Inday TrendingInday Trending
Nangako ang Nobyong Pananagutan Siya Ngunit Walang Nagawa ang Dalaga Nang Pinuwersa ng Inang Magpalaglag

Nangako ang Nobyong Pananagutan Siya Ngunit Walang Nagawa ang Dalaga Nang Pinuwersa ng Inang Magpalaglag

Unang araw ng Fourth year high school ni Jeremy noon, sabik na makita ang kaklase, sabik na makasama ang mga kaibigan. Tulad ng nakagawian, masaya palagi ang unang araw ng eskwela.

Isang babae ang nakakuha ng atensyon niya, si Nathalie. Napakaganda nito at napakakinis. Siya yung tipo ng babae na pag dumaan ay muli mong lilingunin.

Transferee siya noon at wala pang gaanong kilala. Kaya naman nilapitan siya ni Jeremy.

“Hi! Saang school ka galing?” Nakangiti niyang bati.

May sinabi ang dalagang pangalan ngunit hindi niya naintindihan dahil sa hina ng boses nito.

“Ahh. Saan yun?” Tanong niyang muli kahit na hindi niya narinig ang isinagot nito kanina.

“Sa may Cavite.” Mahinhing sagot muli ng dalaga na halatang nahihiya.

“I am Jeremy nga pala. Pinaka-cute sa klase.” Natatawang biro niya.

Natawa naman ang dalaga at lumabas ang malalim na dimples nito.

“Nathalie. Nice to meet you!” At saka ngumiti.

Nagkantsawan naman ang mga kaklase nang makita ang eksenang iyon.

Alam ni Jeremy sa sarili niya na gusto niya si Nathalie. Unang sulyap pa lang niya ay parang nahulog kaagad siya sa dalaga.

Di naman siya nagpatumpik-tumpik pa at hiningi ang number ng dalaga. Ibinigay ito ng dalaga at doon nagsimula ang lahat.

Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap nila sa text at sa personal. Ilang araw pa ang lumipas, naging malapit sila sa isa’t isa.

Hindi naman malabong magustuhan ni Nathalie si Jeremy, dahil masipag ito, matalino at gwapo din, pero hindi naman mas malabong magustuhan ni Jeremy ang dalaga, maganda nga kasi ito, matalino rin, yun nga lang kinapos ito ng kaunti sa tangkad.

Naging sila naman na din kinalaunan. Nagkaroon sila ng project para sa science subject tungkol sa human anatomy. Si Jeremy at Nathalie ang naging mag laboratory partners.

Napagdesisyunan nilang magkita sa isang lugar upang doon simulan ang paggawa ng proyekto.

May ibinigay na address si Nathalie, lugar kung saan sila magkikita.

Dumating si Jeremy sa pinag-usapang lugar ngunit laking gulat niya nang hampasin siya ng dalaga.

“Aray ko naman.” Ungot ni Jeremy habang hinahaplos ang namumulang braso.

“Bakit mo naman ako hinampas?” Natatawang tanong niya.

“Pinaghintay mo ako ng matagal! Kaasar.” Tugon naman ni Nathalie. Nagtawanan lamang ang dalawa matapos noon.

Nanlaki ang mata ni Jeremy nang makita niya kung saan lugar sila mag-aaral ngayon ni Nathalie. Malaking building, kulay pula, at may model na Japanese na babae.

“Motel?” Gulat na tanong ng binata.

“Oo. May pera ka ba diyan? Bayaran mo na para makapag-check in na tayo.” Nakangiting tugon ng dalaga.

Halatang kabado si Jeremy habang nagbabayad. Ito ang unang pagkakataon niyang makapasok sa motel. Pagdating sa kwarto ay di na mapaigi ang binata, habang si Nathalie naman ay kalmadong-kalmado lang.

“Hubad na!” Utos ni Nathalie.

“A-ano? Bakit? Anong g-gagawin?” Tila ba naistatwa ang binata sa mga nangyayari.

“Human anatomy at reproductive organ ang topic di ba? Hubad!” Sigaw naman ng dalaga.

Dali-dali namang naghubad ng pang-itaas si Jeremy. Nilapitan siya ng dalaga habang tinitignan ng mga nakakaakit na tingin. Ipinatong nito ang mga braso sa balikat ng binata at dahan-dahang hinila papunta sa kanya.

“Wait, Nathalie. Mali ito. Mali ang ginagawa natin.” Itinuloy pa rin ng dalaga ang kanyang ginagawa.

“Nathalie, mga bata pa tayo. Hindi pa tayo kasal. Ang bilis mo naman kaagad.” Di na malaman ni Jeremy ang gagawin.

Sinubukan niyang pigilan ang dalaga ngunit ayaw talaga nitong tumigil. Parang sasabog na ang puso niya sa sobrang kaba, at sa di inaasahang pangyayari, napasigaw si Jeremy.

“Tulong!” Sigaw ng binata na halatang nagulat din sa ginawa.

Bumitaw si Nathalie at saka humagalpak ng tawa. Napaupo siya sa isang tabi at nakahawak sa tiyan habang nag-iihit ng tawa.

“Tulong? Anu yon? Hahahaha.” Tawa pa niya.

Napakamot lang si Jeremy ng ulo at natawa na lang din sa nangyayari. Ipinaliwanag naman ni Nathalie na sinadya niyang dalhin ang nobyo doon upang makita nito kung puro nga ang intensyon niya sa dalaga.

Nagtawanan lamang ang dalawa sa loob ng kwarto at pinagkwentuhan ang mga nangyari.

Lumipas pa ang mga taon, naging mas matatag naman ang kanilang relasyon. 3rd year college na sila ngayon at nag-aaral sa iisang unibersidad. Magkaiba sila ng kursong kinuha. Engineering ang kinuha ni Jeremy at Architecture naman ang sa kay Nathalie.

Kaarawan ni Jeremy at kanyang isinama ang nobya sa bahay. Laking tuwa niya dahil napakagaling makisama ng dalaga. Tuwang-tuwa ang pamilya ng binata sa kasintahan dahil napakadaldal nito at tila ba hindi nauubusan ng kwento.

Kinagabihan ay magkasama sa iisang kwarto ang magkasintahan. Medyo naiilang ang binata dahil ito ang unang beses na matutulog sila ng magkasama.

“Oh eh bakit diyan ka sa baba matutulog?” Tanong ng dalaga habang tinitignan ang kasintahan na naglalatag sa lapag.

“Eh syempre diyan ka matutulog sa kama ko.” Tugon ng binata.

Natawa naman si Nathalie sa narinig at sumenyas na tumabi na ang binata sa kanya. Humiga naman ang nobyo sa kanyang tabi, pero tila ba naninigas sa sobrang pagkailang.

Lumalalim pa ang gabi at medyo uminit ang usapan. Hinalikan ni Nathalie ang nobyo at pumatong sa may dibdib nito.

“I love you, Jeremy.” Mahinhing bulong ng dalaga.

“I love you too, Nathalie.” Sabay halik ng matamis sa namumulang labi ng nobya.

Isinuko ni Nathalie ang kanyang pagkababae ng gabing iyon. Naging mainit, matamis at hindi makakalimutan ang pangyayaring iyon.

Ilang buwan pa ang lumipas, nagulat si Jeremy nang tumunog ang telepono.

“Hello?” Bati niya.

“Jeremy…” Humihikbing bungad ni Nathalie.

“May problema. May problema tayo.”

“Ha? Ano yun? Anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ng lalaki.

“Nag-try kasi ako ng pregnancy test. Buntis ako. Positive.” Umiiyak na saad pa ng dalaga.

“Oh eh bakit ka umiiyak?” Medyo natawang tanong naman ng kasintahan.

“Handa naman ako maging ama sa magiging anak natin. Handa akong panagutan ka. Hindi naman kita tatakbuhan.” Dagdag pa niya.

“Sila mama kasi. Baka kung anung magawa nila sa akin pag nalaman nila.”

“Basta papanagutan kita. Bubuhayin ko kayo ng magiging anak natin.” Pagsiguro naman ni Jeremy.

“Bukas ipagtatapat ko na kay Mama. I love you!” Di pa man nakakasagot ang lalaki ay ibinaba na ito ng kasintahan.

Kinabukasan nang magising si Jeremy ay tinignan niya ang cellphone at nabigla ito sa nakita. 22 missed calls at 5 messages. Lahat ay galing kay Nathalie.

Hindi niya narinig na tumunog ang cellphone dahil nailagay pala niya ito sa silent mode. Parang kinurot ang puso niya nang mabasa ang mga mensahe.

“Ipinagtapat ko na kay mama.”

“Sagutin mo, please!”

“Parang-awa mo na. Sumagot ka please!”

“Gusto ni mama ipalaglag ang baby natin.”

“Jeremy, tulungan mo ako.”

Sinubukan niyang tawagan ang kasintahan ngunit nakapatay na ang cellphone nito. Nagtungo niya sa bahay nila Nathalie ngunit wala nang tao. Ang sabi ng mga kapitbahay ay umalis daw ang mga ito noong madaling-araw at madaming dalang gamit.

Lumipas ang ilang linggo at buwan ngunit wala na siyang balita sa kasintahan. Hindi na rin daw umuwi ang mga ito sa kanilang bahay. Hindi na rin pumapasok si Nathalie sa klase, sabi ng ibang malalapit na kaibigan nito.

Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin. Hanggang sa isang araw ay tumunog ang cellphone niya. Hindi kilalang number.

“Hello?” Hindi sumasagot ang tumawag. “Hello?”

“Jeremy. I’m sorry.” Si Nathalie pala ito.

“Nasaan ka? Ano’ng nangyari sayo?” Nag-aalalang tanong ni Jeremy.

“Patawad. Kalimutan mo na ako, Jeremy.” Malamig na sagot naman ng babae.

“Yung baby natin? Nasaan ka? Pupuntahan kita!” Pang-uusisa pa ng lalaki.

“Wala na ang baby natin… wala na siya.” Umiiyak na sagot naman ni dating kasintahan.

“Diyos ko itinuloy ng nanay mo yun? Pumayag ka!?” Galit na tanong nito.

“Anung klaseng nanay yan? Nanay mo ba talaga yan? Kasalanan sa Diyos yung ginawa niyo.” Di na makontrol ng lalaki ang emosyon.

“I-I’m sorry Jeremy. Paalam.” At doon naputol ang kanilang pag-uusap.

Sinubukan ni Jeremy tawagan muli ang numero ngunit nakapatay na din ito. Di na niya mapigilan ang galit. Nagwala siya at ibinato lahat ng gamit sa harapan at saka sumigaw.

Unti-unti tinanggap ni Jeremy ang mga nangyari. Masakit ngunit wala na siyang magagawa pa para baguhin ang mga nangyari. Nawala na sa kanya ang pinakamamahal na babae at nawala na din ang kanilang anak.

Pinilit na lamang niyang ayusin ang pag-aaral at nagsumikap upang makatapos.

Apat na taon na ang lumipas at ngayo’y ganap nang Civil Engineer si Jeremy. Papunta siya ngayon sa site kung saan itatayo ang bagong gusali na kanilang gagawin.

“Bossing nandiyan ka na pala.” Bati ng isang trabahador.

“O Mang Nilo. Good morning!” Bati din niya.

“Nandyan na ba yung ka-meeting natin ngayon?”

“Oo boss. Quality boss, quality!” Nakangiting sagot naman sa kanya.

“Anong quality naman ho iyon Mang Nilo?” Natatawang tanong ni Jeremy.

“Tignan niyo na lang boss!” Sagot naman nito sa kanya.

Pagpasok nila sa tent ay biglang nanlaki ang mata ni Jeremy.

“Hi! Long time no see ah?” Bati sa kanya ng babaeng pamilyar na pamilyar sa kanya.

“Nathalie?” Hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Tumakbo agad siya at niyakap ang dating kasintahan. Bumitaw siya ng mapagtanto na madami pala silang nandoon sa loob ng tent at saka natawa ng mahina.

“Baka magselos ang asawa ko niyan ha?” Natatawang saad ni Nathalie.

Tila naman nawala ang mga ngiti sa labi ni Jeremy at naging seryoso ang mukha.

“M-may asawa ka na?” Tanong ng lalaki. Hindi naman muna sumagot si Nathalie, at tsaka bigla itong humagalpak ng tawa.

“Ikaw naman! Hindi pa rin talaga nagbabago. Hindi ka na mabiro!” Tawa pa ng babae.

Nalaman ni Jeremy nang araw na iyon na itinago pala siya ng ina at dinala sa probinsiya nang malaman na buntis ang anak. Sapilitang ipinalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Wala siyang magawa noon at walang mahingian ng tulong.

Itinago din pala ang kanyang cellphone at ikinulong lamang siya sa isang kwarto. Sumakabilang buhay naman din ang nanay ni Nathalie dalawang taon na ang nakakalipas. Nakaladkad daw ito ng isang ten wheeler truck at hindi na umabot pa ng buhay sa ospital.

Sa pagkakataong ito, hindi na hinayaan ni Jeremy na mawala pang muli sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Inalok niya ito na magsama na sila at magpakasal. Hindi naman siya tinanggihan ng babae.

Ngayon ay nagsasama na sila at bumubuo na ng sarili niyang pamilya. Buntis na rin sa Nathalie ngayon at magkakaroon na ng kambal na anak.

Naudlot man ng panandalian ang pag-iibigan ay gumawa pa rin ng paraan ang tadhana upang ibalik sila sa piling ng isa’t isa.

Advertisement