Inday TrendingInday Trending
Nagsasawa na sa Silog ang Babae Kaya Naisipang Tumikim ng Iba, Isang Bisikleta Lang Pala ang Magpapabago ng Lahat sa Kaniya

Nagsasawa na sa Silog ang Babae Kaya Naisipang Tumikim ng Iba, Isang Bisikleta Lang Pala ang Magpapabago ng Lahat sa Kaniya

“Mahal kong prinsesa! Magandang umaga, kain na tayo ng agahan, bumili na ako ng hotsilog ni Nanay Luz,” bati ni Allan sa kaniyang nobya sabay pakita ng pagkain sa babae.

“Kay Nanay Luz na naman, wala bang spaghetti man lang diyan, Allan, anibersaryo naman natin ngayon,” saad ni Isabel saka bumango sa higaan.

“Dalawang taon na tayo, ni hindi mo pa rin ako pinapasok sa motel, wala man lang fried chicken,” dagdag ng babae saka nagsuot ng damit niya.

“Ito namang prinsesa ko, ang aga-aga galit kaagad. Hayaan mo, kapag natanggap ko na ang bonus ay makakapag-motel na tayo. Pero mas okay pa rin dito sa bahay ‘di ba, kasi walang time limit,” biro ni Allan sabay yakap sa nobya.

“Tara na, kumain na tayo,” iritang sabi niya sa lalaki.

“Isabel, will you marry me?” sabay luhod ni Allan sa kaniya at ipinakita ang isang chicsilog.

“Manok talaga ang ibibigay mo sa akin?” Masusuot ko ba yang chicken silog, Allan!” bulyaw muli ni Isabel sa lalaki.

“Bakit ba galit na galit ka ngayong umaga? May nagawa na naman ba akong mali?” malungkot na tanong ni Allan sa kaniya.

“Wala, pasensiya ka na, masama lang panaginip ko. Tara na, kumain na tayo,” sabi ng babae at lihim na lamang na napabuntong-hinga.

Nagtratrabaho bilang tiga-luto si Isabel sa canteen ng isang eskwelahang malapit sa kanila at nakilala niya si Allan bilang tiga-photocopy doon. Noong una ay ayos pa sa babae ang napakahirap nilang sitwasyon dahil mahal niya ang lalaki ay hindi niya ito maiwan kahit na mas mahirap pa sa daga ang pamumuhay nito. Napuno ang buong taon nila ng init ng laman at mga pangarap na hindi maubos. Kaya lamang ay habang tumatagal, nagsasawa na si Isabel sa buhay na naibibigay sa kaniya ni Allan, pakiramdam niya’y hindi sila aahon sa hirap at mananatili na lamang sa tabi ng riles ng tren manirahan.

“Kiko, magsama na tayo. Mahal mo naman ako ‘di ba? Sa’yo na ako sasama,” wika ni Isabel kay Kiko, ang isa pang karelasyon ng babae habang nagmemeryenda sila sa likod ng pinagtratrabahuhan nito.

“Isabel, sabi ko naman sa’yo, hindi pa maayos ang lahat. Saka na tayo magsama kapag may bahay na tayong titirhan. Hindi pa kasi tapos ang pinapatayo kong bahay para sa’yo, para sa atin at sa magiging pamilya natin,” sagot ni Kiko sa kaniya.

“Tutuloy muna ako sa tinutuluyan mo ngayon,” pagpupumilit muli ng babae. Saka siya umupo sa hita ng lalaki at niyakap ito.

“Isabel, sino ‘yang lalaking inuupuan mo!” malakas na sigaw ni Allan na sosorpresahin sana siya sa pagsundo ang babae.

Hindi nakapagsalita kaagad si Isabel at si Kiko, mabilis na tumayo ang lalaki at inilayo ang babae sa kaniya.

“I-Isabel, nanglalalaki ka? Kailan pa? Bumili pa naman ako ng bisikleta para iregalo sa’yo dahil sa wakas may service na tayo pero ito lang pala maabutan ko?” baling muli ni Allan sa kaniya.

“T@ng*na, saan makakarating ‘yang bisikleta mong napakaluma? Ayaw ko na, Allan, hindi ko na kayang makisama pa sa’yo, kaya mas mabuti nang gawin ko ito ngayon sa harap niyong dalawa. Mas pinipili ko si Kiko, si Kiko, may sasakyan at may bahay na pinapatayo para sa amin. Pero ikaw, anong balak mo? Pakainin ako ng silog araw-araw sa buhay ko? Ayaw ko na sa’yo, Allan! Tapos na tayo,” sigaw ni Isabel sa lalaki.

Napahinto si Allan sa kaniyang paglapit at saglit na tinitigan ang babae.

“Hindi man siguro ako mayaman ngayon pero isa lang ang masasabi ko, minahal kita ng totoo at walang kahit sinong lalaking makakatumbas noon, tandaan mo ‘yan, Isabel, hindi ka na makakahanap ng isang tulad ko,” sagot ni Allan at mabilis itong tumalikod saka umalis.

“Kiko, sa’yong-sa’yo na ako!” sabay sabi ng babae.

“Ang totoo niyan, driver lang ako, Isabel, hindi sa akin ang sasakyang minamaneho ko at wala rin akong bahay na pinapatayo para sa’yo. Pasensiya ka na pero ayaw ko sa gulo,” sagot sa kaniya ni Kiko at mabilis din itong umalis.

Hindi makapaniwala ngayon si Isabel sa nangyari. Parang huminto ang mundo niya kaya makalipas ang ilang oras ay hinabol niya si Allan.

“Mahal, patawarin mo ako! Biro lang ‘yung kanina,” mabilis nitong sabi sa lalaki.

“Ihahatid ko lahat ng gamit mo sa canteen, hindi ko kailangan ng ahas at peste sa bahay ko, umalis ka na bago pa kita kaladkarin,” sagot ni Allan sa kaniya.

Walang nagawa ang babae kung ‘di ang umalis at hindi makapaniwala na wala siya ngayong matutuluyan. Nakiusap na lamang siya sa may-ari ng canteen na doon muna matulog habang wala pa raw siyang nobyo.

Ngayon niya napagtanto na wala siyang sariling buhay kung walang lalaki sa kaniyang piling. Ngayon niya naramdaman ang awa at pagsisisi dahil sa panggagamit niya sa mga lalaking nagmamahal sa kaniya lalo na nga si Allan.

Makalipas ang ilang taon ay nabalitaan niyang nagkaroon ng bisikletang negosyo si Allan at nakaangat na rin ito sa buhay kasama ng misis niya at isang supling. Samantalang siya ay ganoon pa rin at hindi na nakahanap pa ng lalaking seseryoso sa kaniya.

Advertisement