Isang Magandang Matandang Dalaga, at Isang Gwapong Matandang Binata, Hindi Inakala ng Estudyante na Siya ang Magiging Daan Upang Magtagpo ang Dalawang Ito
Second year college na si Emily, isa siyang History major sa University of the Philippines Diliman. Maganda ang dalagita at matalino, kaya nga nang sinabi ng kanyang mga magulang na di na siya kayang pag-aralin ay nagprisinta ang kanyang matandang dalagang tiyahin na nakatira na sa US, na ito na ang magpapaaral sa kanya. Si Tita Theresita, hindi maintindihan ni Emily kung bakit tumanda itong walang asawa gayong napakaganda nito, at matalino rin. Kung tutuusin, hindi pa naman huli ang lahat, siguro ay nasa 40 taong gulang pa lang ang kanyang tita, pero sa inaakto nito tila wala na itong balak pang maghanap ng magiging asawa. Ang mga kaedad nito’y kasal na rin sa iba. Hindi niya naman magawang tanungin ang tiya dahil napakasungit nito, hindi nga marunong ngumiti ang babae. Nalaman nalang ni Emily na may tinatago rin pala itong kabaitan dahil ito pa ang nagpapaaral sa kanya ngayon. “Ang pag-aasawa noong unang panahon ay hindi madali, dahil maraming pagsubok ang dadaanan ng lalaki sa panliligaw. May mga kaugalian noon na hanggang ngayon ay ginagawa pa rin ng ibang Pilipino, siguro naman alam nyo na yan. Pero bibihira na ang gumagawa nito ngayon, dinadayo pa ng lalaki ang nililigawan kahit saan pa ito nakatira. Noong dating panahon, handang magtiis ang lalaki alang-alang sa babaeng minamahal.” sabi ng kanyang guro, si Sir Angelo Alfonso. “Eh kayo ba Sir, handa ba kayong magtiis?” kantsaw ng isang estudyante, naghiyawan naman ang iba. Natawa na lang si Sir Alfonso, mahilig itong makipagbiruan sa mga estudyante. “Toy, ilang taon na akong nagtitiis.” sabi nito sabay kindat. Lalong natawa ang mga estudyante. Napatulala naman si Emily sa guro. Matalino ito at gwapo, paano naman nito masasabing nagtitiis ito? Hindi ba ito masaya sa asawa nito? Ay, hindi pala sigurado si Emily kung may asawa na ang lalaki dahil palaging paiwas ito kapag iyon na ang usapan, pero tiyak niya namang sa edad nito na halos 45 taong gulang na ay may karelasyon na ito. Not unless beki si Sir. “Wooo, ano naman ang tinitiis mo Sir? Magsibak ng kahoy? Mag igib ng tubig?” dagdag pa ng isang estudyante. “Magbilang ng bituin hanggang bumalik siya,” sagot nito. Nagtawanan ulit ang mga estudyante dahil sa ‘cheesy’ na sagot ng lalaki. Di alam ni Emily pero parang kita niya sa mga mata ng guro na di ito nagbibiro. Lumipas ang ilang buwan, dahil History ang major ni Emily ay magkakaroon sila ng isang pagtatanghal tungkol sa Noli Me Tangere, isang akda ni Jose Rizal. Si Emily ang gumanap na Maria Clara, tuwang-tuwa siya dahil umuwi pa ang tita Theresita niya para mapanood siya. Nang matapos ang program, masayang niyakap ng babae ang pamangkin. “Ang galing mo!” sabi nito. “Ano kaba Ta! Thank you kay Sir Angelo, siya ang nag-train sa amin!” sagot naman ni Emily. “A-angelo?” tanong nito. “Oo, ako.” sagot ni Sir Angelo na ikinagulat nilang dalawa. Hindi maintindihan ni Emily pero bakas sa ekspresyon ng mukha ng lalaki ang lungkot, galit, pananabik, at…pagmamahal? “Hindi ako nagloko Theresita, alam mo yan. Ilang beses kong sinubukang hanapin ka pero hindi ko alam saan magsisimula. Hanggang ngayon, hinihintay kita.” sabi ni Sir Angelo na ikinagulat ni Emily. Ang tita niya pala ang tinutukoy nito! “Alam ko, pero naduwag akong aminin na nagkamali ako ng bintang sayo.” sagot naman ng tita niya na hindi makatingin dito ng diretso. Dahan dahang umalis si Emily para makapag usap ang dalawa, shocked siya na ang isa’t isa pala ang dahilan kung bakit wala pang asawa ang mga ito. Basta ang alam ni Emily, paglabas ng dalawa sa kwartong iyon ay nakangiti na ang mga ito at magkahawak kamay. Simula noon ay hindi na nagsungit pa ang tita niya, ikinasal ang mga ito matapos ang isang buwan. Ngayon ay papunta na si Emily sa ospital upang silipin ang bagong silang niyang pinsan, ang panganay ng kanyang Tita Theresita at Tito Angelo.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.