Inday TrendingInday Trending
Sir, Hinay-hinay sa Paglapit

Sir, Hinay-hinay sa Paglapit

“Martha, tingnan mo si Sir o, nakatulala nanaman sayo.” bulong ni Shaira habang nagsasagot sila ng pagsusulit.

“Tumahimik ka nga dyan! Anong sagot sa number thirty-two dali habang hindi na nakatingin!” pagbulong rin ni Martha.

Kilala sa buong paaralan nila si Martha. Bukod kasi sa maganda ito, kakaiba rin ang angking talent nito sa pagsasayaw. Hindi rin ito nagpapatalbog kahit sa larangan ng sports.

Ngunit sa kabila ng mga talentong ito ni Martha, may kahinaan naman ang kanyang utak. Bukod pa dito, minsan lang siya pumasok at tamad mag-aral. Minsan nama’y papasok siya na walang laman ang bag kung hindi ang kaniyang earphones at payong.

“Girl, ilan score mo? Hanep o. Sayang mali ako sa number thirty-two! Kung hindi perfect sana ako!” panghihinayang ni Shaira.

“Diyos ko, yan pa naman yung kinopya ko sayo! Wala o, ayan o, wala akong score! Bokya nanaman ako.” pairap na sabi ni Martha.

Natigil ang pag-uusap ng dalawa noong magsalita ang kanilang guro.

“Kolehiyo na kayo, ang mga iskor niyo pang kinder pa rin. Aba konting aral naman para makakuha ng magandang trabaho pagkatapos. Simula ngayon, lahat kayo kailangan magreview. Pinagpare-pareha ko kayo, para turuan ang isa’t-isa. Kapag bumagsak ang isa, bagsak na rin ang kapareha. Maliwanag ba?” pananakot ng guro nila.

“At ikaw, Ms. Martha, ako magiging ka-partner mo. Sobra kasi eh. Hindi pantay ang bilang niyo. Wala kang kapareha. Saka isa pa ikaw ang pinakamababa. Halika doon tayo sa library.” ika ng guro nila nang may awtoridad.

Gulat na gulat si Martha. Habang itong kaibigan niyang si Shaira ay kinikiliti siya habang nanunukso.

“Girl, feeling ko talaga bet ka niyan ni Sir. Aba kandungan mo na agad sa library! Walang ibang tao don, saka doon lang walang CCTV ha!” tukso nito habang kekembot-kembot.

Tumungo na nga si Martha sa kanilang library. Hiyang-hiya siyang lumapit sa kanyang guro. Seryoso ito at binigyan agad siya ng isang papel na naglalaman ng mga dapat niyang pag-aralan. Buong pusong pinaliwanag sa kanya nang kaniyang guro ang bawat lessons at sinisigurado nito na naiintindihan talaga ni Martha.

Dumating muli ang araw ng pagsusulit ulit nila Martha at dito, halos buong klase ay nakakuha nang mataas na iskor kasama si Martha.

“Grabe, ganito pala yung pakiramdam kapag nagsunog ka ng kilay kakaaral tapos mataas makukuha mong iskor! Ang sarap sa feeling!” sigaw ni Martha.

Nagpasalamat si Martha sa guro niyang walang sawang nagpaintindi sa kaniya ng mga lessons.

“Sir thank you ha. Taas nang nakuha kong iskor ko. Pero teka sir, ano nga po ba pangalan mo?” pag-uusisa nito habang nakain nang ice cream.

“Ha? Hindi mo alam pangalan ko? Tatlong buwan mo na akong guro Martha. ” natatawang sabi nito kay Martha.

“Eh wala naman kasi akong pakialam sa mga guro ko dati sir, napasok lang ako para makasali sa mga palaro at sayawan. Pasensya na po kayo.” pagpapaliwanag ni Martha.

“O siya, magpapakilala nako ma’am, ako nga po pala si Ginoong David Buchero, tatlong buwan mo nang guro, tatlong buwan na ring nahuhumaling sa ganda mo.” ani nito sabay kindat.

Napabitaw si Martha sa sinabi nito. Pulang-pulang ika niya, “Sir talaga.”

Dumalas pa ang pagkikita ni Martha at Sir David sa library. Madalas tinuturuan pa rin si Martha nito at kung minsan nandoon lamang sila para magkwentuhan. May mga pagkakataon rin na kumakain sila sa labas kasama ang tsismosang si Shaira ngunit minsan, silang dalawa lang at nanunuod nang sine.

Naging usap-usapan sa buong paaralan ang pagkakamabutihan nila Martha at Sir David na naging sanhi nang pag-iwas ni Martha sa kanyang guro. Sabi ng ilan, kaya lamang daw mataas ang marka ni Martha ay dahil binibigay ni Sir David ang mga sagot sa kaniya sa pagsusulit na labis na ikinainis ng babae.

Isang Linggo ring hindi nagpakita si Martha kay Sir David. Palaging bakante ang upuan nito tuwing dadating siya upang magturo.

Hindi na nakapagpigil si Sir David at pinuntahan niya si Martha sa bahay nito kasama si Shaira. Dito ay humingi siya ng tawad at nangakong iiwas na para hindi na sila pag-usapan. Ang tanging hiling lang ng guro ay pumasok ulit siya at pagkatapos niya sa kolehiyo, nagmakaawa ang guro na nais niyang ligawan itong si Martha.

Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ni Martha. Nangako siyang mag-aaral nang mabuti at maghihintay rin katulad ni Sir David ng tamang panahon.

Pinagbuti nilang mabuti at nakita naman ng Diyos ang kanilang pagtitiis, pinagbigyan ang kahilingan ng kanilang mga puso. Naka-graduate si Martha at naging nobyo niya ang guro.

Ngayon ay masaya na silang nagsasama kasama ng tatlo nilang anak.

Advertisement