Inday TrendingInday Trending
Nawawala ang Babae sa Tuwing Lunch Break na sa Opisina, Naluha ang mga Katrabaho Nang Malaman ang Dahilan

Nawawala ang Babae sa Tuwing Lunch Break na sa Opisina, Naluha ang mga Katrabaho Nang Malaman ang Dahilan

Habang nagtatrabaho sila Janet at ang kanyang mga kasamahan ay nagyaya ang kanyang mga kasamahan na kumain na sila sabay sabay ng pananghalian.

“Guys tara! Sabay sabay na tayo mag lunch para mas masaya tayo kumain,” sabi ni Angela. Agad naman na sinang ayunan ito ng kanilang mga katrabaho ngunit si Janet lamang ang tumanggi.

“Kayo na lang ang kumain, pasensya na at ‘di ako makakasama kasi kailangan ko pang tapusin lahat ng ito,” masayang sabi ni Janet upang hindi ipahalata ang gutom na kanyang nararamdaman.

Pagkaalis na pagkaalis ng mga katrabaho ni Janet ay agad nitong inilabas ang kanyang baong malamig at matigas na kanin at ang kanyang ulam na patis lamang. Minadali niya itong ubusin para na rin hindi siya maabutan ng kanyang mga katrabaho.

Pagkalipas ng isang oras ay nakabalik na ang mga katrabaho nito sa opisina. Naabutan na lamang nilang natutulog si Janet sa kanyang istasyon.

“Janet, gising na. Tapos na ang lunch time,” sabi ni Karen na isa rin sa mga katrabaho ni Janet. Unti-unting nagising ang dalaga at pagkatapos ay nagpasalamat sa kanyang kaibigan.

“Salamat sa paggising,” banggit ng dalaga kay Karen.

Pagkatapos ng kanilang trabaho ay agad nang nagsi-uwian ang mga katrabaho ni Janet. Naiwan siya dito mag-isa dahil sinabi niya na tatapusin pa niya ang mga reports niya para bukas. Pero ang totoo ay ayaw niyang nakikita ang mga katrabaho na sumasakay ng jeep pauwi habang siya ay naglalakad lamang.

Kinabukasan ay maaga na ring pumasok si Janet ng trabaho para maagang makapagsimula ng mga gagawin. Pagdating naman ng lunch ay nagpaiwan na naman siya sa kadahilanan na matutulog na lang siya dulot ng pagod sa trabaho.

“Tara! Sama ka sa’min. Kain tayo,” yaya ni Karen kay Janet.

“Mamaya na ako kakain, kailangan ko muna ipahinga yung batok ko at kanina pa ako nakayuko dito,” paliwanag nito na may kasama pang paghawak sa batok upang makumbinsi ang mga katrabaho.

“Sige. Kumain ka ha? Grabe ka kung magtrabaho eh. Baka ma-promote ka agad niyan,” pabirong sagot naman ni Angela.

Pagkaalis ng mga katrabaho ni Janet ay nagpunta na lang ito sa banyo dahil sa lungkot na kanyang nadarama. Habang nasa isang cubicle si Janet ay unti-unti itong napapaiyak sa mga problema na kanyang pasan-pasan. Nakalimutan namang i-lock nito ang silid sa banyo at ‘di niya alam na nakabalik na ang kanyang mga katrabaho. Sa hindi naman inaasahan, biglang pumasok si Angela sa banyo.

“Janet? Bakit ka umiiyak? At bakit ka nariyan?” nagtatakang tanong ni Angela. Nagulat naman si Janet kaya bigla itong napatayo sa kanyang kinauupuan.

“Ah, wala ‘to. Tara na at baka ma-late tayo,” yaya naman ni Janet na pinipilit na ngumiti.

“Sabihin mo na kasi sa akin. Makikinig ako,” pagkatapos itong sabihin ni Angela ay agad namang umiyak ng tuluyan si Janet.

“Marami kasi akong problema at responsibilidad sa buhay. Working student ako, Angela. Tapos ako pa ang inaasahan sa bahay namin dahil ako ang panganay. Kaya hindi ako sumasama sa inyo tuwing lunch, kasi wala akong dalang pagkain. Madalas ay patis, toyo, o asin lamang ang iniuulam ko,” mangiyak-ngiyak na sagot ni Janet.

“Hala, totoo ba yan? Ang galing mo naman! Bakit ka ba nalulungkot eh sobrang hanga nga ako sa mga tulad mo. Saludo ako sa’yo,” pagpupuri naman ni Angela. “Halika, samahan mo na ako sa mga katrabaho natin. Wag mong ikahiya kung sino ka,” masayang pahabol ni Angela.

“Isa pa, ayaw ko kasing kaawaan ninyo ako. Pakiramdam ko’y mag-iiba ang pagtrato niyo sa akin kapag nalaman niyo ang mga pinagdadaanan ko,” dagdag ni Janet.

“Ano ka ba? Masyado ka namang advance mag-isip! Halika na!” nakangiting sagot ni Angela.

Pagkabalik nila ng opisina ay agad na inilahad ni Angela ang istorya ni Janet sa iba pa nilang kasamahan. Kabaliktaran sa iniisip at pinangangambahan ni Janet, purong paghanga ang ipinakita at ipinaramdam ng mga katrabaho ni Janet sa kanya.

Nagkasundo rin ang ilang mga katrabaho na magsasalo-salo na lamang sila araw-araw sa mga baon nilang pagkain upang kahit papaano ay makatulong sa napakasipag na dalaga. Hindi rin naman nagbago ang pagtingin at pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Makalipas ang isang taong pagtatrabaho habang nag-aaral, sa wakas ay nakapagtapos ng pag-aaral ng kolehiyo si Janet. Nang makakuha ng mas magandang trabaho dahil siya ay may diploma na, madalas ay binibisita pa rin niya ang mga dating katrabaho na naging mga kaibigan na niya upang magpasalamat at tumanaw ng utang na loob sa pagbibigay nila ng pagkain sa kanya noong naghihikahos pa siya.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement