Inday TrendingInday Trending
Nay, Naaalala Mo Ba Ako?

Nay, Naaalala Mo Ba Ako?

“Bea, nasaan ka anak ko?!” sigaw ni Sarah ng makakita ng isang bata sa malapit na parke sa kanila kung saan may mga batang naglalaro. Akmang yayakapin niya ang isang batang babae ng bigla na lamang itong tumakbo papunta sa kanyang ina.

“Mommy! Nandyan na naman po yung baliw na babaeng hinahanap ang anak niya!” umiiyak na sumbong ng batang babae sa ina. Agad naman na itinago ng ina ng bata ang anak sa kanyang likod.

“Ibalik mo sa’kin ang anak ko! Masama kang tao! Mahal na mahal ko ang anak ko! Ibalik niyo siya sa’kin!” malakas na sigaw si Aling Leona habang lumalapit sa batang iyak nang iyak na rin sa takot sa kanya.

“Hoy Sarah, hindi ito ang anak mo, maawa ka naman sa anak ko. Takot na takot oh! Hindi ka ba naawa sa bata at umiiyak dahil sa’yo?” saad ng ina ng bata kay Sarah.

Napatigil naman si Sarah sa sinabi ng ginang at tiningnan ito sa mata. Mga matang nangungusap at puno ng pangungulila.

“Hindi ko siya sasaktan. Mahal na mahal ko ang anak ko. Siya ang mundo ko. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko,” tiningnan naman ni Sarah ang bata ng may mga nangungusap na mga mata, “Anak, halika ka na, sama ka na kay Nanay. Uuwi na tayo. Sabi mo hindi mo iiwan si Nanay kahit kailan diba? Mahal mo si Nanay ‘di ba? Uwi na tayo please?” sunod-sunod na tumulo na naman ang mga luha sa mga mata ni Sarah.

Bagama’t naawa ang ginang at ang bata ay wala naman silang magawa kundi ang iwasan na lamang ang ginang. Hindi rin kasi mabuti ang nagiging resulta pag kinukunsinti nila ito. Masyado itong natatakot mawala ang anak muli sa kanya kaya minsan na nitong itinago at ikinulong ang isang batang babae sa bahay niya. Takot na takot ang batang iyon ng nakuha ng mga magulang.

Simula noon ay wala nang lumalapit pa kay Sarah. Pinapalayo na ng kanilang mga magulang ang mga bata sa babae. Lalo na ang mga batang babae na madalas pagkamalan ni Sarah na anak niyang si Bea.

Isang dating guro si Sarah. Masaya itong namumuhay kasama ang nag-iisang anak nitong si Bea. Walang tatay si Bea dahil anak siya sa pagkadalaga ni Sarah. Ngunit isang araw ay bigla na lamang dumating ang lalaking nakabuntis sa kanya at kinuha ang pinakamamahal na anak.

Walang nagawa si Sarah dahil sobrang yaman ng ama ni Bea at wala siyang laban sa lalaki. Dinala ng lalaki ang kanilang anak sa Amerika at magmula noon ay hindi na nakita pa ni Leona ang kanyang anak. Labis na dinamdam ni Sarah ang pagkawalay sa kanya ng anak. Araw-araw itong umiiyak hanggang sa masiraan na nga ng bait.

Mabuti na lamang at may nakababatang kapatid si Leona na handa siyang alagaan. Ito ay kasalukuyang kasama ni Sarah sa bahay at nag-aalaga sa kanya.

Isang araw ay pumunta na naman sa parke si Sarah. Madalas kasi silang magpunta roon ng kanyang nag-iisang anak na si Sarah. Lumuluha na naman siya habang binabalikan ang mga alaala nila ng pinakamamahal na anak.

Hindi napansin ni Sarah na may isang dalaga ang lumapit sa kanya. Isang dalaga na kay tagal na inaasam na makita siyang muli.

“Nay?” naluluhang tawag ni Bea sa ina. Dahan-dahan siyang lumapit kay Sarah at niyakap ito. Hindi siya makapaniwala na sa wakas ay nagkita na silang muli.

Marahan naman siyang tinulak ng ginang at naguguluhang tinanong siya.

“Sino ka? Bakit mo ako tinatawag na nanay? Isa lang ang anak ko. Maliit pa ang baby Bea ko, ‘wag kang magpanggap na anak kita!”

“Nay, hindi niyo po ba ako nakikilala? Patawarin niyo po ako kung ngayon lamang ako nakabalik sa piling niyo. Hindi po ako pinayagan ni Papa na bumalik dito hanggang hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-aaral at mayroong sariling trabaho. Kaya nagsikap po talaga ako Nay na makapagtapos sa lalong madaling panahon. Patawarin niyo po sana ako kung iniwan kita. Hindi ko din naman po alam na magkakaganito ka sa aking pagkawala. Patawad po, Nay!” Hindi na napigilan ni Bea na mapahagulhol dahil sa pinaghalo-halong bugso ng damdamin. Kay tagal niyang inasam na makita ulit ang ina at ngayon naman na nasa harapan niya ito ay malalaman niya ang sinapit ng ginang dahil sa pagkawala niya.

Pinunasan ni Sarah ang mga mata luha ni Bea habang nakayakap sa dalaga. Hindi niya alam pero pakiramdam ni Sarah ay kilala niya ang dalaga. Pilit niyang inaalala kung saan at kailan niya ito nakita.

“Tahan na, hija. Huwag ka nang umiyak. Alam mo ba napaka-iyakin din ng anak kong si Bea? Ewan ko ba sa batang yun, konting galaw ay iiyak at magsusumbong sa akin. Pero kahit na ganun siya ay mahal na mahal ko ang anak ko. Ang napakagandang anak kong si Bea. ‘Pag mahanap ko siya, gusto mo bang ipakilala ko siya sayo?” pagpapatigil ni Sarah sa dalagang umiiyak. Mas naluha naman si Bea sa mga sinabi ng ina.

Sobrang sakit ng nararamdaman ni Bea ngayon dahil sa hindi siya makilala ng sarili niyang ina. Labis din siyang nakokonsensya sa nakikitang kalagayan ng ginang. Bigla namang nanariwa sa kanyang isipan ang ginagawa ng ina noong bata pa siya para tumigil siya sa pag-iyak.

Niyakap niya ng mahigpit ang ina at hinaplos-haplos ang buhok nito at marahang kumanta.

“Tahan na, aking mahal. Sa mundong ito’y ikaw lang ang labis kong mahal. Saan man naroroon’y pilit kitang pupuntahan. Kailanma’y hindi iiwan. Sa tuwing ika’y natatakot at nasasaktan, isipin mo lang, ikaw ang aking pinakamamahal.”

Parang dalawang rumaragasang ilog na nagpapauhan sa pag-agos ang mga luha ni Sarah ng marinig ang pamilyar na kantang madalas niya awitin sa anak noong kapiling niya pa ito. Siya lamang ang gumawa ng kanyang iyon kaya silang dalawa lamang ng anak niyang si Bea ang nakakaalam ng kantang iyon.

Niyakap niya pa ng mas mahigit ang dalaga, na para bang mapupunan ng yakap na iyon ang ilang taong pangungulila nilang dalawa sa isa’t isa. Sa wakas, umuwi na ang anak niya. Makakapiling niya na ulit ang pinakamamahal na anak na kaytagal na hinanap at hinintay.

“A-anak ko? Bea baby, ikaw na ba ‘yan?” paniniguradong tanong pa ni Sarah sa dalaga. Sa wakas ay nakilala na din siya ng kanyang ina. Sunod-sunod na tango naman ang sinagot ng dalaga habang patuloy pa rin ang pag-iyak.

“Mabuti naman nakauwi ka na. Huwag mo na ulit iiwan si Nanay ha? Mahal na mahal kita, anak. Ikaw ang mundo ko at hindi ko alam ang gagawin kop ag nawala ka pa ulit sa buhay ko,” puno ng emosyong pahayag ng ginang sa anak.

“Huwag kang mag-alala Nay, isa na akong ganap na nurse ngayon. Magpapagamot tayo ha? At pagkatapos nun, magsisimula tayong muli. At sa pagkakataong ito, hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa,” pangako ni Bea sa kanyang ina.

Tinupad ni Bea ang kanyang pangako sa ina. Dinala ng dalaga ang ina sa Amerika at doon pinagamot. Gumaling din naman si Sarah at doon sa Amerika, kasama ang pinakamamahal na anak, ay nagsimula silang muli na mamuhay ng masaya kasama ang isa’t isa.

Advertisement