“Nay, padala ka naman ng pera. Bibili sana ako ng bagong sapatos,” hiling ng panganay na anak ni Zenaida.
“Anak, kakahingi mo lang nung nakaraan ha? May bibilhin ka na naman?” pagtatakang tanong ni Zenaida.
“Nay, sige na please. Pinag-iigihan ko naman sa eskwela eh. Malapit na nga akong magmartsa. Malapit ka nang magkaroon ng inhinyero,” pambobolang sabi ng panganay nitong anak na si Karl.
Si Karl ang panganay sa tatlong anak ni Nanay Zenaida, na isang OFW sa Qatar. Nasa hayskul siya nang umalis ang kanyang ina para makipagsapalaran bilang OFW. Nang mga panahon kasi na iyon ay lahat silang magkakapatid ay nag-aaral na, kaya hindi na sasapat ang kita ng kanilang amang si Mando bilang isang jeepney drayber.
Dahil hindi nagkaroon ng maayos na edukasyon si Tatay Mando ay hirap itong makahanap ng trabaho sa ibang bansa, kaya napagdesisyunan na lang ng mag-asawa na si Nanay Zenaida na lang ang lilipad upang sumubok ng kapalaran doon, upang mas magkaroon ng pagkakataon ang kanilang mga anak na makapag-aral ng maayos.
Magmula ng umalis si Nanay Zenaida ay inako na ni Tatay Mando ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga anak habang patuloy na namamasada ng dyip. Si Nanay Zenaida naman ay nakakauwi lang ng Pilipinas isang beses sa isang taon, at dahil dito ay labis ang pangungulila and nararamdaman ng naiwang pamilya nito sa tuwing lumilipad na ito pabalik ng Qatar.
Nagpatuloy ang pagta-trabaho ni Nanay Zenaida bilang OFW. Halos magli-limang taon na ito sa Qatar at nasa kolehiyo na rin si Karl. Ang bunso niyang kapatid ngayon ay patapos na ng elementarya.
Naging matibay ang pamilya nila Nanay Zenaida kahit na nasa malayo itong lugar. Si Tatay Mando ay mas nagsisikap upang makatulong din sa pang araw-araw na gastos ng kanilang pamilya. Busog man sa pagmamahal mula sa ama, ay hindi pa rin maiwasan ng mga anak ni Nanay Zenaida na mangulila sa kanyang pag-aaruga.
Nais man nila sanang umuwi na ang ina, ngunit kailangan nilang intindihin na kailangan talaga na magtrabaho ni Nanay Zenaida sa ibang bansa upang magkaroon sila ng magandang buhay. Dahil malaki rin ang kinikita ni Nanay Zenaida sa pagta-trabaho sa Qatar, ay hindi naman ito naging mahigpit sa kanyang mga anak. Malaking bagay na nakapagtrabaho siya rito dahil nagagawa niyang maibigay ang mga pangangailangan at kagustuhan ng kanyang mga anak.
Mula sa tuition fee, hanggang sa gastos sa eskwelahan at maging sa mga luho ng kanyang mga anak ay talaga naiibigay ni Nanay Zenaida. Lalong-lalo na ang anak nitong Karl na halos ay buwan-buwam ay humihingi ng pera. Kaya minsan ay hindi rin maiwasan ni Zenaida magdamdam sa mga ito dahil hindi biro ang kumita ng pera sa ibang bansa. Ngunit dahil sa labis na pagmamahal niya, ay hindi niya rin natitiis ang mga ito.
Ngunit hindi nito inaasahan na ang paghingi pala madalas ng pera ng kanyang anak na si Karl ang siyang magpa-pauwi sa kanya pabalik ng Pilipinas.
Napapadalas na kasi ang paghingi ni Karl sa kanyang ina ng pera, lagi nitong dahilan ay may bilbilhin itong bagong gamit, minsan naman ay may kailangan bayaran sa eswelahan. Lingid sa kaalaman ng mga ito ay hindi binibili ni Karl ang maging bagay na binabanggit nito sa ina, itinatabi niya ang bawat pera na ipinapadala sa kanya at masinop niya itong iniipon.
Bukod pa dito ay, nakakadagdag rin sa kanyang ipon ang pinapadalang pera ng kanyang ina para sa kanyang tuition fee. Iskolar pala ito ng kanilang eskwelahan, ngunit pinili nitong wag muna sabihin sa ina dahil nais niya ngang maka-ipon upang mapagpatayo na lamang ng negosyo ang ina, upang hindi na nito kailanganin pang magtrabaho sa ibang bansa.
Nagpatuloy si Karl sa pag-iipon. Habang nag-aaral ay sumasideline rin ito bilang modelo, at nakakadagdag rin ito sa kanyang ipon. Unti-unti ay sinimulan na ni Karl ang pagtupad sa negosyong nais niyang ihandog sa kanyang ina at ama.
Kahit nasa kolehiyo pa lang ito ay nakaipon na ito ng pambili ng maliit na pwesto sa isang mataong lugar. Mula sa maliit na pwesto na ito, ay pinagpatuloy niya ang pag-iipon hanggang sa mapaganda niya ito at mapaayos na parang isang maliit na restawran.
Nang mabuo na ang pinapatayong negosyo ni Karl, humingi na ito ng tulong mula sa kanyang ama at mga kapatid. At dahil lahat sila ay nais ng mapauwi ang nanay sa Pilipinas, nagtulungan ang mga ito upang maka-ipon. At dahil magaling magluto si Tatay Mando ay siya ang nagsilbing cook ng kanilang kainan. Kumuha lang sila ng isa pang tao upang tutulong sa kanilang ama kapag silang lahat at nasa eskwelahan.
Sa umaga ay mga estudyante ang mga ito at sa hapon at gabi naman ay nagiging mga serbidor at kahera sila ng kanilang muntik kainan. Kahit mahirap ang nagsikap ang mag-aama na palaguin ang negosyong itinayo. Nagsisilbing inspirasyon kasi nila, na sa oras na mapalago na nila ang tinayong kainan ay hindi na kakailangan bumalik ni Nanay Zenaida sa Qatar.
Naging lihim ang lahat ng ito kay Nanay Zenaida. Lumipas ang ilang buwan, ay unti-unti na rin nakilala ang kainan nila Karl at Tatay Mando. Saktong-sakto naman na sa susunod na buwan ay pansamantalng uuwi si Nanay Zenaida upang dumalo sa nakatakdang graduation ni Karl. At sa pag-uwi nito ay wala itong kamalay-malay sa sorpreso na inihanda ng kanyang mag-aama.
Nang dumating si Nanay Zenaida ay agad nila itong niyayang kumain at dinala sa kanilang muting kainan. Walang kamalay-malay si Nanay Zenaida sa lahat ng nangyayari. At tulad nang inaasaahan ay halos nanghina sa gulat ng makita na ang maganda munting kainan na kanilang pinuntahan ay mga karatulang ‘Hapag Kainan Ni Zenaida at Mando’. Hindi ito makapaniwala sa nakita hanggang sa unti-unting kinwento ni Tatay Mando ang lahat ng nangyari at kung paano nagkaroon ng negosyo ang kanilang pamilya.
“Nay, pwede po bang ‘wag na kayong umalis? Huwag na po kayong umalis ulit, para sama-sama na po tayo nila tatay,” wika ni Karl habang masayang nagku-kwentuhan ang mga ito.
“Oo nga nanay, wag mo na po kami ulit iwan. Wala pong nagsusuklay ng buhok sa tuwing pumapasok ako sa paaralan,” paglalambing naman ng bunsong anak ni Zenaida.
“Nagtulong-tulong po kami nila tatay upang mapatapos po ang restawrant na ito. Inipon po namin ang pera na ipinadala niyo sa amin. Nais po kasi namin na makagawa ng paraan upang hindi niyo na po kailanganin umalis pa ng bansa para magtrabaho po para sa amin, ‘nay,” dagdag ni Karl.
“Nay, ngayong tapos na ako sa pag-aaral ay hayaan mong tulungan ko kayo ni Tatay. Alam ko na tulad namin ay labis rin ang ‘yong pangungulila doon lalo na a mga panahon na pagod ka at hindi mo kami kasama. ‘Yan din ang nakita ko sa mga ni Tatay at ng aking mga kapatid sa tuwing ika’y kanilang naaalala. Kaya labis na lang din nang pagpupursige ko na makaipon kahit na minsan ay naiinis ka na sa akin kakahingi ko ng pera,” pabirong sabi nito sa ina.
Tulad mo ‘nay, araw-araw ay pinagsisikapan namin na magpatuloy sa buhay kahit nasa malayo ka. Pilit namin nilalakasan ang loob namin kahit hindi ka kasama dito sa Pilipinas. Kaya labis na lang din ang kagustuhan namin nila tatay na talagang mapalago ang negosyong ito, dahil para sa iyo po ito” pahabol na sinabi ni Karl.
Habang patuloy na nagki-kwento si Karl at walang tigil din ang pagluha ni Nanay Zenaida. Bukod kasi sa negosyo na naipundar ng kanyang mag-aama ay nalaman niya ang mga pagtitiis at pagsisikap ng mga ito. Nabalot ng pagmamahal ang pagod na si Nanay Zenaida. Nalimutan nito ang mga lumipas na taon na hirap na hirap siyang magtrabaho ng malayo sa kanyang pamilya.
Pagkatapos ng graduation ni Karl ay kinailangan na naamn bumalik ni Zenaida sa Qatar. Ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na para ipagpatuloy pa ang naiwang trabaho, kundi para magpaalam upang piliin naman niya ngayon na mas makasama ang pamilya nito.
Nagpaalam si Nanay Zenaida sa pinapasukang amo sa Qatar. Ikinuwento nito sa amo ang sorpresang inihandog sa kanya ng kanyang mag-aama at natuwa naman ang mga ito kaya tuluyan na ring pinayagan si Nanay Zenaida na makabalik sa ‘Pinas matapos asikasuhin ang mga papeles.
Pagkauwi ni Nanay Zenaida ay walang pag-aalinlangan nitong tinulungan ang asawa sa kanilang munting kainan. Masayang-masya ang lahat dahil sa unang pagkakataon ay muling makakasama-sama silang mag-anak. Dahil sa pagsisikap napagtagumpayan din ni Karl na maipasa ang board exam, at kasalukuyan na itong siang inhinyero.
Sa huli, mas pinahalagahan na ng mag-anak na kahit anong mangyari ay hindi na muli nilang pipiliing mawalay sa isa’t isa. Na sa laban na kanilang haharapin sa hinaharap ay sama-sama nila itong haharapin at pagtatagumpayan.