Nalamatan ang Relasyon ng Magkapatid at Naiwan ang Pobreng Ina; May Pag-asa pa Kayang Mabuo Muli ang Pamilya?
“Happy birthday Donya Linda!” sabay-sabay na sigawan ng mga bisita ng sisenta anyos na matanda. Nakangiti lang ito ngunit halatang malungkot habang may hinahanap na mukha sa mga taong naroroon.
Napansin naman agad ito ni Marian at inalalayan paupo ang ina. “Mama, pasensiya ka na at wala dito si Kuya Bryan. Pinilit ko siya pero ayaw eh…”
Narinig naman ni Julie ang sinabi ng bunsong kapatid at hindi maiwasang magkomento.
“Hmp! Ang tigas talaga ng ulo nun! Malamang ay bitter pa rin siya sa nangyari sa ex niya!” halatang galit ang babae.
“Huwag ka magsalita ng ganiyan ate! Alam mong labis na nasaktan si Kuya Bryan sa pagpanaw ni Hannah! Kung ‘di lang sana siya nagdrive ng mga panahong iyon…”
“Sinisisi mo rin ba ako sa aksidente niya? Kasalanan ko bang nadulas ang kotse niya sa ulan sa pagsundo sa akin? Siya naman ang pumipilit makipaglapit sa akin eh!” sabay dabog na alis ni Julie sa kaarawan ng kaniyang ina. Nahahapong napasandal na lang si Linda sa pagtatalo na kaniyang mga anak.
Pinakamalala ang alitan ng dalawang anak niya na si Bryan at Julie. Close na close ang ito simula pagkabata at talagang spoiled ang babae sa kuya nito. Ngunit nang maging magkasintahan si Bryan at Hannah ay humadlang si Julie dahil sa labis na selos. Dahilan nito ay hindi nararapat sa kuya niya ang babaeng galing lang sa normal na pamilya.
Kahit ganun ang pinamumukha ni Julie ay pinilit ni Hannah na makasundo ito dahil mahal na mahal ito ni Bryan. Hanggang sa isang araw nga ay inutusan ni Julie na sunduin siya ni Hannah mula sa party kahit may malakas na bagyo. Ang totoo ay kaya naman niyang umuwi ngunit gusto niya lang asarin ang Kuya Bryan niya na noon ay pinagalitan na naman siya dahil sa pangit na pakikitungo niya sa mahal nitong kasintahan. Sa lakas ng bagyo ay naaksidente si Hannah at pumanaw sa daan.
Halos gumuho ang mundo ni Bryan sa nangyari sa kasintahan. Lubos ang galit niya nang malaman ang kapritsong ginawa ng kapatid para lang makaganti sa pagdidisiplina niya dito. Imbes na magpakita ng pagsisisi at simpatya sa nangyari ay sinisi pa ni Julie si Hannah sa nangyari. Mula noon ay pinutol na ni Bryan ang ugnayan sa makasariling kapatid.
Ilang taon ang lumipas at bihira na ngang magpakita sa pamilya si Bryan. Hindi man aminin ni Julie ay nasasaktan siyang ituring na parang hangin lang ng kuya. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang makasariling buhay. Party dito, party doon. Luho dito, luho doon. Wala itong pakialam sa iba, kahit sa payo ng mama nito. Dahil sa pagrerebelde ay pati mana nito ay winaldas nito sa kinakasama nito hanggang masaid. At isang araw nga, natagpuan na lang ni Julie na wala na sa kaniya ang lahat at meron siyang nakamamat*y na karamdaman.
Nang malaman ng buong pamilya iyon ay pinababallik si Julie sa kanila, ngunit mataas ang pride ni Julie at ayaw makitang kinaaawaan siya ng pamilya. Nagulat siya nang mismong Kuya Bryan na niya ang sumundo sa kaniya sa maliit niyang apartment.
“Oh bakit ka nandito? Gusto mo bang makita kung gaano na kahirap ang buhay ko? O baka nandito ka na naman para sisihin ako sa aksidente ng babaeng iyon,” puno ng hinanakit na sabi ni Julie. Si Bryan naman ay pinipilit kontrolin ang galit niya.
“Matagal na akong walang pakialam sa’yo Julie, narito lang ako dahil pinasusundo ka na ni mama. Alam mong may sakit siya pero ‘di ka man lang dumalaw,” malamig na panunumbat ni Bryan.
Saglit na nabahala si Julie nang mabalitaang may sakit ang ina. Lagi siya nitong iniimbita sa mansyon ngunit dahil busy siya sa buhay niya ay hindi niya ito pinauunlakan. Ngunit mas nanaig sa kaniya ang pride at hinanakit kaya’t piniling magmatigas sa pamilya.
Lumipas pa ang halos isang taon na watak-watak ang pamilya. Si Donya Linda ay lungkot na lungkot dahil kahit anong pakiusap niya ay ayaw mag-ayos ng magkapatid. Hanggang ginupo na nga siya ng sakit na canc*r, noon lamang dumating ang mga anak.
‘Di napigilang maluha ng ina nang makita si Bryan na noon ay walang buhay ang mga mata at puno ng galit, habang si Julie naman ay payat na payat at halatang miserable.
“Mga anak… ano bang nangyari sa inyo? Bago man lang sana ako pumanaw ay magbati na kayong dalawa. Kung ano man ang nangyari sa nakaraan, wala na ba kayong pagmamahal sa isa’t isa para magpatawad?” iyon lang at kinumbulsyon muli ang matanda.
Labis na naluha si Julie at Bryan nang makita ang nakakaawang kalagayan ng ina.
“Patawarin mo ko ma at ngayon lang ako nakadalaw. Nakapagisip-isip ako nitong mga nakaraan at nakita kong napakamakasarili ko pala. Patawarin mo rin sana ako Kuya Bryan, malaki ang naging kasalanan ko sa’yo at kay Hannah…” lumuluhang pag-amin ng dalaga.
Natunaw naman ng mga salita ni Julie ang matigas na puso ni Bryan. Matagal na niyang nais marinig na magpakumbaba ang kapatid at plano niyang sumbatan ito ngunit ngayong ganoon ang hitsura nito habang lumuluha sa harap niya ay napagtanto niyang siya rin pala ay ma-pride. Hindi niya pwedeng isisi dito ang lahat sa nangyari, lalo na’t aksidente iyon.
Dahil sa pangyayaring ito ay tuluyan ngang nagkaayos ang magkapatid. Nakahinga nang maluwang si Donya Linda at payapang pumanaw ilang buwan lamang ang dumaan. Kailangan pa palang yanigin sila ng Panginoon para lamang mapasuko ang kanilang matatayog na pride. Pero sa huli, pag-ibig pa rin ang daan upang mabuo muli ang mga relasyong nagkalamat.