Inday TrendingInday Trending
Iniwan ng Babae ang Nobyo Para Magtrabaho sa Ibang Bansa, Nang Naisin Niya Itong Balikan ay Iba na ang Kanyang Nadatnan

Iniwan ng Babae ang Nobyo Para Magtrabaho sa Ibang Bansa, Nang Naisin Niya Itong Balikan ay Iba na ang Kanyang Nadatnan

“Tita!” sigaw ni Tara na isang balikbayan sa ibang bansa ng mahigit limang taon. Kararating lang niya sa airport at sinalubong ng kanyang tyahin.

“Naku, lalo ka atang gumanda ah. Baka naman nakalimutan mo ang mga binilin ko sa iyo, magtatampo talaga ako pag wala kang dala.” hirit ng tyahin. “Ikaw pa ba tita syempre meron at may kasama pang madaming tsokolate.”

Habang pauwi nag uusap sila sa taxi.

“Kumusta na kayo, madami na bang nagbago sa lugar natin?” tanong ni Tara.

“Oo marami na, puro malalaking gusali na ang makikita mo, eh ang puso mo kamusta na ba aber?”

“Naku ikaw talaga tyang tsaka na natin pag usapan yan.” pag iwas niya sa usapan.

Habang nakadungaw ito sa bintana, muling bumalik sa isipan niya ang mga pangyayari bago siya umalis papuntang Europa.

“Yes!” tuwang tuwang nagtatalon sa kilig si Tara sa tawag na kanyang natanggap. Natanggap kasi siya sa isang architectural firm na naka-base sa Paris. Matagal na niya itong inaantay para maiiahon ang pamilya sa kahirapan.

Ngunit bigla itong nabalutan ng pangamba kung paano sasabihin sa kanyang nobyo ang magandang balita. Mag dadalawang taon na silang magka- relasyon ni Gabriel, isa itong aspiring singer na tutol sa kanyang balak na umalis ng Pilipinas.

“Diba sabi ko naman sa iyo, basta magkasama tayo kaya natin.” hirit ng nobyo.

“Pero sana maintindihan mo ko Gab, malaking chance ito para sa akin at para din sa pamilya ko.” sagot ng babae.

“Eh paano na tayo? hindi ko kaya na malayo ka sa akin, mababaliw ako.” anito habang hawak hawak ang mga kamay ng nobya. Tinitigan niya ng malalim ang dalaga, nagmamakaawa na huwag na itong umalis.

Biglang bumitaw sa pagkakahawak si Lily, “Sorry,”

Kasabay noon ay ang pagtalikod ng dalaga habang humahagulgol, tila naman nakikisama ang panahon sa lungkot ng kanilang mga puso dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naiwan ang binata na basang basa, durog ang damdamin.

“Ang lalim ng iniisip mo diyan ah andito na tayo”. Biglang natauhan ang dalaga atpasimpleng nagpunas ng luha, bumaba na ng taxi.

“May balita ka ba sa kanya tyang?” Di niya na napigilan pang itanong.

“Naku sabi na nga ba at hindi ka rin makakatiis, teka ito tignan mo.” Inabot nito ang isang magazine sa kanya.

HIndi makapaniwala ang dalaga sa nakita, isa nang sikat na singer si Gabriel.

“Diba ang gwapo ng Lovey doves mo, ilang taon din siyang nag antay sa iyo, eh diba bigla ka na lang umalis at hindi ka nagpaalam sa kanya. Sobrang tiyaga niya araw araw siyang bumabalik dito nagmamakaawa para lang malaman kung kamusta ka na pero sabi mo huwag ko sabihin sa kanya. Uy..miss na niya.”Pambubuska ng kanyang tiyahin, magkahalong lungkot at kilig naman ang naramdaman ni Tara nang muling masilayan ang gwapong dating nobyo.

Nang hindi siya sumagot ay nagsalita pa ang kanyang tiyahin. “Minsan nga ako na ang napapagod sa kanya, pero grabe ang pagmamahal niya sa iyo. Nagulat na lang ako isang araw tumigil na siya hanapin ka.”

“Ang totoo tyang, mahal na mahal ko pa rin siya.” aniya habang hinahaplos ang litrato nito sa magazine at dahan-dahang tumutulo ang luha.

Binalak hanapin ni Tara sa Gab, nabalitaan niya na kakanta ito sa madalas nilang puntahan na bar noong sila pang dalawa. Nagpaganda ng todo ang dalaga para sa kanilang muling pagkikita ng binata. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman niya, habang hinihintay niyang lumabas sa stage ito.

Biglang naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar, “Good evening sa inyong lahat, nag eenjoy ba kayo tonight?” Isang pamilyar na boses ang narinig ng dalaga at pagtingin niya sa stage ay bumungad ang mas lalong naging pogi na si Gabriel.

Abot tenga ang ngiti niya at tila ba bumalik ang lahat ng alala ng kanilang pagmamahalan nung sila pa ay magkasama. Sinubukan niya itong tawagin pero masyadong maingay ang mga tao kaya’t nagpasya na lang siya antayin ito sa labas ng bar pagkatapos nitong kumanta.

Isang oras din siyang naghintay, akala niya ay lalabas na ito pero nakaalis na pala ang binata nang di niya napansin dahil sa back door ito dumaan. Sa pagkadismaya dumiretso na lang siya sa restaurant kung saan sila madalas kumain.

Habang umoorder at magbabayad na ang dalaga biglang may nagsalita.

“Libre ko na, welcome back.” Nanlaki ang mga mata ni Tara at parang ayaw pa niya lumingon, alam na alam niya kung sino ang nag mamay ari ng boses na iyon.

“G-Gab..” di makapaniwalang sabi niya.

“Hi Tara, kamusta ka na?” halos matunaw ang dalaga sa kinatatayuan niya ng makita ang napakagandang ngiti ng binata. Gusto na niya itong sunggaban ng halik at yakapin pero nagpigil siya.

“Kelan ka pa dumating?” tanong ng lalake habang sumusubo ng fries.

“Noong isang araw lang, dito na ko mag- stay for good, magbubukas ako ng sarili kong firm.” sagot ng babae habang humihigop ng softdrinks.

“That’s good for you,” nakangiti ito.

“I am really sorry Gab, walang araw na di kita inisip habang nandoon ako, alam ko ang laki ng kasalanan ko sa iyo pero ngayon, nandito na ako pwede na natin ayusin ito.” sabay hawak sa mga kamay ng binata.

Gumanti ng hawak ang binata at kinapitan ng mahigpit habang nakatitig kay Tara, “Halika sama ka sa akin may papakita ako sa’yo.” bulong ng nito. Tila nabuhayan ng loob ang dalaga at umaasa na magkakabalikan sila ni Gab.

Dinala siya ng binata sa isang malaking bahay, binuksan niya ang pinto ng kotse at inalalayan palabas si Lily. “Wow ang laki nito ah, diyan ka ba nakatira?” ngunit tahimik lang ang lalaki habang ito’y dumiretso na sa pintuan ng bahay.

“Wag ka masyado maingay ah,” sabi ni Gab.

Nakaramdam ng kilig at excitement si Tara, siya at si Gab sa iisang lugar na walang ibang tao..baka muling magbalik ang init ng kanilang pagmamahalan.

Ngunit pagsilip ng dalaga ay iba pala ang makikita niya, “Yan si Philip at yun naman si Pat, kambal sila.” bulong ni Gab.

Sa sobrang gulat ng babae ay hindi ito nakapagsalita, hinatak siya ulit ng lalaki at pumunta naman sa kabilang kwarto. Pagsilip nila..

“Siya si Karen, asawa ko.” wika ni Gab. Napatakbo bigla ang dalaga palabas ng bahay at para ba itong hindi makapaniwala sa nakita. Hinabol siya ng lalaki at kinausap.

Hinawakan niya ang mukha ni Tara at dahan dahang hinaplos ang mga pisngi nito at sinabi, “Makinig ka sa akin, hindi mali ang ginawa mo. Kung hindi dahil doon ay hindi ako magiging ganito ka-saya ngayon..”sabay yakap ng mahigpit sa dating nobya.

Ipinamumukha lang ni Gabriel na hindi pagkakamali ang ginawang pagpili ni Tara ng career niya kontra sa pagmamahalan nila noon, bagkus na- realize ni Gabriel na ang tunay na pagmamahal ay ang pagtanggap at pagrespeto sa desisyon ng minamahal at ito’y naging daan upang makilala niya si Karen at matagpuan ang tunay na kasiyahan.

Nagpatuloy naman si Lily sa buhay niya at naisip niya rin na wag nang pilitin ang iniwang pagmamahalan nila Gabriel dahil nakita naman niya na ito’y masaya na sa piling ng sariling pamilya. Kinalaunan ay may nakilala din siya na binatang muling nagpatibok sa kanyang puso.

Advertisement