Dahil sa Kahirapan ay Ipinagpalit ni Mister ang Pamilya sa Isang Matandang Mayaman; Imbes na Malugmok si Misis ay Nagbuhay Donya Pa
Katorse anyos pa lamang sina Diego at Raquel nang maging magkasintahan. Hinamak nila ang lahat masunod lamang ang siklab ng kanilang mga damdamin.
Kabilang ang dalawa sa mga kabataang maagang nagkaanak. Sampung taon na ang nakalipas at ngayo’y nasa rurok pa rin ng kahirapan ang dalawa.
Sapagkat hindi nakapagtapos at walang tiyansang makapagbalik eskuwela ay nahirapang makapaghanap ng trabaho si Diego. Hindi rin naman makapaghanapbuhay si Raquel sapagkat walang magbabantay sa lima nilang anak.
Noong sila’y mga bata pa ay umaasa ang kanilang mga magulang na ang dalawa ang susi upang makaahon sila sa kahirapan.
Kaya naman hanggang ngayon ay nangangalakal pa rin ng basura ang ama at ina ni Diego at pumapasada ng traysikel ang ama ni Raquel.
Sumakabilang buhay naman ang nanay ng babae dahil sa ‘di matukoy na sakit. Paano ba nama’y ni isang beses ay hindi nila ito nadala sa ospital.
Habang lumilipas ang panahon ay parang naging tuyot na dahon ang pagtitinginan nila Diego at Raquel.
Araw-araw silang nagtatalo at madalas pa nga’y nagkakasakitan. Ang madalas nilang pinag-aawayan ay ang pagsusugal ni Diego. Kakarampot na lamang ang kinikita niya sa pagwe-waiter ngunit pinangsasabong pa niya iyon. Ang iba naman ay pinangtataya niya sa lotto.
Marami ang nanghihinayang sa dalawa sapagkat pareho silang may itsura at pirmeng mataas ang grado sa klase.
Ilang may sinabi sa buhay na lalaki na rin ang nagtangkang agawin si Raquel sa kaniyang mister ngunit pinanghahawakan niya ang kanilang sinumpaan sa altar.
Habang nagpapadede ng anak ay mainit na naman ang ulo ni Raquel sapagkat gutom na gutom na silang mag-iina at hindi pa umuuwi ang mister. Mabuti na lamang at binigyan sila ng tatlong pirasong galunggong ng mabait na kapitbahay na si Aling Rosa.
Tama ang hinala ng misis. Nasa sabungan na naman ang kaniyang mister.
“Ayan na si madam, ang kapal na naman ng hawak na pera,” saad ni Lito, ang matalik na kaibigan ni Diego.
“Hi, pogi!” pakindat-kindat pa sabay sitsit kay Diego ng matandang babaeng kulubot habang humihithit ng sigarilyo. Nagulat si Diego nang abutan siya ng pera ng matanda. Nang bilangin niya iyon ay tumataginting na limang libong piso! “Ito nga pala ang calling card ko, nariyan naman ang pangalan ko. Ako si Veronica,” nang-aakit na pagpapakilala ng matanda.
“Para saan ho ito?” saad ng inosenteng si Diego.
“Para sa ‘yo. Bumili ka ng mga bagong damit. Para kang babaeng bagong panganak. Haggardo Versoza, ikaw ba yan?!”
Hagalpak naman kakatawa si Lito habang namumula sa pagkapahiya si Diego.
Imbes na umuwi na ay ipinangtaya pa ni Diego ang limang libong piso sa pambato niyang manok. Ang natirang isang daang piso’y itinaya pa niya sa lotto.
Umuwi siya sa bahay na walang bitbit ni singkong duling. Palibhasa’y gutom, pinagmumura na naman ni Raquel ang mister.
Nang sumapit ang gabi ay pilit sinusuyo ni Diego ang asawa. Palibhasa’y nakakaramdam din siya ng init ng katawan.
“T*rantado! Ni pambili ng pasador ay hindi mo ako mabigyan! Magsarili ka na lang!” sabay sampal sa mister.
Nang subukan niyang hawakan ang salawal ng misis ay naglalawa ito sa dugo.
“T*ngin*ng buhay ‘to!!! Siguro kung mapera ako’y ikaw pa ang sasalubong sa akin nang nakabukaka! Mukha ka talagang pera! Matigok ka na sana para mapalitan na kita!” nanggagalaiting hiyaw ni Diego.
“Palitan mo! Ikaw talaga yata ang malas sa buhay ko!!! Lumayas ka na at baka sakaling suwertehin naman kami ng mga anak ko!” punong-puno ng poot na tirada ni Raquel. Tila normal na lamang sa mag-asawa ang magpalitan ng mga nakakakilabot na salita kaya’t laking gulat ni Raquel nang totohanin ng asawa ang paglalayas.
Agad namang tinawagan ni Diego ang matandang mayaman na si Veronica. Kasing bilis ng kidlat ang pagdating ng magara niyang sasakyan upang sunduin si Diego.
Napanganga ang mga kapitbahay nang makitang sumakay si Diego sa isang magarang sasakyan na lulan ang isang matandang babae at drayber niya.Kasing bilis ng pagkalat ng apoy ang pagkalat ng tsismis kaya’t agad naman itong nakarating kay Raquel.
“Sigurado ako, mare. Nandoon si pare ngayon kay madam! ‘Yong matandang malakas tumaya sa sabong na kursunadang-kursunada siya!” gatong ni Lito. Napahagulgol na lamang ang misis sa narinig. Agad siyang tumawag sa ama at nagpasundo.
“Ano ba ‘yan anak, halos wala na nga akong makain tapos ay makikitira pa kayong mag-iina sa akin, paano ko kayo bubuhayin? Paano tayo kakain ngayong gabi at sa mga susunod pang mga araw, wala akong pera dito ni singko?” saad ng kaniyang amang si Mang Jun.
“May awa ang Diyos, ‘tay,” nanghihinang sagot ni Raquel.
Naisip niyang halughugin ang gamit ng asawa sa pag-asang may makuha doon maski bente pesos man lamang na pambili ng itlog at tinapay.Hinalungkat niya ang mga gamit at bag ng asawa ngunit wala itong lamang kahit ano maliban sa mga tiket ng lotto na ang mga tayang numero’y puro kaarawan nilang mag-asawa at mga anak.
Nakasaad doon sa ticket na ang pagbobola ay gaganapin ng gabi ring iyon. Napapikit na lamang si Raquel habang taimtim na nananalangin.
“Panginoon, ibigay niyo na po ito sa akin. Nais ko pong magbagong buhay at ituwid lahat ng aking pagkakamali.”
Agad siyang nagtungo sa bahay ni Aling Rosa upang makinood ng telebisyon at halos mawalan siya ng malay nang marinig ang mga pamilyar na numero.
Pagkatapos nito’y nagtitili at nagpalundag-lundag siya sa tuwa.“Shhhh! Huwag kang maingay! Maririnig tayo ng ating mga kapitbahay. Mainam nang ako na lang ang babalatuhan mo,” mahinang paalala ni Aling Rosa.
Napahagalpak naman sa katatawa ang magkapitbahay. Tila may sira ang mga ulong nagtatawanan at nag-iiyakan ang dalawa. Ang masalimuot na buhay ni Raquel ay magwawakas na.
Humahangos na bumalik ng bahay si Raquel.
“Tay, mga anak!!! May pambili na tayo ng pagkain, kahit ano’ng pagkain,” nanginginig na pahayag ni Raquel sabay yakap ng mahigpit sa ama at mga anak.
Takang-taka ang ama at mga anak ni Raquel ngunit nagpasya siyang ipagpabukas na lamang ang pagkukuwento sa kanila.
Kinaumagahan ay agad na nagtungo si Raquel sa tanggapan ng lotto at umuwing tila ibang tao na.
Una niyang pinakain sa labas ang ama at mga anak kasama si Aling Rosa.Napanganga naman si Aling Rosa nang abutan niya ang ale ng sobre na may lamang P500,000.
Umiiyak pa ito habang nagpapasalamat sa kaniya.
Sa kabilang banda’y lugmok naman sa kalungkutan si Diego. Kahit pa napakasarap ng kaniyang buhay ay hindi niya masikmura ang mga gustong ipagawa sa kaniya ni Veronica sa kama.
Palagi niya ring naiisip ang kaniyang asawa’t mga anak ngunit ni minsan ay hindi niya nagawang kumustahin man lamang sila.
Makalipas ang isang taon ay tila nakasanayan na ni Diego ang ganoong klaseng pamumuhay.
“Magbihis ka na, darling. Ibibili kita ng pinakabagong selpon. Basta alam mo na, mamayang gabi,” nang-aakit na pahiwatig ni Veronica habang kumikindat.
Bagama’t sanay na ay nasusuka pa rin si Diego sa matandang babae lalo pa tuwing ito’y kumikindat at pumopormang nang-aakit. Subalit wala na siyang ibang pupuntahan pa. Sa piling ni Veronica ay hindi na niya kailangan pang umekstra sa pagwe-waiter at magbanat ng buto.
Habang nasa mall ay parang bata na panay ang turo ni Diego sa mga bagay na ni minsan ay hindi niya nabili para sa sarili.
Mamahaling damit, sapatos, bag, laptop, at kung ano-ano pa.
Lahat ng iyon ay binibili naman ni Veronica basta’t paliligayahin lamang siya ni Diego gabi-gabi.
Habang namimili ng sapatos ay napalingon si Diego nang makitang dumaan ang isang napakagandang babae.
Tila pamilyar ang itsura niya. Napakaganda ng babae, mala-porcelana ang kutis at kahali-halina ang hubog ng katawan.
“Papa!”
Nanginig si Diego nang makita ang panganay na anak. Nagtakbuhan na rin ang iba pa niyang mga anak papunta sa kaniyang direksyon.
Nang makita ni Raquel si Diego ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig.Nagbalik ang lahat ng alaala ng nakalipas…Kung paano sila nagsimula at nagka-ibigan ng mister…
“Wow! Ano ito, family reunion?!”
Nagwakas ang pagmumuni-muni ni Raquel nang marinig ang boses ni Veronica.
“Oo, bakit?!” paninigaw niya rito habang tinitingnan ang matanda mula ulo hanggang paa.
“Talagang hindi maselan ang sikmura mo, Diego. Palibhasa’y sanay tayong kumain ng panis noon,” nang-iinsultong pahiwatig ni Raquel.
Agad namang uundayan ng sampal ni Veronica si Raquel ngunit hinarang iyon ni Diego.
“Huwag na huwag mong sasaktan ang asawa ko!” saad ni Diego.
“Kaya ba niyang ibigay lahat ng binibigay ko sa iyo? Hindi ba’t pinalayas ka ng malditang iyan dahil wala kang sinabi sa buhay?! Baka nagpapagalaw din iyan sa iba kaya’t nakakapag-ayos na at nakakapag-mall! Lumaklak pa yata ng sandamakmak na gluta!” nangiinsultong banat ni Veronica habang humahalakhak pa.
Bigla namang bumunot ng makapal na bugkos ng pera si Raquel at sinampal iyon sa mukha ni Veronica.
“Iyan ang lahat ng kabayaran sa lahat ng pagkakautang sa ‘yo ng asawa ko! Kung tutuusin ay luging-lugi pa si Diego sa iyo. Walang makasisikmurang makatabi ka sa kama gabi-gabi!” sabay hatak ni Raquel sa kamay ng asawa.
Kusa naman ding sumama ang mister sa kaniya.
Pahiyang-pahiya naman si Veronica sa nangyari. Marami ang kumuha ng bidyo at litrato sa pangyayaring iyon at in-upload pa ito sa social media.
Pag-uwi sa kanilang mala-mansiyong bahay ay nanlaki ang mga mata ni Diego.
Hindi siya makapaniwala sa naging haplos ng Diyos sa buhay nilang mag-asawa.
Naging mainit na mainit ang pagtatal*k ng mag-asawa ng gabing iyon. Pagkatapos ay nag-usap sila ng masinsinan kung paano magsisimulang muli.
Naging maayos ang daloy ng relasyon ng mag-asawa gaya ng takbo ng kanilang trucking business na talaga namang kumikita nang malaki.
Para na rin sa kanilang mga anak ay binigyan ni Raquel ng pangalawang pagkakataon ang mister upang magbago.
Nangako rin kasi siya sa Diyos na itatama niya ang lahat ng kaniyang pagkakamali at isa na doon ang itama ang maling nasimulan nila ng mister.
Talaga namang mapagbiro ang tadhana, hindi ba? Ano ang naging haplos ng Diyos sa inyong mga buhay?