Laking Pagkakamali nang Makipagniig ang Kasambahay sa Kanyang Amo, Labis na Kalungkutan Pala ang Hatid Nito
Mula nang nagsilbi si Milagros sa bahay ng mga Monteclaro bilang kasambahay ay malaki na ang paghanga niya sa among si Jonathan. Para sa kanya ay para itong prinsipe sa kakisigan kaya halos gabi-gabi niya itong pinagpapantasyahan.
“Mila, pakilabhan nga itong pantalon at t-shirt ko!” utos ng binata.
“Opo, sir, ako na po ang bahala,” aniya sa kinikilig na boses.
Tuwing kinakausap siya nito ay para siyang nakakarinig ng boses ng anghel na bumababa sa langit ngunit kapag ang ina nitong si Madam Regina ang kumakausap sa kanya ay nakakarinig na siya ng nagagalit na demonyo. Napakasungit at napakamatapobre ng amo niyang babae kaya walang kasambahay na nakakatagal sa bahay ng mga ito. Masuwerte lang siya dahil pinagkakatiwalaang lubos ni Madam Regina ang kanyang inang si Rosa na labandera naman ng pamilya.
“Ano ba naman ito? Bakit napakadumi pa rin ng banyo? Linisin mo nga ito, Mila, bilisan mo!” inis na sabi ng among babae.
“Opo, madam. Tapusin ko lang po itong nililinis ko!” sigaw niya.
Kahit stressed sa trabaho ay napapawi ang pagod niya tuwing makikita si Jonathan na nakatambay sa bahay lalong-lalo na kapag walang saplot na pang-itaas ang binata. Nagsisimulang mag-init ang kanyang mga kalamnan kapag nasisilayan ang pangromansang katawan nito.
Minsan ay kahit naglalakad lang siya papuntang palengke ay parang nasa alapaap ang kanyang isip dahil kay Jonathan. Kaya naman abot-abot ang panunukso sa kanya ng kanyang kababata na si Zanjo, construction worker ang trabaho ng binata at matagal nang may lihim na pagtangi sa kanya.
“Sino na naman ang iniisip mo, Mila? Si Jonathan na naman ba?” anito.
“Ha, h-hindi ah!” pagtanggi niya.
“Ako pa ba ang paglilihiman mo! E, kilalang-kilala na kita. Malaki ang paghanga mo kay Sir Jonathan.”
“Kung gusto ko si Jonathan, e ano naman sa iyo?”
Sumeryoso ang mukha ni Zanjo sa sinabing iyon ng dalaga.
“W-wala. Masaya ako kapag masaya ka, Mila.”
“Ay ‘sus! Nagseselos ka ‘no? Ito naman, siyempre wala pa ring tatalo sa iyo. Ikaw kaya ang bestfriend ko!” sabay akbay sa balikat nito.
“Sinabi mo e,” makahulugang wika ni Zanjo.
Isang gabi, walang ibang tao sa bahay dahil umalis papuntang probinsya si Madam Regina kasama ang kanyang ina. Ang naiwan lang ay siya at ang among si Jonathan.
Habang nagliligpit siya ng pinagkainan ay nakita niyang lumabas ito ng kuwarto, may dalang baso ng alak at susuray-suray. Naka-inom ang binata.
“Sir, mukhang naparami na ang inom niyo ah.”
Tinitingan siya nito mula ulo hanggang paa.
“Ikaw pala, bakit hindi ka pa nagpapahinga?” tanong nito.
“Marami pa po kasi akong gagawin.”
“Tama na muna iyan. Samahan mo akong uminom!” yaya nito.
“H-hindi po kasi ako umiinom, e.”
“Sige na, tikman mo lang,” sabay abot nito ng baso na may alak.
Dahil ayaw na mapahiya ang amo ay sinunod niya ang utos nito. Ininom niya ang laman ng baso.
“Ano, masarap ‘di ba? Sige, uminom ka pa.”
Dahil hindi iyon ang klase ng alak na masakit sa lalamunan ay nawili siya sa pag-inom. Hanggang sa maramdaman niya na nahihilo na siya. Tumalab na sa kanya ang espirito ng alak na ininom.
Hindi niya namalayan na humahaplos na pala sa braso at leeg niya ang mga kamay ni Jonathan na may tama na rin ng alak.
“Sir, h-huwag diyan!”
“Ang ganda mo pala, Mila. Balita ko crush mo daw ako, totoo ba iyon?” anito.
Pinamulahan ng mukha ang dalaga. Dahil nasa impluwensiya na siya ng alak ay lumakas ang kanyang loob na sabihin ang nararamdaman sa binata.
“A, e…oo sir. Crush kita, matagal na,” pag-amin niya rito.
“Talaga?” sabi nito habang hinalikan ang kanyang mga labi pababa sa leeg hanggang sa dibdib.
“Sir Jonathan, oohhhh!” ungol niya habang niroromansa ng amo.
Maya-maya ay binuhat na siya ng binata papasok sa kuwarto nito. Inihiga siya sa kama at mabilis na hinubaran ng damit. Nang wala na siyang saplot ay nagmamadaling naghubad din ng suot na damit ang binata at pumaibabaw sa kanya.
Inulos siya nang inulos ni Jonathan, siya naman ay parang lantang gulay na nag-aantay lang sa kung anuman ang mangyayari hanggang sa marating ng binata ang rurok ng kaluwalhatian at tuluyang makaraos. Dahil sa matinding pagod ay agad itong nakatulog sa kama samantalang siya ay naiwang nakatulala pa rin sa kawalan.
Isang buwan ang lumipas at isang pangyayari ang gumimbal kay Milagros na kinailangan niyang ipagtapat sa ina.
“Inay, buntis po ako!” mangiyak-ngiyak na sabi ng dalaga.
“Ano, sino ang ama ng batang iyan?!” galit na tanong ni Rosa.
“S-si Sir Jonathan po.”
“A-ano? Hindi maaari! Kailangan niyang panagutan ang ginawa niya sa iyo!”
Sumugod sa bahay ng pamilya Monteclaro ang kanyang ina at pilit na gustong makausap ang binata.
“Sir Jonathan, Sir Jonathan! Lumabas ka!” sigaw ng babae.
Nilabas siya ni Madam Regina. Hinarap siya ng matandang babae.
“Hoy, Rosa ano’t nagwawala ka?”
“Ilabas niyo si Sir Jonathan. Kailangan niyang panagutan ang anak ko, buntis si Milagros at siya ang ama!”
“Anong panagutan ang ibig mong sabihin? Walang dapat panagutan ang anak ko. Puwede ba? Huwag niyong ipaako sa anak ko ang kapo*p*kan ng anak mo!”
Lingid kay Rosa ay sinundan pala siya ni Milagros at nakita nitong nakaluhod ang ina sa harap ni Madam Regina.
“Pakiusap, Madam. Kailangang panagutan ni Jonathan ang anak ko. Ayoko siyang maging disgrasyada,” pagmamakaawa nito.
“Hindi! Hindi pananagutan ni Jonathan ang anak mo. At isa pa, wala na siya dito. Umalis na siya kagabi papuntang Amerika para doon mag-aral. Hindi na siya babalik dito!”
Dahil sa sama ng loob ay inatake sa puso si Rosa at humandusay sa harap ng matapobreng babae.
“Inay, inay! Gumising ka, inay!” hagulgol ni Milagros.
“Hoy, magsilayas kayo dito. Tatawag ako ng pulis kapag hindi kayo umalis!”
Naawa ang mga kapitbahay sa sinapit ni Rosa kaya tumulong ang mga itong maisugod ito sa ospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay ang kanyang ina.
Makalipas ang ilang linggo, nasa istasyon ng tren si Milagros at iniintay ang biyahe papuntang Maynila. Magpapakalayo-layo na siya at gusto nang kalimutan ang malulungkot na nangayari sa buhay niya: ang hindi pag-ako ni Jonathan ng responsibilidad sa dinadala niyang anak.
Ang hindi niya alam ay saksakan ng babaero ang binata, ugali na nitong mang-iwan ng mga babae kapag nakuha na nito ang gusto. At ang pinakamatindi ay ang pagkawala ng kanyang butihing ina sa sama ng loob sa nangyari sa kanya.
Habang nagmumuni-muni ay ay isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan niya.
“Mila!”
Nang lingunin niya ang tinig ay nakita niya ang maamong mukha ng kababatang si Zanjo na may dala ring bagahe.
“Hindi ko hahayaang lumaking walang ama ang anak mo, Mila. Gusto kong tumayong ama niya at gusto kong tumayong asawa sa iyo,” wika ng binata.
“Zanjo…”
Pinigilan siya nitong magsalita at hinawakan ang kanyang mga kamay.
“Mahal na mahal kita, Milagros. Hayaan mo namang ipakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal.”
Hindi niya napigilang maluha sa sinabi ng kababata hanggang sa dumating na ang hinihintay nilang tren at sabay na umalis para makalimot at para bumuo ng panibagong mga pangarap.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!