Pinagtatawanan at Di Nirerespeto ng Lalaki ang Santo na Sinasamba ng Kanyang Pamilya, Di Niya Akalaing Ito ang Magliligtas sa Kanila sa Panahon ng Kalamidad
May sariling pamilya na si Arnel pero nakapisan pa rin sila sa bahay ng kanyang ina, hindi naman tutol doon ang matanda, pabor pa nga iyon dahil nakakasama nito ang mga apo. Nag iisang anak lang si Arnel, pumanaw na ang kanyang ama tatlong taon na ang nakakalipas at kung aalis pa siya sa piling ng ina ay mag iisa na lang ito. Mayroong tatlong anak si Arnel, dalawa ay elementary at ang isa naman ay kindergarten. Hindi madali ang buhay nila, minsan ay kinukulang pero nakakaraos naman. Hindi rin malaki ang kanilang bahay, pero ayos na iyon basta malapit sila sa isa’t isa. Kasundo naman ng kanyang ina ang misis niya, parehong mahilig magluto ang dalawa at parehong mahilig magsimba, na madalas pinagtatawanan ni Arnel. Lalo na kapag binibihisan pa ng mga ito ang mga santong inukit na kahoy na naka-display sa kanilang maliit na tahanan. Pinupunasan ang mga iyon ng dalawa, inaalayan pa ng bulaklak at kandila. “Buti pa ang kahoy, pinapabangohan.” biro niya sa dalawa. Inirapan siya ng misis niyang si Harlene. “Kung hindi ka naniniwala, edi irespeto mo nalang ang paniniwala namin.” sabi naman ng kanyang ina. Tumahimik na lang si Arnel, alam niya naman kasing pag sa usaping ito ay napipikon ang dalawa. Inabala niya na lang ang sarili sa paglalagay ng gas sa peruk-perok, iyong maliliit na lampara. Narinig niya kasi sa balitang may bagyo raw at tiyak na mawawalan ng kuryente, sana naman wag sobrang lakas ang ulan dahil babahain sila. “Kayo naman, joke lang eh.” sabi niya pa. “Tumigil kana sabi,” saway sa kanya ni Harlene at tinignan siya ng matalim. Tatawa tawa naman siya habang umiiling. Hindi niya maintindihan, bakit nagpapakaloko ang mga ito sa pekeng santo. Niloloko lang tayo ng simbahan. Kung may Diyos, bakit may nagugutom? Bakit may naghihirap? Bakit sila binabagyo, at kung lumakas ang ulan, bakit sila babahain? Kung may Diyos, bakit sila pinapabayaan sa ganitong sitwasyon? Sumapit ang gabi at walang tigil ang pag ulan. Natutulog na ang buong pamilya ni Arnel, katabi nila ni Harlene ang dalawa nilang anak habang ang kanila namang panganay ay nasa kwarto ng lola nito. Sa bukana lang ng kama nakahiga ang lalaki upang mabilis siyang makabangon, wala kasi silang taas sa baba lang ang kanilang kwarto. Kung babaha man, kailangan niyang magising agad.Mataas bahain ang lugar nila at di iyon biro, may mga nasawi na dahil sa lakas ng agos at napadpad ang mga ito sa malalalim na ilog noong mga nakaraang bagyo. Napaigtad na lang si Arnel nang bigla-biglang may gumalabog. Nagulat siya nang makita sa paanan niya ang santo, na tinatawag niyang ‘kahoy’. Tila nakatingin iyon sa kanya, nagtataka lang siya na kung bumagsak ito mula sa altar, bakit hindi nabasag? Hindi na siya masyadong nakapag isip dahil napasulyap siya agad sa bintana. Ang taas na ng tubig at papasok na sa bahay nila! Agad niyang nilikas ang pamilya, dinampot nila ang ilang mahalagang gamit at dinala sa evacuation center. Habang nakaupo sa covered court, muling napasulyap si Arnel sa santo na noo’y yakap yakap ng kanyang inang nangangatog. “salamat..” pabulong na sabi niya. Aminin niya man o hindi, ito ang nagligtas sa kanilang lahat. Kung hindi siya ‘ginising’ nito ay hindi na niya alam kung saan sila pupulutin ng buong pamilya niya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.