumutuloy ngayon? Patawarin mo ako ‘nak dahil lubos akong nagakasala sa inyo ng nanay mo. Patawarin mo ko dahil bigla ko kayong iniwan ng nanay mo. Buong buhay kong pinagsisihan na tinalikuran at iniwan ko kayo nang hindi man lang nagpaalam,” paliwanag ng matandang lalaki habang patuloy ang pagluha nito.
“Tay, matagal na pong wala si nanay. Hayskul pa lang po ako nung lumisan na siya,” malungkot na sagot ni Lorenz
“Patawarin mo ako anak, dahil wala ako nun sa piling niyo para alagaan at protektahan kayo,” patuloy na paliwanag nito kay Lorenz.
“Noong mga panahon na iyon ay labis akong nagkasala sa ‘yong ina. Nakabuntis ako ng ibang babae, at ‘yon ay ang nanay ni James. Hindi niya gamit ang apelyido ko dahil kasal ako sa nanay mo. Sobrang naging mahina ako noon para iwan kayo at piliin sila. Ninais kong bumalik sa inyo ng nanay mo, ngunit nahuli na ang lahat dahil nahirapan na kong mahiwalay sa nanay ni James. Lagi siyang sumasama sa akin saan man ako magtungo, kaya hindi ko na nagawang bumalik pa sa atin.”
Sa mga sandaling iyon ay tahimik na nakikinig si Lorenz sa kwento ng kanyang ama, habang parehas na silang lumuluha sa kalungkutan.
“Mas lalo akong nahirapan na kumawala sa kanya, nang nabuntis siya sa pangalawa namin anak. Noong pinaganak niya si Risa, ay mayroon itong deperensiya sa kalusugan at pangangatawan. Nang malaman iyon ng aking kinakasama, ay bigla na lang rin niya kaming iniwang tatlo. Naiwan sa akin ang mga anak namin na si James at Risa.”
“Sa mga sandaling iyon ay naramdaman ko na tila ba ito ang nagsilbing karma ko dahil sa pag-iwan ko sa inyo noon. Dahil ako na lang ang naiwan s kanilang dalawa, ang sinakap ko na mabuhay ko sila mag-isa. Nasabi nga sa akin ni James na pinapatawag ako ng kanyang titser para kausap dahil sa madalas niyang pagliban at pagiging late sa klase,” kwento ng ama.
“Sa katunayan anak, si James ngayon ang katuwang ko sa pag-aalaga kay Risa. Siya ay hirap na maglakad, magsalita at kumilos mag-isa. Sa tuwing pumapasok ako sa trabaho at hindi puwede ang kapitbahay naman na magbantay kay Risa, ay kusa ng nagsasabi si James na siya na lamang ang maiiwan para alagaan ang kanyang kapatid.”
Dahil sa kwento ng kanyang ama ay mas naintindihan na niya ang sitwasyon ni James. Labis din ang kanyang pagkaawa sa kanyang ama dahil sa wlang sawa din nitong pagaaruga kay James at Risa. Noong un ay may halong tampo, at pagkamuhi pa ang nararamdaman niya ngunit ngayon ay maluwag niya ng napatawad ang kanyang ama sa pagiwan sa kanila noon.
Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan hanggang sa napagpasyahan ni Lorenz na ihatid ang tatay niya sa knailang bahay at upang magpakilala na din kay James at Risa, na sila ay magkakapatid sa ama.
Masaya siyang tinaggap ng kanyang mga kapatid, tulad din ng masaya niyang pagtanggap sa mga ito. Natapos ang gabi na punong-puno ng mahahabang kwentuhan at tawanan. At kinalaunan ay nagpasya na din si Lorenz na sumama sa kanyang ama at mga kapatid sa iisang tirahan at nagsimula ulit ng bagong buhay.